Skye Ramirez
"Welcome to the Philippines Ma'am!"
Hindi ko makuhang ngumiti sa lahat ng bumabati sa akin dito sa airport.
Hindi naman ako masayang umuwi ng Pilipinas.
Napilitan lang naman ako.
Kung may huling lugar akong gustong balikan, ang Pilipinas yun, lalo na sa lugar kung saan ko naranasan ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Mahigpit kong kinuyom ang kamao ko at napapikit ng maalala ko na naman ang panghuhusga nila.
"Ang landi mo!"
"Hindi ka na nahiya, Ramirez ka pa naman."
"Pumatol ka sa may asawa na! Ang bata mo pa!"
"Mangloloko ka! Sinungaling!"
Nagising ako sa mga ala-ala ko ng marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Hindi ko namalayan na may tumulo na pa lang luha sa aking mata.
Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim bago sagutin ang tawag ni Mommy.
"Mommy." Pinahalata ko talaga sa boses ko na wala akong gana.
"Anak, nasa labas na daw ng airport ang sundo mo."
Hindi ako sumagot at tumuloy na lang sa paglalakad habang tulak ang isang maleta ko. Wala akong balak magtagal dito. Gagawin ko ang lahat para makabalik agad sa Switzerland.
"Skye, alam mong kailangan ka ng Lolo Carlos mo kaya pinilit ka niyang umuwi dyan." Halata sa boses ni Mommy ang pag-aalala. Pero wala naman siyang magagawa sa gusto ni Lolo Carlos.
"Mom, kausapin mo si Lolo na isang buwan lang ang kaya kong manatili dito. Masyadong matagal ang anim na buwan."
Rinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya. Alam kong nahihirapan din si Mommy sa sitwasyon ko ngayon pero hindi niya talaga kayang tanggihan ang gusto ng ama ni Daddy.
Simula ng nawala si Daddy, si Lolo Carlos ang nag-alaga sa'min hanggang mapagpasyahan ng pamilya namin na manirahan sa Switzerland pagkatapos ng eskandalo na kinasangkutan ko dalawang taon na ang nakakaraan.
"I'll try my best my princess. Basta sumunod ka na lang muna sa Lolo Carlos mo."
"Dapat si Kuya Luke na lang ang pinadala mo dito Mommy."
"Busy ang Kuya Luke mo sa Canada dahil sa franchise ng isang restaurant natin doon. At isa pa, ikaw ang gusto ng Lolo mo na umuwi dyan."
Wala na yata akong magagawa sa sitwasyon ko ngayon.
Sana lang hindi ko na sila makita. Pero masyadong maliit ang Dumaguete para sa akin at sa mga taong nagpahirap sa'kin. Lalo na at kilala ang pamilya namin sa Valencia.
Nang makalabas ako ng airport ay nilibot ko ang mata ko para hanapin ang sundo ko.
Agad kumunot ang noo ko ng makita ang isang lalaki na nakasandal sa isang sasakyan at may hawak na maliit na karatula na may pangalan ko.
Nailing na lang ako at hindi mapigilang ngumiti sa itsura niya. Halata sa mga mata niya na labag sa kalooban niya ang ginagawa niya.
Sayang gwapo pa naman kaso mukhang masungit.
Lumapit ako sa kanya at napansin kong walang bubong at bintana man lang ang dala niyang sasakyan.
"Wala bang ibang sasakyan si Lolo at ito ang ginamit mo? Ang init kaya." Hindi ko maiwasang magtaray.
Tinaasan lang niya ako ng isang kilay at inagaw ang maleta ko. Pumunta siya sa likuran para ilagay ang maleta doon. Hindi ko pa ring magawang pumasok sa sasakyan pero ang sirang ulo na 'to, pumasok na sa sasakyan at hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan.
BINABASA MO ANG
Sweet Dreams My Love [SHORT STORY]
Short StoryA troubled teen Skye Ramirez became the talked of the town after the scandal that made her life miserable. She left and swear that she will never come back to the Philippines again until her Lolo Carlos needs her, leaving her no choice. She tried to...