Part One Everything

883 16 3
                                    

"Be my girl for the rest of my life Jenny"

Nakaluhod sya ngayon sa harap ko, sa harap ng maraming estudyante, sa harap ng mga kaibigan kong may dala rin ng kung ano anong cartolinang may nakasulat na "say yes Jenny".  Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito, matagal na rin syang nanliligaw sa akin pero hindi ko inaasahan na magagawa nya ang bagay na ito. Naiiyak ako dahil sa unang pagkakataon may nagparamdam sa akin na mahalaga ako.

Itinayo ko sya at niyakap.

"Of course I will be your girl for the rest of your life" bulong ko sa kanya.

Nakita ko yung saya sa mga mata nya at nagtatalon sya na dinaig pa ang nanalo sa lotto.

Niyakap nya ko ng mahigpit.

"Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Hindi kita papaiyakin, hindi kita hahayaang masaktan ng iba. Patatawanin kita kapag malungkot ka. Dadalhan kita ng pagkain kapag alam kong busy ka, aalagan kita kapag may sakit ka. Tandaan mo babe hindi ako naniniwala sa forever but for the rest of my life you will be first and last"

Nagsigawan ang mga estudyante sa paligid namin, ngayon ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam. Biglang naalala ko nung una ko syang makita. Yung unang ngiti nya sa akin, yung unang makausap ko sya, yung unang pinayungan nya ako at yung unang beses nyang hinatid ako sa bahay namin.

Nagpasalamat sya sa mga kaibigan namin at niyaya nya ako sa park malapit sa unibersidad na pinapasukan namin.

Naupo kami sa isang bench pinapanuod ang mga batang naglalaro sa field. Nasa likod ko sya habang nakayapos sa akin.

"Naalala ko nung unang beses kitang makita sa department nyo, na love at first sight na ata ako sayo. Hindi ko alam kung paano kita lalapitan nun kaya everytime na nakikita kita sinusundan kita, kahit kapag umuuwi ka sa bahay nyo tuwing gabi na mag-isa nasa likod mo lang ako kaya nung unang beses kitang hinatid sa inyo nagtaka ka kung bakit alam ko. Nung hinabol kita sa quadrangle kasi nababasa ka na ng ulan, pinayungan kita kasi baka magkasakit ka. Basang basa ka na nun, nainis ako sa sarili ko kasi natagalan akong makahiram ng payong sa mga kaklase ko. Torpe ako, ikaw ang unang babaeng niligawan ko at ikaw din ang huling babaeng mamahalin ko. Mahal kita kaya gumawa ako ng paraan para makalapit sayo, kinaibigan ko rin yung mga kaibigan mo kahit nung umpisa nahirapan ako pero iniisip ko para sayo kung bakit ko ginagawa ito. Nung unang beses kitang makasama sa tambayan pinaghandaan ko ang sandaling iyon. Nag ayos ako ng sarili, bawat ngiti mo tinititigan ko dahil pakiramdam ko kumpleto na araw ko. Yung araw na nalaman ko kung anong number mo at yung pagpayag mo na manligaw ako sayo feeling ko ako na yung pinakamasayang tao sa mundo pero hindi, kasi ngayon feeling ko ako rin yung pinakaswerteng tao. Salamat kasi dumating ka sa buhay ko. Mahal kita Jenny."

Naiiyak na ko sa mga sinasabi nya, wala akong kaalam alam na may  tao pala sa paligid ko na hinangad na mahalin ko rin. Sa bawat ngiti ko may tao pala akong napapasaya at sa bawat pagpayag ko hindi lang pala ako ang nagiging masaya. Yung taong lihim kong pinapangarap dati eto na ngayon sa harap ko at ginagawang makatotohanan ang lahat.

Gabi na nang ihatid nya ulit ako sa bahay namin. Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad parang yung kamay nya ginawa talaga para sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa unang pagkakataon may lalaking nakahawak sa kamay ko. Pakiramdam ko ngayong gabi ligtas ako sa pag uwi dahil katabi ko ang tagapagligtas ko.

"Salamat sa araw na ito, tandaan mo lahat ng sinabi ko sayo ay hindi ko bibiguin"

Bumitaw na sya sa kamay ko at nag umpisa ng maglakad palayo sa akin upang umuwi.

"Hey babe! Nasabi ko na ba sayong mahal na mahal kita? Ingat ka sa pag uwi mo at tandaan mo bukas mahal pa rin kita" pasigaw kong sinabi sa kanya

Tumakbo sya pabalik sa akin at muli akong niyakap.

"Sige na umuwi ka na baka lalo kang gabihin mas delikado sa daan"

Hinagkan nya ako sa noo at saka muling naglakad papalayo.

Nang gabing 'yon nakatulog ako nang mahimbing

--

"Hija, hija andito na tayo sa terminal saan ba ang punta mo? Kayo na lang ng katabi mo ang nandito"  sabi sa akin ni manong driver.

"Ay naku pasensya na po manong, dito na lang po ako. May sakayan na po ba dito papuntang Tagaytay?"

"Meron na. Doon lang" sabi nung lalaking katabi ko sa jeep.

"Sa susunod na sasakay ka ng kahit anong sasakyan magdala ka ng unan samahan mo na rin ng kumot para hindi ka nakakasakit ng balikat ng katabi mo" reklamo nung lalaki.

Bigla kong naisip na nakatulog nga pala ako habang nasa byahe. Hihingi sana ko ng pasensya at  magpapasalamat sa kanya pero bigla na lang sya umalis. Sayang. May kagwapuhan pa naman sya kaso may pagkamasungit.

Nag-umpisa na rin ako maglakad papunta sa itinuro nyang terminal. Nang makasakay na ko sa tricycle saka ko lang naalala ang panaginip ko.

Ang ganda ng panaginip ko halos perpekto ang bawat nangyayari kaya siguro napahimbing ang tulog ko, perpekto na sana kaso napakaimposible namang mangyari nun sa akin. Nakakahiya naman kay kuyang masungit pero salamat na rin kasi pinasandal nya ko sa balikat nya. Isa syang magandang panaginip.

TAMA! Isa syang magandang panaginip dahil ngayon ko lang napansin na sya at yung lalaki sa panaginip ko ay iisa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Guy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon