"hoy! gawin mo 'to!"
"gawin mo yan!"
"ikaw sumagot ng assignment ko."
"buy me some drink."
"ikaw ng bahala magpaliwanag kung bakit abssent ako."
"masakit na katawan ko buhatin mo yung bag ko."
haaay bwiset! mamamatay na talaga ako sa pagod.
utos dito, utos doon.
gawin mo 'to, gawin mo yan!
bili mo ako nun, bili mo ako nyan!
isang katerbang gawain nanaman ang natapos ko ngayong araw na 'to.
ganito pala kahirap ang maging slave? sobrang malolosyang ka sa dami ng pinapagawa ng AMO mo.
alam ko ang mga gawain ng SLAVE at kung gano kahirap maging SLAVE.
ang maglinis ng bahay, maglaba, maghugas ng pingan, at kung anu-ano pa.
pati ang gumawa ng assignments at gumawa ng reasons kung bakit abssent ang MASTER KO!
lahat yan ginagawa ko...
para lang sa PINAKA MAMAMAHAL KONG MASTER! LOL! I'm just kidding.
Hi, I'm Isabelle Lovely Yu. :">
pano ko nga ba idedescribe yung sarili ko?
ummm... isa lang naman akong simpleng babae walang arte sa katawan. I have long and straight hair. (hanggang bewang yung haba.) na laging naka ponny tail. about my face? sabi ng marami maganda daw ako dahil sa hugis ng mukha ko. I have a thin, small, reddish, kissable lips and chinita eye.
oww. wait! I have a mole din pala in my right face na asset ko at main attraction daw ng mga boys na langaw ang tawag ng dimonyo kong MASTER. >_<
emotionally. ako yung klase ng babae na palaban kung tignan na hinahangaan ng karamihan. but deep inside I'm weak! yeah, halos lahat naman siguro yun ang weakness.
kung ang estado lang ng buhay ang paguusapan ay hindi naman sa pagmamayabang ang totoo kasi ay mayaman akong tao. nakakaangat sa buhay at may magandang bahay. Si papa ay galing sa isang mayamang pamilya na nagmamayaari ng isang Hotel sa bansang Korea kung san sya lumaki. busy syang tao lagi syang out of the country.
about kay mama? Ewan ko, hindi ko alam kung nasaan sya. lumaki ako na walang magulang na nagaalaga. tanging si mamu (my Lola from my fatherside) lang nagpalaki sakin. although may tatay ako at umuuwi naman sya ng bahay pero hindi ko naman sya nakakasama ng matagal dahil sa lagi syang busy. si mamu ay half Filipina at half Taiwanes. napangasawa nya si Pops (tawag ko kay Lolo) when they was 22. arranged marriege ang nangyari.
"hoy! ano ba? nakikinig ka ba sakin?" sigaw sakin ng halimaw na nasa tabi ko.
"oo! at hindi mo na kailangang sumigaw dahil nasa tabi mo lang ako!" pasigaw na paliwanag ko sa kanya.
"pano kasi tulala ka! at ang layo ng tingin! malay ko bang nakikinig ka pala? nagpapantasya ka na naman! itigil mo na yan! gawin mo na yung report ko!" pasigaw na paliwanag nya.
"mag-uutos ka na nga lang naninigaw ka pa! bahala ka dyan!" sigaw ko at kinuha yung bag ko at nag walkout.
siguro nagtataka kayo kung bakit Slave ako ng Juan tamad na 'to! well its a long story kung bakit nya ako naging Slave.
"hoy! san kapupunta?!" Hindi pa man ako nakakalayo ay pinigilan nya na akong maglakad.
hinawakan nya ng mahigpit ang kanang braso ko.
