Cold as Ice

1 1 0
                                    

Third person's POV

sobrang lamig ng pakikitungo ni Freya sa ibang tao, tahimik lang siya sa kanilang klase ng marinig ang bell, lunch break na.

Tatayo na sana si Freya pero may lumapit sakanyang lalaki na naka ngiti, sobrang lapad ng ngiti at pinangalanan agad ni Freya itong Cheshire (ang pusa sa panood na wonderland)

Uhmmm Hi miss, you've been alone the whole morning and I guess you have no friends yet in this school?

Sabi nito sabay ngiti na may pagka alanganin

I don't need friends and I don't plan to have one

Ani ni Freya ng naka tingin ng deretso sa lalaking kaharap nito

Well, I need one so tara sabay tayong kumain ng lunch

Nangunot ang noo ni Freya dahil matagal na niyang ginagawa ang ganon sa mga taong gustong makipag kaibigan sakanya at iniiwan siya ng mga ito at hinayaan na lang pero kakaiba ang lalaking to

Why do you even want to be friends with me Cheshire?

Tanong ni Freya sakanya at pinalamig pa nito ang kanyang pakikitungo at lalong naging awkward ang pakiramdam ng binata

Well.. Nothing's wrong with meeting new people right? Hehe

Napangisi si Freya dahil sa awkward na pag tawa ng binata

T-tara na nga

Kinuha nito ang kulay black and blue na bag ni Freya at isinabit sa kanyang balikat

Nag deretso ito sa pintuan at tiningnan si Freya na nakatayo parin sa kanyang upuan

Ice tara na

Tawag nito kay Freya ng naka ngiti nag buntong hininga na lang si Freya at sumunod sa lalaking ito

Freya's POV

anong trip ng lalaking to? Nananahimik ako bigla na lang lalapit at mag aalok bilang kaibigan ko

Gusto kong mag isa, kumain ng mag isa, gawin ang lahat ng mag isa

Nag lalakad kami papunta sa sobrang layong canteen at pinag mamasdan ko ang bag ko na naka sabit sa balikat ng Cheshire na to

Alalay..

Nakarating kami sa canteen at sobrang daming tao rito, inilibot ko ang mata ko sa lugar na ito

Maingay, sobrang daming tao, ang gulo

Natauhan ako ng kalbitin ako ni Cheshire, pina upo niya ako sa isang table for two umupo na lang ako

Nangunot ang noo ko dahil naki upo na rin siya

Hindi ka ba bibili ng pagkain?

Natawa ito ng kaunti kaya tiningnan ko lang siya

Ilang beses siyang kumurap kurap at umayos ng upo

Walang pumipila para kumuha ng pagkain dito sa S.A kase may darating na waiter para kunin ang order natin

Pano ang bayad?

Tanong ko na ipinagtaka niya

Ngumiti ito sa akin
Hindi ka nakinig kanina no? Nakikipagtitigan ka sa Baklang yon kanina kaya di mo narinig, isswipe lang natin ang mga ID natin at idadagdag na iyon sa tuition

Ani nito at nagulat ako ng sabihin niya ang bakla

Tanginang mukha yon, nakaka bwisit

Hindi na ako nag salita at tumahimik na lang sandali lang ay may dumating na waitress at ibinigay ang menu

SPHINX ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon