Ang Pagmamahal sa Bus

2 0 0
                                    

Hindi natin pareho Inasahan nasa Bus ang Simula ng Love Story na'tin Dalawa, Natatandaan mo pa ba yung panahon na una nating pagkikita. Hindi tayo pareho nakasakay sa I-Isang Bus pero Akalain mo binigyan pa din tayo ng pag kakataon na Magkita At Makilala ang Isa't isa. ☺
Malungkot ako noong Panahong iyon, 😰 Nasa tabi ako ng Bintana ng Bus habang nag mumuni muni at dinadama ang lamig ng simoy ng Hangin. 💨
Hanggang Huminto ang Bus, 🚎
nagka tapat ang Bus na sinasakyan natin dalawa. 🚌🚎
Noong una hindi pa kita napansin dahil na din siguro sa lalim ng iniisip ko.
Hanggang sa mapatingin ako sa gawi mo.
ngumiti ka sa akin na para bang matagal na tayong magka kilala. 
nagulat pa ako sa huli mong ginawa, nag pabebe wave kapa sa akin. dahil doon natawa ako ng bahagya dahil ang cute mo sa ginawa mong iyon.
You made my day happy
kahit paano naibsan ang kalungkutan ko.
.
Hanggang sa umandar na iyong bus na kung saan ka nakasakay, sinundan ko pa ng tingin yung Bus na may halong lungkot. 
Ni hindi ko man lang natanong ang pangalan mo.
After few minutes huminto ulit ang bus, Red Light 
nagulat ako na nakita kitang muli,
hindi ko alam pero natuwa ako ng makita kita,
sa oras na iyon malapit na malapit na tayo sa isat isa.
Hanggang sa may inabot kang Papel sa akin bago umandar ang Bus na sinasakyan mo.
.
"The truth is we don't know what is going to happen tomorrow, Life is like a crazy ride "
.
--- Lance G. 
.
Yan ang nabasa ko sa papel na binigay mo, napaisip ako bigla noong oras na iyon.
kahit paano pina lakas mo ang loob ko, sayang nga lang kasi Hindi mo kinompleto yung Full name mo. 
paano kita makikita ulit? mag kikita pa nga ba tayo ulit? 
.
Dahil Interesado ako sa'yo sinubukan kong isearch kita sa social media.
lahat na yata ng apilyedong nag uumpisa sa G ay ginamit ko na bilang apilyedo mo.
pero hindi pa din kita makita, halos mawalan na ako ng pag asa noon. 
buwan na ang lumipas pero hindi na kita muling nakita.
.
Hindi ako palatandain sa itsura ng ibang nakaka salamuha ko pero ewan ko nga ba nanatiling malinaw sa utak ko ang itsura mo, parati kong dala ang Papel na ibinigay mo sa akin ilang beses ko na nga bang nabasa yung sinabi mo sa papel
isa, dalawa, tatlo, apat hindi ko na yata mabilang pa.
.
Hanggang dumating yung araw na pinagtagpo tayong muli
Galing akong Ospital noong araw na iyon, pauwi na ako at sumakay ako ng Bus
Punuan ang Bus, Ilang minuto pa akong nakatayo bago ako naka hanap ng mauupuan, ganoon nalang ang gulat ko ng Makita kita, Tibok ng puso ko ang tanging naririnig ko ng mga oras na iyon habang papalapit sa kinauupuan mo.
naka headset ka at nakapikit, Hindi ko lang alam kung gising ka nga ba o naka pikit lang. 
hanggang sa maka upo na ako sa tabi mo, para ngang hindi mo naramdaman na may umupo sa tabi mo.
.
Ang lapit lapit na natin sa isa't isa, kumbaga sa kanta ni Yeng Constantino pwede ko din bang kantahin sa oras na iyon ang Linyang.
.
