Chapter 1

2 0 0
                                    

"Ano nasabi na ba sa'yo ni Mrs. Sawyer?" taas kilay nitong tanong.

"Yeah and she said, wala raw siyang natatandaang may nagmamay-ari na nito kaya umalis ka na ngayon din." namewang pa ako saka itinuro ang bukas na pinto.

Tiningnan lang niya ito saglit pagkatapos ay nakangisi ako nitong binalingan.

"Do you think you can fool me? Nah-uh. I'm smarter than you so good night." nginitian ako nito ng malapad saka mabilis na sinakop ang higaan ko.

"H-hoy! Lumabas ka nga sabing hindi mo to--"

"Shut up. I'm tired. Bukas na lang tayo mag-usap."

Hindi na ako nagsalita pa't hinayaan na lang siyang matulog sa higaan ko.

Takte! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako pumapayag na maging sunod-sunuran sa sinasabi niya?

Hindi ako 'to! I'm Sabine Reverie Poe, matapang at palaban. Bakit ako nagpapa api sa mokong na
'to ha? Sino siya para mapapayag ako?

'Well, anak lang naman siya ng may-ari nitong Condominium na may 78th floor.'

Ah so ano? Porke't anak siya ng may-ari ng condo na ito mapapapayag na lang niya basta basta si Sabine Reverie Poe? Ang matapang at palaban na anak ni Thorin Poe?

'Hinayaan mo na nga siyang matulog sa kama mo e, ngayon ka pa ba magrereklamo?'

Darn it. Bakit nga ba?

Dahil ba ex crush ko siya?

Dahil ba mas lalo siyang pumogi at maging manly?

Dahil ba--

Erase. Erase.

Hindi healthy sa akin ang mag-isip ng mga walang kwentang bagay.

Hindi ako pwedeng ma i-stress. May deadline pa akong kailangan habulin. Kailangan kong mag beauty rest para makapag compose na ulit ako bukas ng kanta.

Tama tama!

Itutulog ko na lang 'to.

___

Kinaumagahan, natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakahiga sa aking kama.

Teka? Hindi ba't sa sofa ako kagabi natulog?

Kaagad akong bumangon saka lumabas ng kwarto. Sinipat ko ang sala at maging ang kusina.

Walang tao.

Na saan na iyong kumag na iyon?

"Bakit ko ba hinahanap iyon? Magaling nga iyon at umalis na kaagad e." mahinang bulong ko sa sarili bago tinungo ang lababo.

Matapos kong gawin ang aking morning rituals ay kaagad ko nang inihanda ang mga sangkap na gagamitin ko sa pagluluto ng aking agahan.

"Tila kahapon lang, ang mga alaala. Tila tinangay na ng hangin, ang mga alaala. Sa panaginip na lang ba? Ibubulong. Na sana'y lagi kang makitang masaya~"

"Good morning!"

Halos mapisak ko na ang itlog na hawak ko sa sobrang gulat.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't sinabi kong umalis ka na!" sigaw ko saka siya tinulak-tulak.

"Haha I told you this pad is mine. I will do whatever I want. So bare with my presence. May choice ka naman e, it's either hayaan mo akong tumira rito kasama ka or umalis ka."

Aba't choice choice pa raw? Neknek mo!

"Hindi ko kailangang mamili dahil first of all, nagbayad ako rito. Hinulugan ko ito sa looban ng dalawang taon kaya akin ito. Kahit umabot pa tayo sa korte! Ipaglalaban ko ang rights ko!"

Mahina lamang itong napatawa saka kinuha ang frying pan sa harap ko.

"Go on, Miss. Basta nagsabi na ako sa'yo ha. Hindi ko na kasalanan kung ikaw ang mapapahiya sa huli haha"

Napa face palm na lang ako saka napabuntong hininga.

So ano ngayon? Dito siya? Kasama ko?

Hell no! Gagawin ko ang lahat mapaalis lang siya.

Saglit ko siyang pinagmasdan habang nagluluto.

Ang laki na pala talaga ng pinagbago niya. Mas lalo siyang naging manly. Iyong katawan niya mas lalong naging firm. Siguro'y alagang gym ito.

Siguro marami na rin itong naging girlfriend. Hitsurahin pa lang kasi mukhang habulin na talaga.

Ay oo nga pala, habulin na talaga siya noon pa man.

Not to mention na isa ako sa mga babaeng naging taga hanga niya ha.

Hmm what if i-seduce ko siya?

Mag wo-work kaya? What if hindi?

Pero wala namang masama kung susubukan ko 'di ba?

Tama, if making him falling in love with me is the only way, then I'm willing to take the risk.

Basta mawala lang siya sa landas ko.

I'll do everything to get rid of him.

Watch and learn, Roscoe.

I'll be the greatest player in this world.

'Let the game begin'
___

To be continue.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If You Are A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon