Unang Kabanata: Ang Ina

6 0 0
                                    

"Diane!"
Isang malakas na sigaw ang narinig mula sa labas ng silid ni Diane. Sinundan ito ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto.

"Diane lumabas ka na. Kumain ka na rin agad para hindi lumamig yung hinanda kong pagkain sa mesa."
Sa kaniyang higaan ay dahan-dahang siyang bumangon. Umupo muna si Diane sa gilid ng kaniyang kama at sandaling tumunganga sa kawalan. Pagkatapos nito'y ibinaling niya ang kaniyang tingin sa orasan.

"3:00? Talaga ba?" nagtatakang sambit nito habang sinisigurado kung gumagana ba nang maayos ang kaniyang orasan.

Lumabas siya ng kaniyang silid at pumunta agad sa sala. Nakita niya ang bago niyang uniform na nakasabit sa gilid. Nasa ilalim naman nito ang nakabalot na karton na parang lagayan ng bagong sapatos. Agad siyang sinalubong ng kaniyang ina na naka-ngiti habang may dalang maliit na bag.

"Baon mo 'to, ha? H'wag mong kalilimutang dalhin." Inilapag niya ito sa gilid. "Kumain ka na. Baka lumamig yung pagkain sa mesa."

Naninibago si Diane sa mga nangyayari sa kanilang bahay. Hindi naman kasi ganito ang kadalasang nangyayari. Bukod sa sobrang aga siyang ginising ng kaniyang ina, ginawa na rin niya ang mga bagay na si Diane ang gumagawa noon. Mula sa pagluluto nang maaga hanggang sa paghahanda ng kaniyang gamit ay si Diane ang nag-aasikaso.

"Wow," mahinang banggit nito matapos matikman ang luto ng kaniyang ina. "Ang sarap!"

Napabilis ang kaniyang pagkain habang natutuwa sa kaniyang almusal. Matapos nito'y naligo siya't nagbihis. Nagtungo siya sa sala at sandaling umupo sa sofa. Binuksan muna niya ang TV at nag-abang kung may suspension ba ng klase sa araw na 'yon. Nang makita niyang wala naman, kinuha niya ang karton na nakita niya kanina. Sapatos nga ang laman nito. Isang bagong black shoes na may design na flowers sa dulo.

Ilang sandali pa ay natapos na si Diane sa paghahanda. Saktong ala-singko ng umaga siya natapos kahit 7:00 pa naman ang simula ng kaniyang klase. Kinuha niya ang kaniyang bag at pumunta sa kaniyang ina.

"Ma, alis na po ako," pagpapaalam niya.

Nilapitan naman siya ng kaniyang ina sabay yakap nang mahigpit. "Mag-iingat ka, ha?"

Lumakad na si Diane palabas ng kanilang bahay. Kahit na nakakapanibago ang mga nangyayari, ikinatuwa na lamang niya ito. Marahil ay excited lamang ang kaniyang ina sa unang araw ng klase. Hinayaan na lamang niya ito at patuloy na lumakad palabas ng kanilang bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dream CatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon