Lost In Your Stars

6 0 0
                                    

Bored na bored na 'ko sa buhay 'ko. Ang tagal tagal nang pasukan. Nakakangalay na lang 'yong paulit ulit akong nakaharap sa computer ko, at nararamdaman ko na isa ang araw na 'to do'n.

"Marlon, ano nga uli kinuha mo?" Pumasok bigla si Kuya Mucho sa kwarto 'ko dala ang pandesal na palagay ko'y kanina niya pa nginangata. humilata sya sa kama at hinilot ang sentido.

"Hindi ako nakatulog kanina, anak ng tokwa naman, bakit wala kaming bakasyon!?" Dabog niya pa. Pero teka kinuha?

Tiningnan ko ang kapatid 'ko. Kinuha ko ang alin?

"Uhh... saan? Sa kwarto mo? Yung CK ba na brief?" Napailing iling ako sa talas ng mata niya. Pa'no niya nalaman 'yon? Napakarami niyang tambak kahapon, ang galing niya naman.

Bigla siyang bumalikwas na siyang ikinagulat 'ko.

"Kinuha mo 'yong Calvin Klein ko na brief?" Pucha. Namatay tuloy character ko, pero mas pucha kasi baka ako patayin nito. Nampucha ano ba kasing tinutukoy niya? At nakailang pucha na ba 'ko? Pucha naman.

"Oo eh... sinukat ko lang naman."

"SINUOT MO?" Nawalan kasi ako ng brief n'ong isang araw but there is no way I will tell him that.

"Oo kuya, hinubad ko lang din naman... kasi... nagcacanvass lang ako ano ba mas kumportable. Bibili kasi ako. Gusto ko yung CK mo, kasi malambot sya kay junjun. It's a yes for me." Ngumiti pa 'ko. Pero totoo kumportable si Junjun kay Calvin Klein. Bili na kayo! Chour

"Hayop ka, Marlon! Pinakikialaman mo pala mga gamit 'ko!" Umamba sya at bahagya akong sinuntok. Akala ko ba 'yon ang tanong niya?

"Hinubad ko naman agad! Atsaka... pala? Hindi ba 'yon 'yong tanong mo?" Bumalik ulit siya sa paghilata. Pucha, namatay tuloy ako pang apat ko na 'to,   3 minuto palang ang duration nang nilalaro ko hays.

"Tanga, ang tanong ko sana eh kung anong kinuha mong program sa college." Medyo kalmado niyang sinabi. Napaisip naman ako do'n. Why will he ask me all of a sudden? Summer na summer, usapang eskuwelahan nanaman!

"BA Philosophy, bakit?" Bumalik ang mata ko sa linalaro ko para lang makitang talo ang team. Nakakainis hays. Talo agad ano ba 'yan, 'di man lang ako nakapag enjoy. Nag enter uli ako para sa isa pang laro. Sana makabawi.

"Mabuti 'yon. Para di ka na maistress katulad namin nila Kyle." Tumayo sya at ibinigay sakin ang natirang pandesal na hindi niya naubos.

"Review muna 'ko, Marlon." Siguro nahihirapan na siya. Engineering kasi ang kinuha niya, pati ang Kuya Kyle at Kuya Manolo. Ako rin dapat, kaya STEM ang kinuha 'ko noong senior high school, kaso napagisip isip ko yung dadanasin kong hirap sa engineering. I'm not up for it, isa pa hindi naman ako gano'n katalino. Tatlo na sila, kaya naisipan kong iba naman ang kunin. Pumayag naman ang mama at papa. Kaya ito ang kinuha kong kurso.

"Marlon, andito si Hikaru!" Boses ng kuya Kyle 'yon. Ang aga aga. Ano nanaman kayang balak gawin ni Ru ngayon?

"Paakyatin mo nga kuya!" Sigaw ko pabalik. Hindi ako makapagfocus dito sa nilalaro ko punyemas talaga.

"Ambobo naman nang naglalaro ng Aldous!" Trashtalk ng isa kong kakampi.

"Mas bobo ka! Ulol!"

"Marlon, sino nanaman kaaway mo?" Ngisi ni Hikaru.

"Uy Ru, epal kasi 'tong kampi ko eh." Pagtingin ko sa screen, talo nanaman. Pucha.

Tinapon ko nalang sa kama ang cellphone ko. Nagpatugtog sa youtube ng Old Town Road to welcome Ru. Favorite song niya 'yan eh.

"Eh bakit ka pala nandito?" Tanong ko. Si Ru ay team mate ko sa basketball, school mate ko rin. Siya ang isa sa nagimpluwensya sakin kunin ang course na 'to. Ewan ko ba di ko rin naman trip 'to, pero dahil wala naman na akong choice umoo nalang ako tutal magkaklase naman kami. Best of luck na lang sa future ko.

"Orientation mamaya sa school, 'di mo alam?" Napailing ako. Dalawang linggo pa bago ang pasukan anong orientation? G na G?

Kanina lang ay iritang irita ako dahil wala na 'kong magawa sa sobrang bored ko... ngayong may orientation na pupuntahan, mas lalo lang yata akong nairita.

"Pumunta ka dito para lang sabihin 'yan?"

"Maligo ka na boy, alis tayo in an hour."

"Anong oras ba 'yon?"

"10 am." Tiningnan ko ang orasan at nakitang 8:33 na ng umaga.

"Required ba talaga pumunta 'don?" Tanong ko habang tumatakbo na papuntang CR. Sa kabilang bayan pa ang eskuwelahan namin ni Hikaru. Kaya kailangan ko na magmadali.

Habang umaagos ang tubig sa katawan ko, hindi ko mapigilan ang excitement kahit mas lalo lang akong nairita. Kolehiyo na ako!

"You ready bro?" Bungad ni Hikaru pagkalabas ko ng bahay namin. Nginitian ko na lang siya saka naglakad pa kanto para sumakay.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa unibersidad na papasukan ko ay namangha na ako. Pucha, swerte ko na pumasa ako dito!

"Calling the attention of all College of Arts and Letters' Freshman. You may all go straight in the quadrangle to meet with your other Co-Departments and which where our booth is located. Thank you!"

"CAL tayo bro, 'di ba?" Tapik ko kay Hikaru. Tumango sya at tahimik na dumiretso sa quadrangle.

Pagdating namin sa quad ay sinalubong kami ng iba't ibang booth per department. Iba ibang kulay na nagrerepresent sa mga degree programs nila.

"Pucha bro, astig dito!" Puri nya. Pansin ko rin, masyado magarbo ang mga booth at halatang pinaghandaan.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost In Your StarsWhere stories live. Discover now