*kring kring kring*
I opened my eyes as my phone rung because of a sudden call with unknown number.
"hello?" sabi nito.
"hello po? Sino 'to?" sagot ko ng medyo wala pa sa huwisyo dahil sa mahimbing na pagkakatulog.
"nandiyan ba ang papa mo? Gusto ko sana syang makausap about sa napag kasunduan namin nung nakaraan." sino naman kaya itong tumatawag na ito at "napag-kasunduan?" nila ni papa? Tanong ko sa aking isipan dahil wala namang nababanggit si papa saakin.
"wala po si papa dito baka bukas pa po ng hapon ang dating nya"
"Okay paki sabi nalang na tumawag ako"
Pagka-sabi nya noon ay agad na din akong nagpaalam. Hindi ko na tinanong kung sino sya dahil wala din naman akong balak malaman.Nagtungo na ako sa banyo at ginawa ko na ang mga dapat gawin pagkatapos ay tumungo na ako sa aming kusina upang magluto ng umagahan ko. Mag-isa lang kasi ako dito sa bahay umalis kasi si papa kasama mang Caloy para kunin yung perang pampagamot nya sa kamag-anak namin. Kami nalang kasi ni papa yung natira mag mula ng maaksidente sina mama at yung dalawa ko pang kapatid.
Naaksidente sila dahil nabunggo yung sinasakyan nilang bus patungo sana sa pag darausan ng pupuntahan nilang kasal ng pinsan ko. Si papa naman may sakit na din at nagmemaintainance ng gamot dahil yun ang kailangan nya at sinabi ng doctor nya. Na stroke si papa makaraan ang dalawang taon ng pagkawala nila mama pero hindi naman iyon naging malala at mild lang kaya nakakalakad padin sya ng maayos hindi nga lang katulad ng normal na taong nakakalakad.
Mabuti nalamang ay sabado ngayon dahil kung hindi pa siguro ako tinawagan nung misteryosong caller kanina ay hindi pa ako magigising dahil tanghali na pala.
Kumain na ako at pagkatapos ay hinugasan ang mga plato na ginamit ko tsaka ako nagtungo ulit sa kwarto ko para maglinis dahil kagabi ay nagreview ako para sa darating naming final exams. Sa isang linggo na ang exams namin pero parang kahit anong gawin kong review wala talagang pumapasok sa isip ko.
Natapos ang buong maghapon ko ng wala akong ginawa kundi kumain lang at matulog, hindi naman kasi ako pala labas ng bahay namin at wala din naman kasi akong masyadong kaclose sa lugar namin. Puro chismosa at chismoso lang naman ang mga tao dito at wala yatang araw na wala silang hindi pinag chismisan kaya ayoko din lumabas ng bahay dahil wala naman akong mapapala sa kakachismis.
Kaya school at bahay lang ako parati. Paminsan minsan ay lumalabas din ako ng bahay para pumunta sa dagat. Malapit lang ang dagat dito saamin kaya nilalakad ko lang.
Hapon na at mukang maganda naman ang panahon kaya naisipan kong lumabas at pumunta sa dagat para maglakad lakad doon.
Huminga ako ng malalim at niyakap ko ang sarili ko habang nilalanghap ang sariwang hangin dito sa pangpang ng dagat. At bumalik saakin ang mapapait na alaala.
Naalala ko noon nung nabubuhay pa sila mama parati kaming pumupunta dito at naglalaro kami ng mga kapatid ko. Naghahabulan kami habang sina mama at papa ay nanonood lang saamin.
Sobrang saya ng pamilya ko noon pero isang iglap napalitan ito ng pait at hirap.
Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang mga luha sa mata ko. Mag tatatlong taon na ang aksidenteng nangyari kila mama pero sobrang lungkot at sakit pa din ng puso ko at hindi matanggap ang mga nangyari. Alam kong ganito din ang nararamdaman ni papa pero hindi nya saakin iyon pinapakita. Kapag nalulungkot ako palagi nya akong sinasabihan na hindi ko dapat ikulong ang sarili ko sa kalungkutan at tanggapin na lang ang mga bagay na nangyari kahit hindi natin ito gusto.
*Isang araw habang nakaupo ako sa terasa namin, madilim na at papalubog na din ang araw.
"Ana, anak, alam ko masakit ang mga nangyari" hinagod nya ang likod ko para patahanin ako sa pag-luha ko.
YOU ARE READING
Still Into You
RomanceMinsan, sa buhay natin yung mga inaakala nating magistay sa buhay natin sila pala itong mawawala at tuluyang lilisan. Pero may mga pagkakataong yung mga taong hindi natin inaasahan na mag stay sila pala yung mananatili at palaging nandyan sa tabi na...