" Manong driver, huwag mo ng ibalik ang sukli ko, drive lang po ng drive huwag mong hihinto kahit saan mapadpad kahit lumipad pa tayo, minsan lang madama ang ganito"
..
Malapit na 'yong Bahay namin pero hindi pa din ako pinag bibigyan ng pagkakataong maka-usap ka,
Gusto ko tanungin sa iyo kung naaalala mo pa nga ba ako.
pero hindi ko magawa, ayokong istorbuhin ka
baka nga kasi natutulog kang talaga.
Ilang milya nalang Bababa na ako, ramdam ko ang bigat ng puso ko
dahil sayang na naman ang pagkakataon na makilala kita.
Tumayo na ako at pumunta sa harap, huminto na ang bus
ayoko pa sanang lumabas pero kailangan na dahil iyon na ang babaan, isang sulyap pa sa'yo at tuluyan na ako lumabas ng Bus.
Sa ikalawang beses Hindi na naman kita nakilala. 
Sinundan ko ulit ng tingin ang bus kung saan ka nakasakay Ngumiti ako ng pilit siguro nga hanggang doon lang talaga tayo para sa isat isa.
Bumuntong hininga muna ako bago nag lakad, naka ilang hakbang na ako ng bigla akong Nagulat na may biglang humawak sa balikat ko.
napa atras ako ng mapalingon ako at makita kung sino ang humawak sa balikat ko.
Mas lalo yata akong nabibingi dahil sa tibok ng puso ko, Ang tagal sink In sa akin 'yong pag kakangiti mo.
gulat na gulat ako at walang salita ang lumabas sa bibig ko noong mga sandaling iyon.
Nahulog ko pala yung phone ko sa kinauupuan ko at buti nalang nakita mo at nag mamadali kang bumaba ng Bus para ibigay iyon sa akin.
Sa wakas, nakilala na kita at iyon ang araw na gustong gusto kong mangyari.
medyo nadissapoint lang ako kasi hindi mo ako naalala kaagad.
paano kung nakalimutan ko na din itsura mo, edi hindi na tayo muling nagka kilala.
pero ok lang iyon, ang mahalaga nagtagpo tayong muli.
at sa araw na iyon doon nag simula ang storya natin dalawa.
Naging malapit tayo sa isat isa, Isa ka palang call center kaya siguro tulog ka noong pangalawa nating pag kikita, Mapag mahal ka sa pamilya mo, Hindi man halata sa Bad boy looks mo ei napaka bait mo pala. Ang sweet mo, Ang sweet mo sa lahat, Minsan nga nabibigyan ko ng meaning ang pagka sweet mo sa akin, pero ayoko naman mag expect ng sobra dahil sa huli ako lang din ang masasaktan.
Sa maikling panahon na nakasama kita enough na iyon para makilala kita ng lubusan at masabi kong mahal na nga kita. Oo mahal na kita lance, pwede bang ganoon na din nararamdaman mo gaya ng nararamdaman ko sayo? pwede bang mahal mo nalang ako para kahit papaano maging masaya at kontento na ako sa buhay ko.
.
Hindi ko sinasadyang mahulog ng tuluyan sa'yo, pero kahit na sira ang puso ko nagpatuloy pa din ito na mahalin ka, sorry kung minsan naiisip ko na ipagdamot ka, naiisip ko na dapat sa akin ka lang, ganoon lang siguro ako kainlove sa iyo.
Isang araw dinala mo ako sa isang amusement park, sabi mo bagay ako dito dahil isip bata ako , tawang tawa ka pa nga sa naging reaction ko, natuwa din ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan ka.
Natauhan nalang ako ng hawakan mo ang kamay ko at marahang hinila papunta sa isang ride.
Naka ilang Rides pa tayo ng ayain mo ako sa Ferris wheel, sobrang tanggi ako noong oras na iyon dahil takot ako sumakay sa ferris wheel, muli mong hinawakan ang kamay ko sabay sabing 
' Walang mangyayari sa iyong masama kapag ako ang kasama mo' 
tandang tanda ko ang sinabi mong iyan sa akin habang nakatitig ka sa mga mata ko.
