Hoy Troy Pa Kiss Nga

7 0 0
                                    

Hoy Troy Pa Kiss Nga

Sabi ko kay Troy habang nasa canteen kami na pa *Wow* naman ang mga osesero sa paligid ko , pero wa pakels . Isa lang ang agenda ko ang magpapansin kay troy at wala nang iba . Troyyyyy!!!! Pakiss nga! Ulit kong sabi pero si troy , eh walang emosyong tumingin sa akin ..

Okkkkaaayyyy. I guess ayaw nya, nag patuloy nalang ako sa pagkain , ng wala parin siyang kibo . Seryoso kung di ko lang talaga narinig na kumanta toh sa elementary eh sasabihin ko na talagang pipi ang lalaking ito.

Hoy Troy pa kiss nga!

Napa *Owwss* naman lahat ng kaklase ko . Nasa science lab kami ngayon at iniwan muna ni maam ang klase dahil may emergency meeting daw ang faculty . Sadya ko talagang nilakasan ang pagkasabi ko non . Bakit ? Dahil may enggeterang ambisyosang kaklase ako na balak agawin si Troy my Labs. Lol!Sinabihan ba naman ako kanina , na Back off dahil sa kanya daw si Troy. At napaka kapal daw ng mukha ko , at napaka desperada ko raw .

Duhh!!! Is she referring to herself ?

Desperada na kung desperada , at makapal na ang mukha kung makapal . Basta ! Di ko tatantanan itong lalaking toh , hanggang di siya mismo ang magsabi na tigilan ko siya. Troy!!! Kiss??? malakas ko ulit na sabi , na kinatingin na niya sa akin . Wow , ang seryoso niya naman ata sapag da-disect ng Palaka . At kahit na eight persons ang layo naming dalawa . Eh , kita ko naman sa pwesto ko ang emosyon less niyang mukha. Pero ang laki parin ng ngisi ko , kahit ganon ang expression na natatanggap ko sa kanya araw-araw.

Hoy Troy Pa Kiss Nga!!!!

Intramurals namin ngayon at nakiki cheer ako sa crowd , pero imbes na go Lions ang isigaw ko , eh yung mantra ko ang sinisigaw ko kay Troy. Hahah , ano kayo ngayon . Nakatingin na yung mga fans club ni Troy slash haters ko . Bleehhh!!! Wala akong pake sa kanila . Wow lang huh , edi siya na ang gwapo at tulad ng dati eh emosyon less parin siya kahit naglalaro siya ng soccer. At honestly ang galing niyang maglaro , pullido ang bawat pasa at galaw niya , at sa di pag mamayabang eh ang layo na ng lamang nila sa kalaban .

Go Troy! Pakiss mamaya !! Binigyan ako ng masasamang tingin ng mga babae . At napuno siya ng kansiyaw galing sa mga ka team mates niya. At tulad ng dati eh tiningnan niya ako sa mata ng walang expression. Ok ? Fighting lang Fia!

Hoy Troy Pa Kiss Nga!!!!!!!!!

Nasa hallway kami ng school, at dahil sa sigaw ko eh napalingon lahat ng mga tao sa hallway . Okay lang sana sa akin kung nakalingon silang lahat sa direction ko , pero ang nag iisang taong gusto kong lumingon , eh ang mismong taong patuloy paring naglalakad papunta sa school gate .

Wait! Anong nangyayari? Di ba siya lilingon at titingnan ako sa mata at bibigyan ako ng emosyon less niyang mukha ?

Hoy Troy Pa Kiss Nga!!!!!!!!

Nagpatuloy ang mga araw at simula ng araw na iyon ay di na lumilingon si Troy sa bawat sambit ko ng mga salitang iyon ?Actually namimiss ko siya . Kahit alam kong di na siya lilingon , Im still hoping na gagawin niya parin.

Hoy Troy Pa Kiss Nga!!

Lumginon na ang lahat , pero di parin siya . Is it his own words , para ipakita na ayaw na niyang makinig sa bullshit na sinasabi ko? Well yun yung palaging sinasabi nila Amanda sa akin . Simula nung makita nilang di na ako pinapansin ni Troy .

