FALSE REVENGE

26 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa pagyugyug ng kung sino man sa akin. Napaangat ako ng tingin at nasilayan ang nakataas na kilay na magandang mukha ng babaeng mahal ko. Si Sheena.

"Hindi ka nanaman nakinig sa klase niyo? Tapos kapag may assignment or project ka sa akin ka magpapatulong? Alam mo sa susunod wala ka ng aasahan sa akin Klein. Namimihasa ka na ah! Hindi porket girlfriend mo ako eh aabosohin mo na ako."

Nanatili akong nakaupo sa upoan ko na nakatingalang pinapanood siyang sermonan ako.

"You know what? Sometimes i think that you don't really love me, that you're just using me"

Tsaka pa ako tumigil sa kakapantasya sa kaniya. Tumayo ako at niyakap siya mula sa likod at hinalikan siya sa pisnge.

"Don't think like that moo. I love you. I really do. Sa tingin mo tatagal tayo ng tatlong taon kung hindi kita mahal?"

"Sa bagay" she sighed.

"See? Stop thinking too much moo. I love you" I said and kissed her again on her cheeks.

Nasa parking na kami at pasakay na sa passenger seat nang dumating ang apat kong kaibigan na sina Clyde, Kyndrick, Deivon at Jeirxton.

"Oy Klien!" Bati sa akin ni Jeirxton.

"Klien, inoman tayo. Pangpatanggal stress naman. Isama mo na si Sheena baka andon din ang mga kaibigan niyan"

Aya ni Clyde sa akin. Tinignan ko muna si Sheena kung papayag ba.

"Ano Sheena? Tara! Sabado naman bukas at walang pasok" pangungumbinsi naman ni Deivon.

"Sige."

Kibit balikat na tugon naman ni Sheena kaya tumango narin ako sa kanila bilang pagsang-ayon.

Pagbaba palang namin sa parking lot ay rinig na ang dagundong ng musika ng bar. Ang nagsasayawang iba't ibang kulay ng ilaw naman ang sumalubong sa amin ng kami ay makapasok. Dumeritso kami sa pabilog na upuang sofa sa gilid ng hagdan papuntang second floor at ika tatlo mula sa dance floor.

Tila ba may nakareserba nang mga babae ang dalawang loko sa grupo na sina Clyde at Deivon dahil meron na agad babaeng nakakandong sa kanila. Kita kong nakangising napailing nalang ang dalawa ko pang kaibigan.

Lumipas ang ilang oras at lahat kami ay may tama na ng alak maliban kay Sheena. Nakatatlo lang ata siyang shot dahil baka hindi ko daw kayang magmaneho kaya siya nalang ang gagawa.

"Moo, Cr lang ako"

paalam ni Sheena sa akin. Tumango lang ako at isinandal ang ulo sa sofa dahil sa naramdang pag-ikot ng paningin.

Nang maidilat ko ang aking mata ay wala si Sheena sa aking tabi. Inilibot ko ang aking paningin at puro puti ang aking nakita. Nang may pumasok na nakaputing uniporme kasama ng aking Ina ay napagtantong kong nasa ospital pala ako?

"Where's Sheena?" I asked my mom after the doctor leave.

"Ahm... anak-"

"Where's my phone?" Hindi pa natatapos ni Mommy ang sasabihin niya ay nagtanong ulit ako.

Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang kabang naramdaman ko. Hindi ko maintindihan dahil may halo ring takot iyon.

"Klien, anak" she held my face while she's crying. "Sorry, pero wala na si Sheen anak. Patay na siya."

"What?! No! Hindi patay si Sheena, mom. Kasama ko lang siya kagabi. Magkasama kami!"

"Son, you're three days asleep. Naburol na ngayon ang labi ni Sheena."

False Revenge✔Where stories live. Discover now