Buong buhay ko ay itinuring akong parang isang prinsesa ng lahat ng mga taong nakapaligid sa akin. Mula pagkabata hanggang ngayon. Minsan naiinis ako na masyado silang bantay-sarado sa akin. Pilit nilang pinapaintindi na nag-iisang anak ako na babae kaya kailangan nila akong protektahan at alagaan.
Minsan nasasakal na din ako... pero hindi ko sinusuway ang mga utos nila. I don't ever want to disappoint my parents. Especially my mother. Kaya naman sa abot ng makakaya ko ay ginagawa ko nalang kung ano ang gusto nila. Kahit minsan ay hindi iyon ang gusto ko.
Recess na at nakaupo kami ng pinsan kong si Danica sa canteen. Kanina pa kami tapos kumain at nagkukwentuhan nalang kasama ng iba pa naming mga kaklase. Hinihintay namin ang bell bago pumasok sa mga classrooms namin.
"Oh Cielo, di ka ba sasama samin mamaya? May sleepover kila Jane diba?" Tanong ng pinsan kong si Danica.
"Hay, as if namang papayagan ako nila Mama!"
"Sabihin mo nalang na may project tayo na by group." Sagot ng isa ko pang kaklase.
"Huh? E mas lagot ako pag nalaman nilang nagsinungaling ako."
"Hahaha, di naman nila malalaman kung walang magsasabi no? Ano game ka?" Pang-aasar pa ng pinsan ko. Napaisip ako sa suggestion nila... pano kung suwayin ko naman kahit isang beses ang utos ng mga magulang ko?
Bago pa man ako makasagot sa kanila ay tumunog na ang bell. Dali-dali kaming naglalakad papasok sa classroom dahil baka maunahan na kami ng teacher namin sa susunod na subject.
"Sige bahala na, basta itetext kita kung makakasama ako!" Sigaw ko sabay takbo papasok sa classroom.
Paano kung hindi ako payagan ni Mama? Subukan ko kayang tumakas mamaya? Iyan ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko hanggang matapos ang huling klase namin.
Pagdating sa bahay ay nagmamadali akong pumasok para subukan munang magpaalam sa mga magulang ko.
Pero napahinto ako ng makita ang isang lalaking hindi pamilyar sa akin. Tumutulong kay Mang Nestor, isa sa mga hardinero at katu-katulong namin dito sa bahay.
Nauna akong makita ni Mang Nestor at binati naman niya ako gaya ng lagi niyang ginagawa araw-araw.
"Oh Madam Cielo, kamusta ang araw mo?" Pabiro niyang sabi.
"Mang Nestor talaga oh, Madam ka diyan!" Sagot ko naman. Nakatitig pa din ako sa binatang katabi niya nang bigla itong magangat ng titig sakin.
Napakaseryoso ng mukha nito at hindi man lang ngumiti. Ngunit kahit ganon, pakiramdam ko ay bumilis bigla ang tibok ng puso ko.
"Uh, hi! Ako nga pala si Cielo!" Tanga ka ba Cielo, malamang narinig na niya kay Mang Nestor kanina ang pangalan mo!
"Nice to meet you Madam Cielo." Sagot naman niya sabay tuloy sa paghahalaman.
Yun na yun? Hindi man lang ngumiti? Muntik na kong mapairap nang tawagin niya akong Madam. Napaka suplado!
"Cielo, siya nga pala si Levi. Pamangkin ko. Tutulong muna siya sakin dito. Pag may kailangan ka, pwede mo din utusan si Levi."
Si Levi naman ay busy pa din sa ginagawa niya. Mukhang walang pakiaalam.
"Sige po, salamat Mang Nestor. Mauna na po ako loob."
Bago umalis ay sumulyap muli ako kay Levi.
...
BINABASA MO ANG
Levi's Return (World's Apart 1)
RomanceThey all tell me that it was just a crush, a puppy love that would go away and fade through time... pero bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa din siya makalimutan? I was 12 years old when I first met him. He was 16. They treated me as a princess. Th...