CHAPTER 1:
Papalabas ako ng school grounds no'ng nauligan kong nagkakagulo ang mga guwardiya sa guard house sa balita galing sa maliit nilang telebisyon. Unusual, pero hindi ko pinansin.
Nagpatuloy akong magbasa ng novel na kakabigay palang sa'kin ng mommy ko bago sila lumipad kaninang madaling araw patungong Seattle para asikasuhin ang business namin doon. Hinihintay ko pa kasi ang sundo ko kasama si yaya. Hindi naman ako papayagang magcommute dahil kilala ang mga Rebullante dito sa siyudad maging sa kalapit bayan. Fourth year high school na ako ngayon at panigurado rin namang hahayaan na nila akong magdrive pagtungtong ko ng kolehiyo.
"Iha, hindi ba't ikaw yung kaisa-isang anak ng Rebullante?" biglang tanong sa'kin ng babaeng guwardiya na kanina'y nakikiusyoso rin sa balitang nasa TV.
Iniangat ko ang tingin mula sa binabasang libro at tumango, "Bakit ate?"
"Naku! Sinasabi ko na nga ba't ikaw yan! Ang mga magulang mo!" halos maiyak niyang utas, "Sila 'yong pinanunuod namin ngayon sa balita. Nag-crash ang sinasakyan nilang eroplano!"
"H-ha?" hindi ako makahinga sa kaba. Imposible, Felise. Nagkakamali lang 'yan.
"Sila 'yon! Si Mr. and Mrs. Rebullante ang nasa balita!"
Iniuwi ang abo ng mga magulang kong nasa magkahiwalay na porcelain urn, matapos itong suriing mabuti sa Nagoya, Japan kung saan nag-crash ang sinasakyan nilang eroplano.
Dapat raw sana ay magsstop over sila bago tumungo sa connecting flight na didiretso na ng Seattle pero nagka-turbulence, hindi nagawan ng paraan ng captain pilot. Halos wala na rin naman silang nakuha matapos masunog 'yong mga sakay ng eroplano.
Hindi ko nga alam kung sigurado silang ang mga magulang ko itong laman ng mga urn na iniuwi sa'kin o baka naman minadali lang nila para matapos na at makasuhan na ang airlines na sasagot daw sa lahat ng casualties ng aksidente. Saan pa dadlahin ang perang ibibigay nila? Sa libingan?
Maraming nakiramay.
Kilala kami sa buong probinsya ng Bacolod. Andoon din ang kapatid ng mommy at daddy ko, mga pinsan kong hindi ko naman nakakausap. Naaawa sila sa'kin, pero walang ni isang nag-offer na kunin ako, na damayan ako sa pagkalugmok kasi hindi lang kung sino sa'kin ang nawala. Mga magulang ko. Wala akong kapatid. Wala naman akong tatakbuhang kahit sino.
Naiwan akong mag-isa sa tabi ng puntod ng mga magulang ko. Nag-decide akong ihimlay sila kung saan sila matatahimik, sa tabi ng isa't-isa.
"My, dy? Kala ko ba uuwian niyo pa ako ng chocolates galing Seattle? Eh, hindi man lang kayo umabot! Daya daya," humikbi ako. "Saan naman na ako pupulutin nito? 16 palang po ako, hindi ko pa kaya nang wala kayo pareho eh!"
Dumukdok ako sa lapida ng aking mommy at humagulgol. Naramdaman kong may pumapatak sa batok ko. Umuulan. Wala akong pakealam. Magkasakit ako? Wala namang mag-aalaga sa'kin. Wala na ang mommy ko! Pati ang daddy ko! Lalong lumakas ang pag-iyak ko pero ikinagulat ko no'ng huminto ang pagpatak ng ulan sa katawan ko, pero nung kinapa ko ang gilid ko, patuloy pa rin ang pag-ulan.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Aika. Nakangiti siya sa'kin at inooffer niya ang kanyang kanang kamay para alalayan akong tumayo.
BINABASA MO ANG
13 Ways To Get His Heart
RomanceSi Elizabeth Amanda Felise Rebullante pa?! Hindi ako tinatamaan ng alcohol. Silver kidney, that's what they call me. Maybe even golden. Every night is just another damn boring night for me. The endless party, dancing & drinking. I have soooo many fr...