Hoy Troy Pa Kiss Nga!!!!

Malakas kung sabi dito sa ground kakatapos lang ng flag ceremony , at nakatayo ako sa gitna ng field naka tutok ako sa kanya , pero siya , patuloy parin sa paglalakad . Habang ang mga ka barkada niya ay nakatingin na sa akin . Im getting teary eyed right now . I saw concern sa mga mata ng mga kaibigan niya. Pero ang mismong taong gusto kong lumingon at tingnan ako ng may concern ay ang siyang umiiwas sa akin . Damn . Maybe tama sila . Maybe nagsawa na talaga siya sa kaka-bother ko sa kaniya . Maybe I should stop .

Alam kong desperada na akong pakinggan . Pero promise last nato , at pag di parin siya lumingon eh , di ko na siya ibo-bother simula ngayon , ako na mismo ang iiwas at di mamamansin . Pag di siya lumingon , di na rin ako lilingon sa lugar niya .

Hoy Troy Pa Kiss Nga!!!!!

Muli kong sigaw sa kanya , pero di parin siya lumingon . Last na talaga to, last na last na talaga . Mas nilakasan ko pa ang pag sigaw ko .

Hoy Troy Pa Kiss Nga!!!!!!

Huminto siya , parang nagbubunyi ang kaluluwa ko sa saya dahil huminto siya , pero , panandalian lamang iyon , pagkat nagsimula siyang humakbang , at sa pagkakataong iyon , tila ba nawalan ako ng sigla . Ganito pala ang feeling ng rejection . Okay lang naman yun dati , kahit na di siya nagsasalita o kaya ay nag rereply sa mga pambubuwisit ko , dahil atleast lumilingon siya at tinitingnan ako sa mata . Pero this time tumalikod siya at patuloy na naglakad .

Walang lingon..

Walang di mabasang expression ..

At walang anino ng batang nakilala ko noon

At sa mahinang bosses , sinambit ko ang mga salita sa huling pagkakataon .

Hoy Troy Pa Kiss Nga....

Pero alam kung sa sarili kong di na talaga siya lilingon sa sinabi ko . Pagkat ako lang ang nakakarinig , dahil sa mahinang boses na pagka sambit ko ay ang huling pagtibok ng puso ko .

Di ako nagsisising , dumating ka sa buhay ko Troy , dahil sa maganda mong tinig , nabigyan ako noon ng pagkakataong lumaban sa sakit ko . Naalala mo ba , noong nahihirapan akong huminga , kinantahan mo ako upang kumalma . Ang saya ko noon dahil may taong dumamay sa akin . Pero wala kang ka alam-alam noon sa epekto ng iyong mga ngiti at magandang tinig , wala kang alam sa sakit na aking dinadala .

Hoy Troy Pa Kiss Nga

Di yung kiss sa labi , kundi sa noo lang . Okss na ako . O kaya naman ay sa pisngi . Miss ko na rin yung paghawak ng kamay mo sa buhok ko . O ang paglagay mo ng dalawa mong kamay sa bawat gilid ng labi ko para lang mapangiti ako.

Ikaw ang nag-iisang taong pinakita sa akin na may halaga ako . Taong pinaramdam sakin na may Karamay ako. Noong mga panahon na nag aaway sila mommy at daddy , pumunta ang batang ako sa parke sa ating subdivision . Doon tayo unang nagkakilala at naging mag kaibigan . Pero ewan ko ba bigla nalang nag iba ang pakikitungo mo sa akin pag lipas ng panahon. At sa kinatatayuan ko ngayon , tanaw ng aking mga mata ang papaalis mong imahe. Imahe ng lalaking minahal ko at patuloy kong mamahalin . Lalaking hinintay ko at patuloy kong hihintayin. Lalaking pinagdarasal kong ako'y lingunin , lalaking habang buhay ay di na magiging akin.

Hoy Troy Pa Kiss Nga.... para malaman ko kung kaya ko pa bang mag mahal kung ang puso koy tumigil na sa pag tibok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TROY PAKISS NGA(ONE-SHOT)Where stories live. Discover now