Slam Note (First Love vs True love)

630 15 9
                                    

Naisip ko 'tong story na'to habang nagluluto ako ng Pancit Canton. HAHAHA!

COMMENT.FAN.VOTE

ENJOY :D

___________________________________________________________________________

---EUNICE'S POV---

"Nandito ka lang pala babaita ka! Kanina pa kita hinahanap eh!" inis na sabi sakin ni Patricia, isa sa mga bestfriends ko. Oo bestfriends, kasi dalawa sila. Si Patricia and si Benedict.

"Oh? Eh nanunuod ako ng praktis nila Benedict. Bakit ba ha?" sabi ko naman habang umuupo siya sa tabi ko. Nandito kasi ako sa gym at nanunuod ng laro sa basketball ng team ng school namin. Kasali kasi ang bestfriend kong si Benedict.

"Nakalimutan mo na ba Eunice? Ngayon ko dapat bibilhin yung slam note para sagutan nating tatlo ni Ben."

"Eh di tara bilhin na natin ngayon."

"Wag na, nabili ko na kanina pa! Excited nako eh" nakangiting sabi ni Patricia. Hayy, halos magalit na tapos nabili niya palang mag-isa. Psh.

Nilabas niya yung nabili niyang slam note saka sinimulan ang pagsagot. Syempre siya yung una, sa kanya yun eh. Maya-maya inabot na niya sakin pati yung ballpen.

"Oh"

"Anong gagawin ko dito?" tanong ko.

"Kainin mo Eunice, masarap yan!" basag sakin ni Pat. Haha, nakakatawa 'tong bestfriend ko. Kaya ayun, sinagutan ko na. At ito yung mga sagot ko:

-----SLAM NOTE-----

-----ME-----

Name: Eunice Ann Reyes

Age: 15

Zodiac Sign: Capricorn

Location: Block 143, Lot MAhali kita, TIWALA LANG subdivision

Birthday: December 23, 1996

Birthplace: PGH

Hobbies: REading and writing stories

Email add: Eunice@gmail.com

Contact No: 09*********

---FAVORITE---

Color: Blue, Red, Black

Food: soup, chicken curry, many more...

Band: Ezra band, One direction, Maroon 5

Actor: Enchong Dee

Actress: Julia Montes

Perfume: *********

Flower: Tulip

-----Secrets-----

Who is your Crush?

Liam

Who is your FIRST LOVE?

Liam

Who is your TRUE LOVE?

Benedict

MESSAGE TO: My bestfriend Benedict Bermudez

Sana, hindi ka magalit o kaya masira ang ating pagkakaibigan ng dahil sa...ikaw ang true love ko. Matagal na kitang mahal. Oo may nakaraan kami ni Liam, oo siya ang first love ko. Pero, ikaw pa rin ang laman ng puso ko, you're my TRUE LOVE BENEDICT :)

Always remember, "FIRST LOVE never dies, but TRUE LOVE can bury it alive".

-----END OF SLAM NOTE-----

Slam Note (First Love vs True love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon