Monique Alferez, also recognized as Monique Gogh, is an enigmatic young woman compelled to join Mobster Academy, a school notorious for its association with organized crime.
Confronting numerous challenges both within and outside the academy, she c...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MONIQUE
S
o ayun iniwan ako dito.
"Anong gagawin ko sa cake? kakainin?"malamang kakainin aanhin pa nga ba? Pero mamaya na siguro.
Sandali may klase pa ako 'di ba? Pupunta nalang ako sa room, tumayo na ako at naglakad. Nakatingin pa rin 'yong mga students sa'kin, hay kailangan ko na talagang masanay.
"Is that she?" isang guro ang nagtanong, mga nasa 30's.
"Ok thanks."
"Hey," lumapit naman siya sa'kin, Anong kailangan niya?
"Yes sir?" tanong ko.
"May i-uutos lang sana, ah anong pangalan mo?" ani niya.
"Monique sir, sige po, ano po 'yon?" ngumiti siya, luh? nakakatakot ka naman sir, medyo nanginig tuloy ako.
"Oh Monique, what a beautiful name, come with me, Nasa classroom ko kasi ang mga papeles na kailangang papirmahan," wika niya, kaya sumunod naman akong naglalakad siya.
"Sige po," 'yon nalang nasabi ko.
As usual maraming nakatingin sa'kin, parang iba 'yong mga awra ng mga students ngayon ah? ano na naman bang meron?
"Bago ka dito 'di ba?" tanong ni Sir.
"Tama po kayo," ani ko saka nagpakita ng ngiti.
"Commoner ka 'di ba?"
"Opo."
"Paano ka nakapasok dito sa Mobster Academy?" tanong na naman niya habang naglalakad kami papunta sa parang isang classroom.
"Gusto ko po kasi sanang i-report itong school niyo, Kasi naman 'yong mga students ang bastos," saad ko.
"Tama ka Monique ganyan talaga mga students dito-teka lang pasok ka," wika niya ng nakarating kami sa classroom niya.
Hindi pa man ako nakakapasok may narinig kaming yabag papunta dito.
"Monique," napatingin kami sa likod, at si Master Luke lang pala.
"Professor kailangan po siya ni Master Sean," agad niya akong hinawakan sa kamay.
"Sandali Mr. Filis," saad ni Professor.
"We're gonna go," wika ni Luke, saka hinila niya na ako sa kamay, infairness ha nasasaktan ako? Grabi naman makahila 'to, ano kala niya sa'kin? Si Calais?
"Teka na saan ba 'yong aso?!" agad na sabi ko at iwinaslik ang nakahawak niyang kamay sa kamay ko.
Wow ha? To the high notes 'yong boses ko, lakas maka-sintonado eh, hinawakan ko naman 'yong wrist ko, napatigil siya at parang natatawa ang itsura niya, ano namang nakakatawa sa sinabi ko?