Bata pa lamang tayo nararamdaman na natin ang kakaibang pagsibol ng damdamin natin sa isang tao.Hindi maiintatangi sa sarili ko na nakaramdam ako nito noon.
Katulad ng ibang tao alam ko rin ang pakiramdam ng kinikilig at ang pagbilis ng tibok ng puso ko.At aminin ko man o hindi napakasarap non sa pakiramdam.
Hindi ko nga alam kung pano tayo naging close samantalang dinadaan daanan lamang kita non at walang paki sa ginagawa mo,kung nag e-exist ka ba o hindi.Basta para sakin..wala akong paki sayo.At ganun kadin naman sakin.
Hanggang sa dumating ang isang gabing iyon.Naglalaro kami nun sa kanto at bigla ka ng sumulpot at sinabing "makikisali ka" pumayag ang mga kalaro ko noon at syempre pumayag narin ako.At Habang naglalaro tayo bigla mong hinawakan ang kamay ko para isalba at ipasok sa guhit na bilog na iyon kung hindi matataya ako.
Natigilan ako non at para bang hindi ko na narinig ang sigawan ng kalaro natin kasi ito ako nakatitig sa mukha mo at pinapakinggan ang halakhak mo na parang musika sa pandinig ko, kasi magkalapit na naman tayo dahil nagkukumpulan lamang naman tayo sa maliit na bilog na iyon kasama ang ibang kalaro natin.
Dun..doon nagsimula ang kakaibang nararamdaman ko.At nagising sa isang umaga at sinabing Crush na kita.
At magmula nun lagi na akong atat umuwi ng hapon galing school para makita ka at umaasang makakalaro ka.Pano ba naman kasi grade six ako samantalang grade seven ka naman.
Dahil nga crush na kita naiinis ako sa katotohanang hindi tayo same ng school na pinapasukan.Pero ayos lang kasi isang taon nalang at gagraduate na ako sa elementarya at hindi magtatagal iisang school nalang ang papasukan natin at makakasama na kita.
Tuwing sasapit ang hapon mabilis akong nag memeryenda para makapaglaro naman,wala kasi sa bokabularyo ko ang magaral tuwing gabi dahil kahit hindi ko gawin ang mga yon matataas lagi ang grades na nakukuha ko.
Naglalaro tayo ng habul habulan o kaya naman ng text at iba pa.
Naalala ko pa weekend nun tapos pinuntahan ako ng ng tomboy Kong pinsan,magbike daw kami kaya sumama ako sa kanya.At Habang angkas niya nakita kita na naglalaro nun ng text.Kulay pula ang suot mong pantaas samantalang itim naman ang suot mo sa baba.
Kaya naman pumasok sa isip ko ang magpalit ng damit kaya nagpahatid na akong umuwi sa pinsan ko.kaya lumabas akong same na tayo ng kasuotan.
Ewan nagpapansin naman ako sayong nun pero ayaw ko naman mabunyag na may gusto ako sayo.Parang tanga lang diba?
Nalungkot naman talaga ako kasi kahit anong signs ang ipakita ko sayo hindi mo nararamdaman na gusto na kita.
One sided love?yon ba ako?haysss nakakaawang nilalang.Na yong taong gusto niya sobrang manhid!
Lumipas ang ilang buwan at palalim ng palalim ang nararamdaman ko sayo.Gusto kong ipagsawalang bahala kasi sabi ko bata pa naman ako.
At ito pa nainis ako sayo nung one time inutusan ako ng mama kong bumili ng tuyo sa tindahan ni aling gloria.At ikaw naman kasing bwisit ka nakatitig ka sakin kaya naman kinabahan ako paano ba naman nandon ka rin sa tindahan na iyon kaya habang papalapit sayo unti unti akong nataranta at hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko.At hindi ko na napansin ang isang hagdan doon.
Ayon!nadapa lang naman ako sa harap mo at nakasubsob ang mukha ko sa magaspang na semento na yon.Ramdam ko ang pagsakit ng kaliwang braso ko.Tumingala ako sayo nun at sinabing "Yan kasi hindi nag iingat HAHAH" pinagtawanan mo lang ako that time at hindi na ako umimik pa.
Naiiyak na ako nun at nagalit ako sayo kasi imbis na tulungan mo ako pinagtawanan mo pa rin ako.
Yan tuloy kinaumagahan may telang nakasabit sa batok ko para sumportahan ang nabali ko braso!Nakita mo nga iyon eh pero natawa ka ule..kaya wala akong nagawa kundi samaan ka ng tingin.
YOU ARE READING
Im just a shadow
Short StoryMas mabuting ipaubaya nalang para hindi ka na mas higit na masaktan sa taong hind naman sa atin nakalaan.