First Heartbreak

2 0 0
                                    

One

Kasalukuyan kong sinusundan ang ex-boyfriend kong si Skyler. Bakit ba kasi niya ako hiniwalayan kahapon!? May pagkukulang ba ako? May nahanap na ba siyang mas maganda? Nasasakal ko ba siya? Selosa ba ako? HINDI KO TALAGA ALAM KUNG ANO ANG MALING GINAWA KO!

Shit. Umiiyak na naman ako. Ano ba 'to. Napaka pathetic ko naman. Eh hindi niyo naman ako masisisi.

[ Flashback ]
Hinihintay ko si Skyler dito sa Break Café. May importante daw siyang sasabihin. Kinikilig ako! Magpo-propose na kaya siya sa akin'? Tutal, graduating naman kami.

Napatigil ako sa pagpapantasya nang umupo si Skyler sa harap ko. "Sky, may inorder akong Hot Chocolate para sayo. Alam ko kasing paborito mo yun." Tiningnan ko siya nang may pagmamahal pero iniwas niya lang ang mukha niya sa akin.

"Arima, I don't want to make this harder for us. I'm breaking up with you. I'm sorry." Nakatulala lang ako sa mukha niya. Nagulat ako.

"W-What? Why? May nagawa ba ako?"  Nasasaktan ako ng sobra. B-bakit? Ang saya saya pa nga namin kahapon. I don't get it.

"No, you're a perfect girlfriend. You didn't do anythi-----"

"Then why are you breaking up with me!?" Fuck. Naiinis ako. Eh wala naman pala akong nagawa eh!

We stared at each other. Hindi ko siya tatantanan ng titig hanggat di niya sinasabi ang rason kung bakit niya ako hihiwalayan. 5 years na kami! At masisira lang dahil sa di ko malamang dahilan!?

"Maam, ito na po yung order mo." Hindi namin pinansin ang waiter. Hinayaan lang namin siya na ilagay ang baso sa harap ko.
"I'll ask you again. Bakit mo ako hihiwalayan!?"

Yumuko lang si Sky. "Sorry Arima." That's it.

Tumayo na ako at ibinuhos sa kanya ang hot chocolate. "Fuck your sorry. You don't want to tell me the reason? Well, fine." Naglakad na ako palabas.
[ End of Flashback ]

Sinundan ko si Sky. Nakita kong pumasok siya sa Flower Shop. Nagtago ako sa likod ng poste at hinintay siyang lumabas. Paglabas niya, may dala siyang boquet of roses. Sabi ko na nga ba! May babae ito eh. Manloloko. Sinungaling. Taksil. Hayop.

Sinundan ko parin siya hanggang sa makarating kami sa isang eskinita. Malapit nang dumilim kaya mas binilisan ko ang paglakad pero sinigurado kong maingat ang bawat hakbang ko.

Tumigil siya sa isang  lumang bahay. Malaki ito pero napaka spooky ng dating. Inayos ni Sky ang boquet of roses at pinagpagan ang damit niya.

Gago ka Sky. Pagbabayaran mo 'to.

Nag doorbell si Sky.

Ilang saglit lang may lumabas na makinis na babae na may blonde na buhok. Hindi ko masyadong makita ang mukha ng babaeng ito. Ibinigay ni Sky ang boquet sa babae at hinalikan ito sa pisngi. Lalapit na sana ako upang sabunutan ang babae nang marinig kong sumigaw ito.

"Skylie Cupcake ko! Maganda ba ang bago kong hairlalu? Nagpacolor ako kanina lang doon sa parlor. Ang mahal nga eh! Jusko! Masisira ang skin ko dahil ang init sa bahay itech! Shet! Halika cupcake pasok ka. Nagluto ako ng paborito mong Caldereta"  Kirang-kita ko na ang mukha ng hayop na pinagpalit sa akin ng ex ko.

"Ikaw talaga Bernardo. Alam mo namang busog na ako makita lang kita." Humagikhik ang dalawang hayop.

"Sweetie, it's Bernadette not Bernardo." at pumasok na sila sa bahay.


Ngayon alam ko na. Alam ko na ang rason.

×××××××××××××××××××××|
A/N: HAHAHA! Okay. Alam kong pangit at walang patutunguhan ito but who cares? Haha ang saya ko lang na naipost ko ito. Haha kung may nagbabasa nito, Salamat at sorry kung pangit.

:))))))))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My 5th HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon