BY: shaneneng
"Anak, matulog ka na muna." Hinahaplos ko ang kanyang mukha. Napaka gandang pag masdan ng anghel na ito.
"Mama, dito ka lang ha." Nag pakita ang mga dimples nya sa pisngi kaya lalo akong napangiti.
"Sure baby" parang isang pam patulog ang sinabi ko dahil unti unti nyang pinipikit ang mga mata nya.
***
"Mama play tayo." Hinihigit nya pa ako mula sa upuang kinasasadlakan ko.
"Sure let's play hide and seek baby." Sumimangot naman agad sya pag kasabi ko nun.
"No! Gusto ko nakikita kita. Ayoko na mag play mama." Bigla s'yang umupo at nag simulang ipadyak ang mga paa n'ya.
"Baby sige hindi na lang." Tinitigan nya lang ako at sumimangot ulit.
***
"Anak, halika na aalis na tayo." Tatakbo syang lumapit sa ama nya kaya naman napangiti ako. Hawak kamay silang lumabas ng bahay hanggang sa makarating sa kotse. Tatakbong sumakay ang anak ko sa passenger seat at nginitian ako kaya wala akong nagawa kundi ang umupo sa tabi nya.
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa isang lugar. Bumaba kaming tatlo at nag simulang mag lakad.
"Hi hon how are you?" Kitang kita ko kung paanong nag simulang mag patakan ang luha sa mga mata nya.
"Shh don't cry daddy. Mama kiss mo na lang si daddy para di na sya mag cry." Nilingon pa ako nito habang sinasabi yun sa ama.
"Baby, patay na si mommy mo." Pilit Ang ngiti ng asawa ko.
"No she's not. She's here."
"She's gone, anak."
"She won't leave me. Mama promise me, Daddy. So please." Nilingon ako nito at umiiyak na yumakap sa akin. "Mama you're not gonna leave me right? You promise me!"
"Shhh I won't baby I won't. Stop crying." I whispered.
YOU ARE READING
HALLOWEEN HORROR STORIES
HorrorThis story was consist of all stories submitted by the participants of HALLOWEEN KINEME from DAWNS.