30 seconds
Ako si Lucio nagtuturo ako sa mga bakasyunista sa Helen resort halos dito na ako lumaki, kasama ko lang sa buhay na gumabay at nag alaga sa akin ay si lolo Nardo. Hindi niya gustong ikuwento sa akin ang kahit ano mang tungkol sa mga magulang ko kahit nga litrato wala akong nakita. Sabi sabi sa nayon magaling na Diver ang aking ama hindi na daw nakita ng sumama siya sa isang dayuhan at tinuruan itong mag dive hindi na sila nakabalik pa. Naiwan ang ina ko at ako, sa sobrang lungkot nagtutungo siya madalas sa laot para hanapin ang tatay ko pero dina rin nakabalik. Hanggang ngayon kahit bangkay nila hindi nakita. At heto ako kasama ng aking lolo. Ako na umaalalay sa kanya dahil matanda na siya. Kahit papaano napagtapos ako ni lolo dahil sinikap niya. Hindi na siya nag asawa dahil daw umaasa siyang babalik pa ang aking lola. Ayoko na magtanong kasi sasagutin niya ako na ako lang din ang makasasagot ng tanong ko. Bata pa ako lagi ako sa tabing dagat naging bahagi na ng buhay ko, ng araw araw ko. Isa pa nakakawala ng stress. Tapos isang umaga pasilak palang ang araw nakakita ako ng mga binatilyo na papaahon mula sa tubig, nilapitan ko sila at tinulungan kong itulak ang bangkang de motor na iakyat sa buhangin
Lucio : magandang umaga, mukha yatang napaka aga ng pagpapalaot ninyo?
Binatilyo : oo kuya Lucio, heto tingnan mo kung anong nakita naming. Isang garapon at may sulat sa loob nito. Alam mo ba yung alamat ng 30 segundo?
Lucio : bata pa ako matunog na kuwento na iyan, ang kuwento tungkol sa prinsesang nagbibigay ng hiling kapalit ang 30 segundong hindi mo pag hinga para makaharap siya sisisid ka papunta sa pusod ng dagat tama diba? E anong kinalaman niyang bote?
Binatilyo : nabasa na naming to wala naman nakapagsabi na maaring makakita ng bote at umiilaw ito akala naming may tao kaya napagpasyahan naming mamangka palapit sa ilaw at pagdating naming namatay ang ilaw at parang huminto ang oras tapos nakita ka nalang naming at hawak kuna ito. Kaya kung gusto mo sa iyo nalang.
Lucio : ano namang gagawin ko ditto?
Binatilyo : malay mo kuya Lucio makatulong yan sa trabaho mo, sige babalik na kami sa mga kasamahan namin.
At iniuwi ni Lucio ang bote, kinuha niya ang papel sa loob ng bote. Kita niyang nakasulat lamang ay 30 seconds of your breath exchange for the wish. At napaisip siya tungkol sa alamat. At dahil maaga siyang nagising bumalik muli siya sa pagtulog. Pang hapon siya ang pasok niya ay mula 11am- 4pm. At inihatid niya ang mga guest sa pool upang turuan ang mga guest sa kung papaano mag dive at direcho na sila sa motor boat upang mag instruct kung paano gamitin at isuot ang diving suit. At tumalon na si Lucio, sumunod ang mga guest at naiwan ang 3 kasama niya ang dalawang pang incase of emergency at ang driver ng boat. Sumisid sila sa ilalim ng dagat. Ngunit may umaagaw ng kanyang pansin tungkol sa alamat. Maya maya pa ay may nakita siyang lumangoy sa di kalayuan, babae ang nakita niya ngnit di niya maaring iwanan ang mga guest kung kaya napagpasyahan niyang pagkatapos ng trabahao ay babaliakn niya ito. Natpos ang diving inihatid na nila ang mga guest at nag off duty na siya. Kinausap niya ang isa sa mga kaibigan niya na samahan siya.
Lucio : maniwala ka sa akin bro, nakita ng dalawang mata ko may babaeng lumangoy dumaan siya.
Carlo : so susundan mo? Ano kaba Lucio mamaya ay syokoy yun! Tumigil ka nga.
Lucio : anu ba sasamahan moba ako?kung hindi ako mag isa ang pupunta
Carlo : haay kukunsensiyahin mu pa ako, sige pero hindi ako bababa kasama mo maiiwan ako sa boat.
Lucio : thanks bro, pano tara na.
At nagpalaot sila ng best friend niya at sumusid na si Lucio hinanap ang nakita niyang babae ngunit wala siyang nakita.