Wala akong nagawa kundi sumama sa'yo, sobra lang kaba ko pero heto ka sa tabi ko para icheer up ako kaya lumalakas ang loob ko.
nagsimula ng umikot ang ferris wheel, hindi naman pala gaanong nakakatakot.
bumabagal na ang Ikot hanggang huminto tayo sa pinaka ituktok, nakadama muli ako ng takot gusto ko ng umiyak noong mga oras na iyon,
hinawakan mo ang kanang kamay ko sabay ngiti sa akin, ginantihan kita ng ngiti kahit alam kong takot na takot ako.
.
Nagulat pa ako ng may bigla akong narinig na malakas na putok, pag tingin ko sa harap Fireworks pala. grabe ang ganda lang tignan lalo na't nasa Taas tayong dalawa.
hindi mo binitawan ang kamay ko sabay natin pinanuod ang fireworks na magka hawak ang kamay, Hindi mawala wala ang ngiti ko sa mga labi . Hanggang sa nagulat ako sa sumunod na nangyari.
nabasa ko ang pangalan ko sa Fireworks 
'JEWEL ' 
napa tingin ako sa iyo, naka ngiti ka lang. naramdaman ko na medyo diniin mo ang pag kaka hawak sa akin, muli akong tumingin sa harap.
'JEWEL, CAN YOU BE MY GIRLFRIEND"
Ang huling pinakita ng langit sa harapan ko
napatingin ako ulit sa'yo, Alam ko na hinihintay mo kung anong isasagot ko.
Bigla nalang bumagsak ang mga luha ko, syempre YES ang sagot ko YES na YES lance dahil ito yung araw na hinihintay ko matagal na.
naging officially couple tayong dalawa. 
Natutorpe ka lang pala aminin na may gusto ka din sa akin, Akalain mo yun bad boy ang peg mo pero natorpe ka? 
Noong araw na nakita mo ako sa bus sabi mo attracted kanm na sa akin noong time na iyon, sabi mo pa kinanahan ka ng sobra noong time na nginitian mo ako dahil baka isnabin lang kita, tapos bigla mo nalang naisip na mag pabebe wave dahil nakikiuso ka sa kalye serye, at akalain mo na pareho din pala tayo ng naramdaman noong umandar na ang bus at di man lang natin nakilala ang isa't isa.
kaya noong nagkita tayong muli ng huminto ang bus binigyan mo ako ng isang Qoutable, At may nakasulat na Lance G. 
Tinanong ko kung anong meaning ng G. natawa ako sa sinabi mo ' G ' means Gwapo
'Lance Gwapo' pala iyon at 'yon din ang naka lagay na name mo sa Facebook.
ikinuwento mo din 'yong pangalawang pag kikita natin, Nakita mo na pala ako noong nakatayo palang ako sa loob ng Bus 
Nang alam mong sa pwesto mo ako uupo pumikit ka, yung akala kong tulog ka ei nag tulog tulugan ka lang pala dahil nahihiya ka sa akin, nahiya ka noong ginawa mo yung pabebe wave. 
Hanggang sa bumaba na nga ako,nainis ka sa sarili mo dahil napaka torpe mo.
hanggang sa nagkaroon ka ng pag kakataon ng maiwan ko iyong phone ko sa inupuan ko, hindi ka na nag paligoy ligoy at sinundan ako.
Buwan na ang lumipas pero parang kahapon lang ng umamin ka sakin at sinagot kita, kumbaga sa Bulaklak napaka Fresh pa din ng pag mamahalan natin.
halos araw-araw mo pa din akong nililigawan kahit tayo naman na.
swerte ko sa iyo kasi hindi mo lang sa salita pinapakita na mahal mo ako kundi pati sa Gawa, pero parati mong sinasabi na 'Hindi mas swerte ako sa'yo dahil ikaw ang naging Girlfriend ko' kahit tayo na kinikilig pa din ako, para akong isang teenager kung kiligin.
Parati tayong sabay mag simba tuwing linggo, minsan dito natin pinag kukwentuhan ang mga plano natin in the near future, Dito natin planong mag pakasal. magpa binyag ng mga magiging anak natin at iba pa.
hindi pa man excited na akong dumating ang araw na iyon.
Pero hindi lahat ng magkarelasyon Puro Saya. Dumating tayo sa point na nagka problema tayo, hindi dahil sa nambabae ka o nag kulang tayong dalawa ng time sa isat isa kundi dahil sa sekreto ko na matagal kong itinago sa iyo.
Nagalit ka sa akin ng malaman mong itinago ko ang Sakit ko sa iyo.
ginawa kong dahilan kaya madalas akong hindi maka hinga dahil may asthma ako pero ang totoo niyan May sakit ako sa Puso, Bata palang ako nakitaan na may butas ang puso ko, habang tumatagal lumalaki ito ng lumalaki. Hanggang ngayon hindi kami makahanap ng heart donor hanggang sa lumala na ito.
Nakita ko sa mukha mo ang pag aalala.
Kung anong reaksyon at naramdaman ko ng malaman kong may sakit ako ay siyang naging reaksyon mo din ng malaman mong may sakit ako. 
Niyakap mo ako ng mahigpit na mahigpit, rinig ko ang pag pigil mo sa pag iyak.
Pinilit kong huwag umiyak para ipakita sa iyo na okay lang ako at malakas, Kaya sana ganoon ka din. 
dahil ikaw ang nag sisilbing lakas ko kapag kasama kita, ikaw ang dahilan kung bakit nagka rason ulit ako para mabuhay ng matagal.
marami pa tayong pangarap sa isat isa na sabay natin tutuparin hanggang sa pag tanda natin dalawa.
.
Dumating ang araw ng First Anniversary natin, parang kailan lang ng mag kakilala tayong dalawa. syempre sobrang excited ako.
Pero nawala lahat ng saya at excitement ko ng sabihin mong busy ka sa work ngayong araw na ito at mai-extend ka pa dahil hindi pumasok ang kapalitan mo. 
Mas lalo pa akong nainis na parang nakalimutan mo pa kung ano ang araw na ito para sa atin dalawa.
Ni wala kang nabanggit about sa anniversary natin.
kaya mag hapon akong nag kulong sa bahay
buti nalang dumating yung pinsan ko at nag kaayayaan kaming lumabas ng bahay, pumayag naman ako kasi sobra talaga akong naiinis at kailangan kong mag pahangin.
hanggang sa makarating kami sa hindi pamilyar na lugar.
nagulat nalang ako sa mga sumunod na pangyayari, rinig na rinig ko ang boses mo habang kumakanta.
.
" Ikaw, Ang pag-ibig na binigay
puso ay nalumbay ng kay tagal
ngunit ngayo'y nandito na 
ikaw ,ikaw "
...
At hindi pa ako umibig ng ganito 
at nasa isip, makasama ka habang 
buhay"
.
iyan ang part na malinaw na kinanta mong tandang tanda ko pa hanggang ngayon, 
kinakantahan mo ako sa harap ng Magulang ko at Magulang mo,iyak ako ng iyak dahil sa supresang ginawa mo, Hindi naman kagandahan boses mo pero sa pandinig ko para kang isang anghel na kumakanta sa harapan ko ng mga oras na iyon, Pagkatapos mong kumanta lumapit ka sa akin tsaka pinunasan ang mga luha ko sa mga mata at niyakap ng mahigpit
isinigaw mo pa ang salitang
" I LOVE YOU JEWEL" sa mic. na ikinatawa ng lahat.
tapos bigla mo akong dinala sa harap at nag speech, syempre hindi ko din makakalimutan 'yong speech mo, ewan ko ba basta about sa iyo tandang tanda ko anh lahat pero sa totoo lang makakalimutin talaga ako.
ikinuwento mo ang lahat mula umpisa ng storya natin dalawa habang may mga lumalabas na pictures sa malaking White Screen, ikinuwento mo kung gaano ka natorpe sa akin, ayan tuloy binuko mo ang sarili mo at nagtawanan na naman ang mga nanunuod sa atin.
Sobrang Compatible natin sa isat isa mas mahal mo ako at mas mahal din kita.
pareho natin mas mahal ang isat isa kaya balance tayo.
akala ko nga tapos na 'yong surpresa mo, noon pala may mas nakaka bigla pa pala doon muli kang kumanta at lumapit sa mga magulang ko habang kinakanta ang Marry your daughter, pati tuloy Magulang ko pinaiyak mo. 
si Papa na tigasin ei napa-iyak mo, lagot ka sa kaniya.
.
" Marry your daughter make her my wife"
ang sarap pakinggan 'non lance, sobrang sarap pakinggan na nag papa alam ka sa mga magulang ko.
after ng kanta, tango lang ang isinagot ng mga magulang ko, speechless na yata kakaiyak 
at lumapit kang muli sa akin tsaka lumuhod, ito pa nga mga sinabi mo sa'kin.
.
" Ikaw ang pinaka makinang na Jewel na nakita ko sa tanang buhay ko, Hindi ko alam na may Destiny pala? pinagtagpo tayo sa Tamang oras at panahon, Salamat sa diyos dahil Tamang babae din ang ibinigay niya sa akin.
pinagtagpo tayo ng tadhana para magsama habang buhay, salamat dahil nakilala kita. Hindi ko na hahayaan pang mag kalayo tayong dal' wa
JEWEL WILL YOU MARRY ME "
.
wala ng isip isip at nag YES kaagad ako, bumuhos na naman ang mga luha ko sa saya. Ako ang pinaka masayang Babae noong araw na iyon.
.
Sumakay ulit tayo sa Bus, ang favorite public transpo. natin.
syempre sa Bus nag simula ang lahat sa atin.
Nagsimula tayo bilang stranger, kaibigan , Boyfriend/Girlfriend at ngayon Soon to be Husband ko na.
Ang dami ng nagbago sa atin
Nakalimutan ko na din na may sakit pala ako, namuhay muli ako ng normal at maayos, sabi sa iyo ei ikaw ang nag sisilbing lakas ko.
Muli tayong bumalik sa Simbahan, Magkahawak kamay tayo habang nakaka titig sa altar, Pareho lang ba tayo ng iniisip Na Pareho tayong naka harap sa altar at mangangako sa panginoon na mag sasama habang buhay.
kung gayunkadin, wow ang perfect talaga natin sa isa't isa.
Ilang buwan na ang lumipas, pinag hahandaan na natin pareho ang kasal
ang busy na natin dalawa, Pero syempre di pa din tayo nawawalan ng Time sa Isa't isa ewan ko ba, Parang di uso sa atin ang salitang AWAY wala yata sa dictionary natin ang word na iyon.
Excited lang ang nararamdaman ko habang papalapit ang kasal natin. 
Papunta tayo doon sa wedding designer para isukat na ang gown ko, Oo gawa na ang gown ko at sa unang pagkakataon makikita ko na at masusukat. 
Magkahawak ulit tayo ng kamay na may ngiti sa mga labi habang nag bi biyahe sa Bus.
Napansin ko na parang ang bilis mag patakbo ni Manong driver, napansin mo atang kinakabahan ako kaya hinigpitan mo ang pag kakahawak sa kamay ko.
Hanggang sa may nag reklamo ng pasahero na bagalan naman daw ang pag andar, pero parang walang narinig 'yong driver, Napansin ko yung kundoktor na para bang natataranta.
Hanggang sa sumigaw na siya ng,
" HUMAWAK KAYO NG MABUTI AT NAWALAN TAYO NG PRENO"
Ilang segundo bago nag sink in sa akin ang sinabi ng Kundoktor, Nag panic na ang lahat,syempre pati ako pero pinapa kalma mo lang ako, yakap yakap mo ako at sinasabing.
" WALANG MANGYAYARI SA IYONG MASAMA,NASA TABI MO LANG AKO. WALANG BIBITAW JEWEL "
Yan nalang ang naintindihan ko sa mga sinabi mo, Hanggang nangyari na ang hindi dapat mangyari.
Nahulog ang Bus sa bangin, sobrang higpit ng pag kakayakap mo sa akin nung mga oras na iyon.
naramdaman ko na may matigas na bagay na tumama sa ulo ko na syan ikinahilo ko ng sobra, Tumilapon tayo sa labas .
Ramdam ko ang likido na dumadaloy sa mukha ko,Hindi ako makahinga. 
Ramdam ko na ang katapusan ko dahil kapos na ako sa hininga.
pinilit kong imulat ang mga mata ko para hanapin ka, Hindi ako nahirapan makita ka dahil nasa tabi lang kita duguan ka din, pinilit mong hawakan ang kamay ko kahit ramdam kong hinang hina kana din, ngumiti ka sa akin at nabasa ko sa bibig mo ang
" MAHAL NA MAHAL KITA" 
hanggang sa tuluyan ng nag dilim ang paningin ko.
.
Pagka gising ko naramdaman ko agad ang sakit ng ulo ko, dahil siguro ito sa sugat na natamo ko.
kahit na hinang hina ako pinilit kong umupo, pinigilan naman agad ako nila Mama. mag pahinga muna daw ako.
Agad kitang hinanap kung saan Kwarto ka naka confine.
Ganoon nalang ang kaba ko ng wala akong marinig na sagot sa kanila, Umiiyak na sila
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nag sisisigaw ng
" NASAAN SI LANCE, GUSTO KO MAKITA SI LANCE " 
pero bigla akong nanghina ng sabihin na nila ang sagot sa tanong ko.
Dead on arrival kana noong dumating dito sa Ospital, Hindi ako makapaniwala.
Gising ka pa noon huli kitang nakita
Ngumiti kapa nga sa akin hindi ba? 
sinabi mo pa nga sa akim na Mahal na mahal mo ako. Pero bakit ganito na ang nangyari, 
sinabi mong walang bibitaw, sana sinabi mong hindi mo kaya para sumama nalang ako sa'yo, sana ako nalang ang yumakap sa iyo ng mahigpit para ako nalang ang nahirapan, sana hindi nalang ako nag pakatatag, sana ako nalang ang nawala.
Bakit ang Unfair mo? bakit iniwan mo ako agad sa ere, ang dami pa nating pangarap na uumpisahan palang natin gawin ng sabay.
Bakit ka bumitaw lance, bakit. Ang daming katanungan ng puso ko na kailanman hindi na masasagot dahil wala ka na.
.
Tatlong araw pa akong nanatili sa ospital bago nakapunta sa burol mo.
Nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit sa iyo. 
Gusto kitang yakapin, pero ang tanging mayayakap ko nalang ngayon ay ang iyong kabaong, Hindi ko kinaya at humagulhol at nagwala ako sa harap ng kabaong mo.
Parang isang bangungot na gusto ko ng magising, please lance pwede bang gisingin mo na ako dahil hindi ko na kaya. Hindi ko matanggap na darating ako sa punto na makikita kitang nakahiga sa kabaong at pinag lalamayan ka.
marami ng tao ang uma alalay sa akin at nag papaypay dahil anytime pwede akong mawalan ng malay.
pinaupo muna nila ako sandali, pero patuloy pa din ako sa pag iyak.
Nang mahimasmasan ako ng kaunti doon nila inamin sa akin na ikaw ang heart Donor ko, Kailangan ko maoperahan noong araw na naaksidente tayo dahil humihina na daw ang tibok ng puso ko at hindi na kakayanin ng buong katawan ko.
Pumayag agad ang magulang ni lance na isalin ang puso ng anak nila sa sa akin.
Nag simula ulit akong humagulgol 
"LANCE, BAKIT? BAKIT MO AKO INIWAN, HINDI KO KAYA NASA GANITO MATATAPOS ANG RELASYON NATIN DALAWA" 
sabi ko noon habang hawak hawak ang dibdib ko.
Dumating na yung araw na tuluyan mo na akong iiwan, Bumalik ulit tayo sa simbahan na siya sanang magiging saksi ng mga Pangako natin sa isa't isa. 
Pareho tayong Nasa harap ng Altar dal'wa, Pero hindi sa ganitong pakiramdam ang dapat kong maramdaman ngayon. 
Dapat masaya ako, Dapat buhay ka
Dapat pareho tayong naka ngiting dalawa.
bumagsak na naman ang mga luha ko habang naka titig sa iyo. Halos manlumo ako habang pinag mamasdan ka sa loob ng kabaong. 
Hindi ko alam kung paano ko pa ulit uumpisahan ang bukas na wala ka lance. 
Hindi ko inaasahan nasa ganito mag tatapos ang relasyon natin dalawa.
Noong unang araw na nagkita tayo, Malungkot ako dahil nalaman ko na malala na ang sakit ko at anytime bibigay na ang puso ko, Hindi ko alam na kaya ka pala binigay ng diyos sa akin ay para maging kadugtong ng buhay ko.
Kung anong bilis na binigay ng pagkakataon na dumating ka sa buhay ko ay siyang bilis din ng pag alis mo.
Diba sinabi ko sa'yo na ikaw ang naging rason kung bakit ulit ako nagkaroon ng lakas mabuhay sa mundong ito, kaya paano ko pa kaya pag papatuloy ang buhay ko kung wala ka na.
Pareho tayong nasa altar na iyon, Alam kong hindi mo ako pababayaan , Kahit wala kana hinding hindi ka mawawala sa puso ko, sa puso mo.
pinag isa mo ang puso nating dalawa lance. 
hayaan mong ako na ang tumupad ng pangarap natin dalawa.
.
Makalipas ang Isang taon, parang kahapon lang ang sakit na nararamdaman ko ng bumalik ako sa puntod mo, Nilinis ko pa ang lapida mo. 
Natupad ko ang isang kahilingan mo,
alam mo ba kung ano? iyon ay ang mabuo tayo bilang isang pamilya. Nakikita mo ba ngayon ang Anak mo? 
isinunod ko siya sa pangalan mo.
Hance, napaka gandang pangalan Hindi ba? kamukhang kamukha mo sya Lance, 
Salamat dahil kahit nawala ka hindi mo ako hinayaan na mag-isa .
Nag iwan ka ng Taong papawi ulit ng lungkot ko .
Pag laki ng anak natin iku kwento ko lahat lahat ng nangyari sa atin. 
pwede ko din bang ikuwento sa kaniya na napaka torpe ng daddy nya? 
syempre Oo, part iyon ng Storya natin.
Salamat sa lahat, Isinulat ko tong Diary na'to sa harap ng puntod mo para pag dumating ang araw na tumanda na ako at maging makaka limutin na.
babasahin ko lang ito para hindi pa din kita makalimutan.
Hanggang dito ko nalang tatapusin ang storyang ito at pansalamantalang isasara,
At kapag nagkita tayo ulit sa kabilang buhay ay tsaka ko ulit pag papatuloy ang kwento natin dalawa.
Salamat Lance, Hanggang sa muli natin pagkikita.
JEWEL... 😢

                            THE END.........

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Pag- Ibig sa busWhere stories live. Discover now