WishList: JERSEY

4.7K 81 20
                                    

Dedicated para sa mga nagbabasa ng Love Acoustic ko! ^___^ Salamat sa inyog lahat! Kahit bago lang ako sa watty world! Thanks sa support! Love you guys! <3

----emoterang Author. LOL

WISHLIST: JERSEY

“Sana hindi si Mr. Cheap Guy ang makabunot sakin. Eww lang kung siya man yun.” Ilang ulit ng sinasabi ni Geline ang linyang iyan sa mga kaibigan niya.

Si Geline ay isang napakayaman at tinaguriang prinsesa sa school nila. Sapagkat maraming humahanga rito dahil sa natural niyang ganda.

Pero kabaliktaran nito ang kanyang ugali. Dahil nag-iisang anak, lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. May pagkasama at pagkaarte ang ugali nito. Lahat ng gamit niya ay mamahalin dahil may allergy daw siya sa mga cheap.

“Grabe ka nman, naririnig ka oh.” Sabi ng isa niyang kaibigan.

“Eh ano naman? Pake ko.” Mataray niyang sagot.

Sa kabilang banda naman, si Kevin ay ang tinaguriang Mr. Cheap Guy. Sapagkat siya ay dukhang naligaw lamang ng landas sa eskwelahan ng mayayaman. Tanging ang scholarship lamang ang pag-asa niya para makapag-aral sa magarang eskwelahan.

Sa tuwing naririnig niya ang mga sinasabi ni Geline, sumasakit ang damdamin nito. Bumababa ang tingin niya sa sarili niya.

Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit pa siya pumayag mag-aral sa eskwelahan na iyon. At nagsisisi rin siyang umibig pa siya sa babaeng mababa ang tingin sa kanya.

Kinuha niya sa bulsa niya ang isang papel na nakatiklop. Binuklat niya ito at binasa. Gabi gabi na rin niya itong tinitignan.

Geline’s Wishlist

Simple. It should be elegant, expensive and shiny.

P.s: Kung si Cheap Guy ka, A dress from guess pwede nay un. Kaawa ka namn baka maghirap ka pa lalo.

Tuwing nababasa niya ang huling linya, laging sumasakit ang dibdib niya.

ganoon na lamang ba ang tingin niya sa akin?’ tanong ni Kevin sa sarili niya.

“Ayos lang pala. May nilagay naman akong pwede niyang ibigay sa akin. HAHAHAHA.” Sigaw ni Geline. Rinig na rinig niya ito. Sa palagay niya, pinaparinggan siya nito.

Hindi niya na kaya. Kinuha niya ang bag niya. Pero nagsilaglagan ang mga gamit niya dahil sa sirang zipper nito.

“Kita mo? Bag na nga lang di pa makabili? Kotse pa kaya?! HAHAHA” sbi ni Geline. Nagtawanan ang buong klase.

Masakit sa kanya ang mapahiya. Pero di niya na lang ito pinansin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WishList: JERSEYWhere stories live. Discover now