Masama bang umasa? Sorry naman kung hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako kay Prince Charming! Bakit sa iba dumating na yung Knight in Shining Armor nila, bakit sakin wala pa? Hanggang asa na lang yata ako?! Sabi nila, "Love comes to those who wait", 20 years na rin akong naghihintay aber. Wala pa rin siya at ang napupunta sa akin ay mga walang kuwenta.
Baka dumating ang punto na hindi na talaga siya dumating at naging matandang dalaga ako, No Way! Ayoko! Sayang ang kagandahan ko! Ayaw ko rin namang magmadre dahil sayang naman ang lahi ng aming angkan kung hindi kami magpaparami.
Kung hindi siya darating, ako na lang. Ako na lang ang maghahanap sa kaniya, saang panig ng mundo pa siya magtago. Hindi niya ako matatakasan.
Dahil ayokong maging isang loner at walang lovelife ay napagpasyahan kong gawin ang isang bagay na pinagsisisihan ko nang lubos. Ako si Bitter Ocampo at ito ang storya ng kalandian ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
She's Bitter Ocampo
RomanceSiya si Bitter, isang babae na hanggang ngayon ay naniniwala sa kanyang tinatawag na 'Prince Charming'. Ano kaya ang mangyayari kung magkikita sila ay isa na siyang bitter na hindi na naniniwala sa mga ka-echosan at walang kabuluhang mga prinsipe na...