EYE Love YOU!!
By: porcupine_heart
CHAPTER 1.
GOD GAVE ME YOU
///////BY: FuzzyZen27/////////
"Waaaahhhh!! Ang sarap nga ng simoy ng hangin dito!!!"
"Kaya nga kita dinala dito ehh,,"
"Kasi masarap ang hangin dito??"
"Hindi, , kasi mahal kita!!"
"Ehhhh!"
"Oo nga.."
"Ang shweet!! hihihi. Pero uy! Promise mo, hindi mo ako iiwan huh?"
"Syempre naman. Mahal na mahal kaya kita!"
Hi! Ako pala si Rhea Forteza. Kasama ko ang bf ko, si Ken Varez. Nandito kami ngayon sa garden daw nila. Ang sarap nga ng simoy ng hanging dito ehh at meron din daw syang tinanim na mga roses dito para sa akin.
Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag kasama ko siya. Yung pakiramdam na, wala kang dapat ikatakot, kasi nandyan siya para protektahan ka.
Yung pakiramdam na kaya mong gawin ang lahat, kasi nandyan siya sa tabi mo para tulungan ka.
Para sa akin siya na ang LAHAT sa buhay ko.
Si Ken nga ang naging mga mata ko simula nung naging kami, bakit? Kasi po, sa totoo lang, isang kulay lang ang nakikita ko at 'yun ay itim. Palagi nalang madilim ang paningin ko sa paligid. Sa madaling salita, ako po ay isang bulag.
Hindi ko nga alam kung bakit ako ganito. Ang alam ko lang ay simula nung napunta ako dito sa mundo, wala akong ibang nakita, kundi ang isang madilim na lugar.
Hindi ko naman kayang sisihin ang Panginoon, kasi hindi naman siya ang may pakana nito eh. Kasi nga mahal niya ako, mahal niya tayo. Kasi kung hindi niya ako mahal, eh di wala ako ngayon, hindi ko na sana kayo nakwentuhan ngayon, at hindi ko na rin sana makikilala si Ken, hehehe. :)
Dapat ko pa ngang pasalamatan ang Diyos eh, kasi binigay niya sa 'kin si Ken na ALMOST perfect!
"WOOO!! THANK YOU LORD!!" sigaw ko.
"Huh? Bakit naman?" -si Ken.
"Kasi ibinigay ka ni Lord sa akin."
BINABASA MO ANG
EYE Love You! (Short Story)
RomanceTayong lahat ay hindi perpekto. Minsan mali 'yung desisyon natin, minsan rin ay tama.