In another life, I would be your girl.
And we keep all the promises be us against the world.April 2011
"Tss, Oh! Pinapabigay ni mama sa'yo." Pagtataray ko sakanya dahil may pinapabigay na maja blanca si Mama ko sakanya, para daw matikman nila dahil minsan lang sila dumalaw dito sa Pilipinas.
Suminghal ito. Aba parang ayaw niya pa ah. Tinanggap niya ang paper bag pero inirapan niya ako.
"Ang taray, tss parang bakla."
Imbes na sagutin pa ako ay nilagpasan niya ako kaya nasundan ko siya ng tingin nang nakanganga. Hindi man lang nagpasalamat?
Dumiretso siya sa may pinto namin sa kusinaㅡwell, ehem. Nasa sala siya kaninaㅡ saka dumungaw sa loob. "Thank you po dito Tita, I'm sure Mom would like this." Bakas sa tono niya ang paggalang na kinagulat ko.
"Walang anuman hijo. You can come here anytime, with your family." Rinig kong tugon ni Mama sakanya at dahil nangingilabot ako ay panay ang pag-irap kong mag-isa nang tawagin ulit ako ni Mama. "Beatrix! Ihatid mo si Lark sa kanila, baka mapano't mabiktima. Naku, mestizo pa naman, mainit sa mata ng mga kidnapper!"
"Luh si Mama! Concerned kayo pag makidnap yan eh lalaki yan, samantalang ako pa na babae ang maghahatid jan?"
"Beatrix, samahan mo na." Pag-uulit ni Mama kaya mas napabusangot ang mukha ko't umismid. Kita ko naman ang pagngisi ng lalaki na kalaunay nawala nang mapansing nakita ko.
April 2016
"Talaga? Lilipat ka na dito? Akala ko sa Australia ka magtatapos hanggang makapagtrabaho ka?" Taka ngunit excited kong tanong sakanya nang ikwento niya sa akin nag planong paglipat.
St-in-retch niya ang kamay niya pagkatapos ay inakbayan ako dahilan ng pamumula ng pisngi ko.
"Yes, baby. Kailangan kong gawin yan para mapagtuonan ko ng pansin ang panliligaw ko." Halakhak niya bago magpatuloy. "At para mabantayan kita. You're a magnet and you need to repell rather than to attract male species that come near you." Ako naman itong humalakhak sa sinabi niya.
"Hey, I'm serious."
"I know."
"HEY FREAKING LOVEBIRDS! KANINA PA KAYO TINATAWAG! YOU SEEMED TIED UP WITH YOUR 'LIGAWAN' . HAVE SOME FUN MUNA!" halakhak ng kaibigan naming si Adrian mula sa malapit na table.
Hinila ko si Lark para pumunta pero hinigit niya ang mga kamay ko. "You're gonna drink? Maraming lalaki Beatrix." Seryosong aniya.
"Oh come on Lark! I'm not a Saint and you're here. Your so-called "male species" won't come close." kindat ko kaya napapayag ko siyang tumayo at kumuha ng mga maiinom. Nakipag-high five pa siya sa iba niyang kaibigan kasabay ng paglagok niya sa ibang inumin.
"Lark." Tawag ko sakanya na tumatawa sa panonood sa mga kalokohan ng mga kaibign namin.
"Lark.." Pag-ulit ko saka siya lumingon. Mapungay na ang kanyang mga mata, nag-uumpisa nang malasing.
"Yes, baby?" May kung anong meron sa tiyan ko ang nagkagulo dahil ang hot niyang tignan sa ganyang look, damn effortless.
"Si..." nagkunot ang nuo niya. "Sinasagot na kita." Nahihiya kong sambit.
"What baby?"
"Sinasagot na kit----" naputol ang pagsasalita ko nang siniil niya ng halik ang mga labi ko at agad na pinakawalan.
"This isn't a dream, is it?" Malaki ang ngiti nito habang nakatingin sa akin. Hindi ako nakasagot dahil sa pagtitig sa kanyang mukha.
"I love you so much, baby."
April 2020
"You may now kiss the Bride." Sambit ng pari kung kaya't iyon ang ginawa ng groom sa bride niya. Umalingawngaw ang ingay ng palakpak sa buong simbahan.
"They look good together." rinig kong sabi ng isang ninang ng bagong kasal malapit sa kinauupuan ko. Ramdam ko ang mainit na haplos ni Cheena sa aking kamay, ang mga mata niya'y puno ng lungkot at pag-aalala.
Mapait akong ngumiti. "Yeah they look good together and....." muli akong tumingin sa kanilang dalawa bago tumulo ang kanina pang namuong luha sa aking mga mata.".....happy."
"Why did you go here? You'll just get hurt." Pumiyok ang boses niyang nagtanong.
"I want to see how he'll get married to the girl he loves." Pumiyok ang boses ko at mas umagos ang mga luha ko. "Seeing him being genuinely happy, will assure me he'll do good in his married life." Ngiti ko.
Nagawi ang aking tingin sa bagong kasal na pinapalakpakan ng mga tao. Malaki ang ngiti ng bride habang nakangiti lamang ang groom. Umikot ang tingin nito hanggang dumako itos sa akin na nagpakaba sa dibdib kong naninikip. Nakita ko ang kislap ng lungkot sa mga mata niya nang makita ako.
Hindi ko na kaya, sapat na ang makita siyang masaya nang makasal siya sa iba. Ayaw ko nang umasa pa, tama na.
"Don't give me false hope, Baby."
.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐇𝐄 𝐎𝐍𝐄 𝐓𝐇𝐀𝐓 𝐆𝐎𝐓 𝐀𝐖𝐀𝐘
Teen Fiction𝐎𝐍𝐄𝐒𝐇𝐎𝐓 𝘀𝘁𝗮𝗿𝘁𝗲𝗱: 𝟎𝟒𝟏𝟎𝟐𝟎 𝗲𝗻𝗱𝗲𝗱: 𝟎𝟒𝟏𝟎𝟐𝟎 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱: 𝟎𝟓𝟐𝟖𝟐𝟎 𝗻𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿 𝗼𝗳 𝗰𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿𝘀: 𝟎𝟏