Chapter 1

4 0 0
                                    

-Smile's-

"Tara na! Baka di ko nanaman maabutan yun Sam! Jusko. Dalian mo na paglalakad bes!" sigaw ko sa napakabagal lumakad kong bestfriend na si Samantha ewan ko ba dito napakakupad!
Parang pagong. Pag talaga di ko naabutan si Drix batok to saken.

"Teka teka lang naman smile! Parang mapapansin ka niya kung maabutan mo siya duh~" maarteng sambit niya na nag pa sama ng tingin ko sakanya. Aba't! Namumuro na to!

"Hoy! Pinapansin niya ako! Ikaw lang naman di pinapansin ng crush mo eh! Dalian mo na kasi!" balik kong pang iinis sakanya.
Palibhasa di mapansin pansin ni Caesar kaibigan din yun ni Drix.

Hinila ko nalang siya para mas mapabilis ang pagpunta namin sa gym, practice game kasi ngayon nila Drix laban sa Sta.Ana University.

Nang makarating kami sa pintuan ng gym, 3rd quarter palang at dali dali kaming pumunta sa bleachers sa likod ng players namin. Naka reserve na ang upuan na ito samin kasi nauna na don ang iba pa naming bestfriends ni Sam na sila Gale at Blue.

"Bat antagal niyo?! Kanina pa nag simula ang game tsk" sambit ni Blue samin ng makarating kami sa bleachers. Itong si blue talaga kahit kelan napakasungit!

"Sorry naman Asul! Itong si Sam kasi! Napakabagal kumilos at magsasasagot sa test! Buti nga nakaabot pa kami" balik kong sagot sakanya. Bakit? Totoo naman itong si Sam naman talaga may kasalanan. Tas bumili pa kami ng makakain sa canteen kaya mas napatagal kami.

"Nyenye whatever! Manood nalang tayo dami pang sinasabi eh! Go Caesar! Shoot mo na ang ball!" sagot ni sam sakin tas biglang nag cheer kay caesar. As if papansinin nya. Eh dakilang masungit yan si caesar. Ikalawa sa pinaka masungit yan eh! Syempre ang una doon ay si Drix.

Buti pa ako napapansin ni Drix. Nasusungitan nga lang pero ok lang yun mahal na mahal ko naman yun at di ako susuko hangga't di niya pa ko minamahal pabalik.

Ay nga pala ako si Heaven Smile Velasquez 20 years old nasa 3rd year college na at kinukuha kong course ay Education major in Filipino. Same kami ni Sam. We love to teach children mula pagkabata pa namin. Ako lang ang nagiisang anak ng magulang ko kaya lahat ng luho ko nasusunod. Pero di ako spoiled sa katunayan may isang hiling ako sakanila na di nila maibigay ibigay yun ang ipakasal kami ni drix.

Kung nag tataka kayo kung sino si Drix? Siya si Jandrix Agustin ang pinakamamahal kong lalaki na hindi masuklian ang pagmamahal na binibigay ko. Oo pinapansin nya ako pero saglitan lang. At ang palagi niyang sabi sakin na Mag move on na daw ako dahil kahit kelan di niya ako magawang mahalin.

Sabagay pano niya ako mamahalin kung mahal na mahal niya si Ate Wendy? Si ate Wendy Amor nasa 4th year college na. Parehas sila ni Drix at kinukuha nilang kurso ay Bussiness Management. Pero di siya magawa gawang mahalin ni Ate Wendy dahil may long-time relationship ito kay Kuya Edward at pag katapos niyang gumadweyt ay magpapakasal na sila.

Napabalik ako sa wisyo ko ng sikuhin ako ni Gale

"ah?" maang kong tanong sakanya

"gaga tulala ka nanaman jan! Si drix oh? Na Foul ng kalaban. Nasiko ata yung bibig niya. Dumudugo" sambit nya na nagpakaba sakin.

What?! Agad akong napatingin sa Court. Hala! Oo nga! Pagtapos mag free throw ni Drix agad siyang pinaupo sa bench siguro nilagyan ng first Aid tapos pinapunta siya sa Doug Out.

Agad ko siyang pinuntahan. Ok lang naman kasing pumunta ako don kasi malakas kapit ng family ko dito sa school.

"Drix!! Ok ka lang ba?! Ay stupid me hindi ka pala ok. Dumudugo yung bibig mo!" tarantang sabi ko sakanya.

Pinuntahan ko siya at hinawakan. Pero ganon nalang kabilis nawala ang taranta ko ng malakas niyang tabigin yung kamay kong nakahawak sakanya. Aray ha! Di naman masakit! Na reject nanaman ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It HappenedWhere stories live. Discover now