Prologue

88 0 5
                                    

May mga babae na merong “Cinderella Syndrome”. Yung tipong laging hinihintay si Mr. Right o Prince Charming na dumating para sagipin sila at pagkatapos nun ay “Happily Ever After” na. I believe meron ding mga lalaki ang may “Prince Charming Syndrome”. Yung tipong feeling nila eh sila lang ang kailangan ng babae. Na ang babaeng mahina ay para sa kanila. Na sila ang sasagip sa babaeng “Cinderella.”

Pero ang buhay natin ay hindi isang Fairy Tale na ang mga babae ay nakatira sa palasyo o alipin sa palasyo at ang mga lalaki ay nakasakay sa kabayo. Wala tayo sa mundo na may mga hayop at bagay na nagsasalita. Wala tayo sa mundo na may mga Reyna na nagiging dragon. Wala tayo sa mundo na may prinsipeng naging halimaw (literal), wala tayo sa mundo ng pantasya.

Namumuhay tayo sa mundo ng realidad.

Hindi ako naniniwala sa Fairytale. Bakit? Because there’s no such thing. Do you believe in “Happy Ever After”? Well, if you’ll ask me, I don’t.

Call me bitter or what. But that’s my belief.

I am Cindy. Funny, right? I don’t believe in Cinderella but my name is Cindy. Isang mayabang, maldita, umiinom, nagsisigarilyo, mabarkada, nakatikim na rin ng marijuana, palamura, madaling uminit ang ulo – name it, ayun ako.

Isang babae na malayong malayo sa karakter ni Cinderella.

Isang babae na walang pakialam sa sasabihin ng iba.

Isang babae na hindi natatakot sa mangyayari bukas.

Isang babae na walang sinusunod kung hindi ang sarili.

Isang babae na walang itinuturing na kaibigan. Dahil ang tingin sa lahat ay kaaway.

Isang babae na tinatawag na “demonyita” dahil sa kasamaan ng ugali.

At Isang babae na hindi kayang magmahal dahil maging sarili ay hindi kayang mahalin.

Yan lang naman ako, so alam mo na kung bakit wala akong pakielam sa pantasya nyo na maging Cinderella. Dahil hindi ako magiging Cinderella kahit kailan. Kaya kong mabuhay ng mag-isa. Kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Hindi ko kailangan ng lalaki sa katauhan ni Prince Charming. Dahil sa palagay nyo, may Prince Charming bang mahuhulog ng kusa sa isang babae na kagaya ko? Wala. At sa tingin nyo, mahuhulog ako sa kagaya ng Prince Charming nyo? Hindi. Hinding hindi. Ako ang babaeng walang kakayahang magmahal. Ako ang klase ng babae na mahirap mahalin.

Pero lahat ng paniniwala ko ay magbabago. Ng may isang lalaki sa katauhan ng Prince Charming nyo ang dumating…..o mas tamang sabihin na dumaan lang sa buhay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Cindy Met Her PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon