OCC 11

50 3 4
                                    

CHAPTER 11: SIBLINGS





"Awwww. Huhuhu." Napahawak ako sa batok at leeg ko na sumasakit na. Kanina pa kasi ako nagpapaka-giraffe dito e. *pout*



Bakit ba kasi nakasara yung pinto ni Mr. D KO? Tapos yung mga bintana naman may kurtina kaya di rin kita yung loob. *pout*



Napaupo nalang ako sa harap ng pintuan dahil nangangawit na ako kakatayo at pakiramdam ko ang haba haba na ng leeg ko dahil kanina pa ako dito. 



*sigh*



Ano kayang dapat kong gawin? 



Kailangan kong malaman kung sino yung babaeng kasama ng asawa ko at nagagawa niyang magtaksil sakin! *pout*



Nagbunot-bunot ako ng damo habang nag-iisip.




*pout* Walang pumapasok sa isip ko. T_T



*click*



Agad akong napalingon sa pintuan nung narinig ko 'yong bumukas.



*O*


Natulala ako sa kaharap ko.



Ang... ganda.



Yung kasama ni Mr. D KO kanina... ang ganda niya talaga.



Mukha siyang barbie. *pout* 



Mahilig kaya sa mukhang barbie si Mr. D KO?



Hindi ako pangit pero hindi ako sing ganda ng babaeng 'to. *pout*



"Hello po~" Nabalik ako sa realidad nung magsalita yung barbie.



"H-hello. He he he." Alanganin akong ngumiti sakanya. Bakit niya ko nipo-po? Mukha ba kong matanda? *pout*



"Ano pong ginagawa niyo dyan sa labas?" Nagtataka niyang tanong.



Napakamot naman ako sa ulo ko. "A-ah, e-eh kasi..." Napatingin ako sa paanan ko at nakaisip ako ng magandang palusot. "Nagbubunot ako! Tama! Nagbubunot ako ng damo! Ha ha ha." 



Mukha namang naguluhan siya sa sinabi ko. Hindi naman siguro siya magtataka diba? Ayos naman yung palusot ko. Hehehe.



"Ganun po ba? Gusto niyo po tulungan ko kayo?" Nakangiti nitong sabi na paniwalang-paniwala sa sinabi ko.



Lihim naman akong napadasal dahil nagsinungaling ako. Sabi ni mommy bad daw yun. Huhu, sorry po Lord. Kailangan lang po talaga. *pout*



"H-hindi na. Hehehe. K-kaya ko namang---"



"What's taking you so long, Jan?" 



Napahawak ako sa dibdib ko nung marinig ko ang boses ni Mr. D KO. Sobrang bilis kasi ng kabog. Pakiramdam ko nauubusan ako ng oxygen sa katawan. I. KENNOT. BREATHE.



"I'm talking to my new friend, kuya."




Kumunot ang noo ko sa sinabi ni barbie. Ano daw?



Kuya?



Teka... Kung kuya ang tawag niya kay Mr. D KO ibig sabihin...







... hindi sila magkakilala?



Ganun kasi ako pag may tao akong di kilala at kailangan ko silang kausapin. Tatawagin ko silang kuya since di ko naman alam kung anong pangalan nila.



Nanlaki ang mata ko nang may ma-realize ako.



Dali-dali akong tumakbo palapit kay Mr. D KO at inextend yung kamay ko na parang pinoprotektahan siya against kay barbie.



"Ano pong ginagawa niyo?" Takang tanong ni barbie.



Sinamaan ko siya ng tingin at pagkatapos ay tinulak papasok sa loob si Mr. D KO, saka ko sinara yung pinto niya. Ni-lock ko pa.



Hinarap ko siya.



"Nababaliw ka na ba Mr. D KO? Bakit ka nagpapapasok dito sa bahay mo ng hindi mo kilala?! Pano kung manakawan ka? Kung mapatay ka? Hindi pa tayo kinakasal! Magkaka-anak pa tayo!" With feelings kong sigaw habang nanlalaki pa ang mga mata.



Sinamaan niya naman ako ng tingin.



"What the hell are you saying this time?" Asar niyang tanong at hindi manlang ako hinintay magsalita. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa pintuan at tinanggal ang pagkaka-lock saka niya 'to binuksan.



*pout* Tinatanong niya kung anong sinasabi ko tapos pag magsasalita na ko bigla siyang tatalikod? Yung totoo, anong kabobohan 'to?



Nakita ko namang nakaupo sa pwesto ko kanina si barbie at... eh?



Nagbubunot ng damo?



"What are you doing?" Inis na tanong ni Mr. D KO.



Humarap naman samin si barbie nang nakangiti.



"Nagbubunot." Sabi niya at pinakita pa yung mga damong nabunot niya na.



"What?"



"Kuya naman, nagbubunot lang di mo pa alam? It means you're taking off something---"



"Do you really think I didn't know the meaning of that word?" 



Nagpabalik balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. How come na ang dalawang taong hindi magkakilala ay ganito mag-usap? *pout* 



"Alam mo naman pala bakit mo pa tinatanong?" Kunot noong tanong ni barbie at nakita kong napahilamos ng mukha si Mr. D KO.



"Sht." Tiningnan niya ko at pagkatapos ay tumingin siya kay barbie at saka napailing.



Tinalikuran niya kami at may sinabi siya na nagpagulo sakin.






"You two should be siblings, instead." 





---

Hello! Pasensya na sa matagal na update dito. Haha! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OPERATION: Chasing ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon