The Rebel's Lover
Chapter One
Caught~*~
"PRESIDENT, heto na po ang file ng pinapagawa nyo." Nakatungong sabi ng Student Council Secretary sa seryosong Presidente nila.
Agad namang kinuha ni Remus Rios ang folder at pinalabas ang kawawang secretary.
Wala sya sa mood ngayon dahil sa paulit-ulit na pangungulit sa kanya ng guidance counselors na solusyunan ang problema sa school rebel na si Belial Simons.
Hindi nya talaga gustong kunin ang kasong ito dahil bukod sa busy sya sa pamamahala ng mga school activities ay kailangan nya ring i-maintain ang grades nya. Hindi naman sya genius para hindi na mag-aral.
"Belial Simons... The School Rebel, huh?" Sambit nya sabay bukas ng folder na kung saan nakalagay ang ilang impormasyon tungkol kay Belial Simons.
PADABOG na tumayo si Belial Simons at lumabas ng classroom. He didn't really like the teachers of this school. Masyadong perfectionist!
"Mister Simons! Bumalik ka dito!" sigaw ng kanyang guro sa General Biology.
Hindi nya ito pinansin at dire-diretsong naglakad patungo sa malapit na bakod ng eskwelahan. He wants to vandal to release his anger kaya lang nakalimutan nyang dalhin ang paint spray kaya magka-cutting na lang sya ng klase.
"Cutting na naman, Bel?" ani Juancho Madrino na nakasandal sa isang puno. Katulad nya ring itong madalas mag-cutting pero hindi lumalabas ng campus. Juancho Madrino preferred to tambay sa mga puno ng eskwelahan.
Belial Simons stopped for awhile before continuing. "So?" Iyon lang sinabi nya.
Tumawa si Juancho Madrino sa inasal nya. Makikita mong sanay na ito sa ugali nya. "Don't be angry, Belly Boy. I'm just here to remind you na nasa watchlist ka ng Student Council President."
Belial Simons scowled at him. Hindi nya gusto ang pagtawag nitong 'Belly Boy' sa kanya. Tumigil sya sa paglalakad at pero hindi nya hinarap ang lalake. "So what? I don't give a damn about the old guys in our house. A mere student council president in name can't enter my eyes." He said at umalis na.
Juancho Madrino just shrugged his shoulder. As if what he said was just a reminder and nothing to do with him.
Tinahak ni Belial Simons ang daan patungo sa usual place kung saan sya nag-o-over the bakod. Nakasanayan nya na iyon. Nothing will change.
Hindi nya rin isina-isip ang reminder ni Juancho Madrino sa kanya. To him, only himself can be the one who dictate and rule his life. A mere student council president of this shitty school doesn't enter his eyes at all.
A meanwhile, Remus Rios, na kanina pa nandoon sa lugar-dahil ayon sa impormasyong nabasa nya ay dito madalas nag-o-over the bakod ang binatang rebelde. He was just silently watching and observing this so-called school rebel. He wants to solve this case already para mabigyan nya naman ng time ang sarili nya.
But the thing is, kung hindi pa nagsimulang umakyat ng bakod si Belial Simons ay hindi pa sya gagalaw. Para syang natulala nang makita ang lalaki, which is hindi dapat. Kailangan nyang gawin ang trabaho nya!
Agad-agad naman syang lumabas sa pinagtataguan.
"Belial Simons-!"
Hindi pa man nya natatapos ang sasabihin ay nagulat sya nang ma-out balance ang binata. At papahulog ito sa pwesto nya.
Hindi inaasahan ni Belial Simons na may ibang tao pa pala bukod sa kanya. He was too focused on climbing the wall and was startled by the noise and the shout of a certain guy.
And that resulted to him, falling into the direction of that guy.
"Bang!" (A sound of a crash.)
BINABASA MO ANG
BLS01: The Rebel's Lover (Completed)
Teen FictionBelial Simons is known for being a rebel. Mahilig syang mag-cutting classes, mag-prank ng teachers and students, sometimes, naninira din sya ng school properties. As the Student Council President, Remus Rios is responsible for this type of guys. Nah...