PROLOGUE

12 2 0
                                    

Its been a long time guys, sorry kung hindi regular ang pag-uupdate dun sa isang story which is yung Forget Me Not. Pero Ive just decided to write these story  medyo magulo ang takbo ng utak ni author eh. Anyways expect na  sooner or later mag uupdate na din sa Forget Me Not. And for those who haven't started reading Forget Me Not, please do read it thank you for the support twinkle stars ( ive decided to call you that, is it okay? comment kayo ng mga suggestions) Anyway here it comes..


Astra's P.O.V


I was once a happy go lucky person, palaging nakangiti, palaging approachable ,and palaging may positive energy sa katawan. Pero things started to change when I started high school. I once joined a friendship squad, at first super saya kasi first time ko lang maexperience ang pagkakaroon ng squad. But as months pass by, parang iba na yung pakikitungo nila saakin, Until one day...

 FLASHBACK


" Guys saan tayo kakain ngayong lunch ? " tanong saamin ni dea isa sa ka-squad ko,Bale anim kami lahat.


"Sainyo na lang dea" sagot ni dain isa ko ding ka-squad.


"Ayos lang saamin pero magagalit si tita, kahit may maiwan na lang na isa dito sa school" medyo malumanay na sagot ni dea saamin.


"Ako sasama ako" dali daling sagot ni amara.


"Ako kasi malapit lang bahay namin kela dea , pero hindi ako doon kkain. Uuwi ako sa bahay" mahabang paliwanag ni nessa.


"Ikaw na lang kaya maiwan Astra?" mahinang tanong ni dea


"Wala pero akong kasamang kakain dito, pwede bang sumama na lang ako?" sabi ko


"Maiwan ka na lang Astra baka magalit pa tita ni Dea eh" pagsagot ni Larra.


Sabi na nga ba eh, tama yung narinig ko nung isang araw.Balak talaga nila akong itakwil sa squad namin. Pero kahit naluluha ako, gagawa parin ako ng paraan para hindi yun mangyari.


" Sige na sama na ako Dea" nagmamakaawang sagot ko.


" Bahala kayo dyan, aalis na ako" padabog na lakad ni Dea, sumunod naman ang apat kong mga kasama kay Dea. Kaya sumunod na din ako.Sumakay na ng tricycle si Dea kaya sumakay na din kami. Kahit nasisiksik na ako sa likod ng driver, pinilit ko paring tumingin sa positive side ng araw ko ngayon. Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila dea ay pinpasok niya sina dain, ammara, at larra ngunit nung ako na ay tila dinabog at sinarado niya ang gate. Biglang lumabas si Ammara...


"Pasensiya ka na Astra, sadyang ayaw lang talaga ni Dea na madaming tao sa bahay nila ngayon. Kung gusto mo ipasakay na lang kita ng tricycle.


 Tumango ako at sinamahan nga ako ni Ammara na maghintay ng tricycle. Nung nakasakay na ako ng tricycle ay bigla bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko.Pilit kong inaalala kung ano bang nagawa kong mali? Ano ba ang kailangan kong gawin para mapatawad ako nila dea, Kailan kaya ako matuto lumaban para sa sarili ko?, naku madami pa akong iniisip. Nung nakarating ako ng school ay nagbayad lang ako kay manong driver at tumakbo na patungo sa susunod na subject namin. Kahit tumutulo ang mga luha ko pinilit ko paring ngumiti, pinilit ko paring ipakita na ayos lang ako, pilit ko paring sinasabi sa sarili na "wala lang sa mood si dea"Ngunit kahit ganito akong tao, kahit positibo akong tao, hindi ko rin kayang ngumiti palagi, hindi ko rin kayang palaging magpanggap na ayos lang ako,hindi ko rin kayang tumingin palagi sa makulay na parte ng mundo.


At dahil sa pangyayaring iyon , kakailanganin ko nang ihanda ang sarili ko sa susunod na pasakit....


END OF FLASHBACK...


(A/N: SANA NAENJOY NIYO TWINKLE STARS I LOVE YOU ALL, FORGET ME NOT IS SOON TO BE UPDATED)

STAYWhere stories live. Discover now