CHAPTER 18

17.1K 360 8
                                    

GABI na nung makauwi sina Jared. Hindi sinabi kung saan sila namasyal.

"Baby, maghilamos ka na." Saad ko.

Hindi naman ako pinansin.

Napabugtong hininga ako at lumuhod ng konti. "Baby..."

Ngumuso siya at hindi pa din tumitingin sakin.

"Please tara na, maghihilamos ka."

"Bakit po ba ayaw niyo makasama si Daddy dito? Akala ko po complete tayo like family."

"Complete tayo." Mahinang sagot ko.

Parang ako lang ang nakarinig. Hays! "Hindi kasi maganda ang nangyari sa amin ng daddy mo."

Ngumuso siya lalo. "But he can sleep here right mommy?"

Napabugtong hininga na naman ako. "Yeah."

Ngumiti na siya at tumingin sa akin. "Let's go na po." Tumayo ito at siya ang nanghila sa kamay ko.

Napailing na lang ako at dahan-dahan siya binuhat sa bathtub nang makarating kami sa banyo.

Hinayaan ko siya na maglaro ng tubig. "Gusto mo ba na gawin magisa, baby?"

Tumingin siya sa akin. "Opo." Nakangiting sabi niya.

Ngumiti ako at itinigil ko yung ginagawa ko saka pinanood siya.

10 minutes ay natapos na siya. Inabot ko yung towel saka binuhat siya pababa sa bathtub. Tumakbo ito palabas.

"Rabbit! Rabbit."Sigaw nito.

Napangiti ako at sinundan siya. Nakita ko na pumipili na siya ng damit niya. Independent.

Hinayaan ko siya. Tutal kahit nasa tatlong taon pa lang siya ay gusto na niyang matuto.

"Mommy nakita ko po si Kuya Isaac." Sabi nito habang nagsusuot ng damit niya.

"Really? Saan?"

"Malapit kina Lola Mommy po. Doon po sila nakatira."

So doon pala sila nagpunta.

"Sabi niya po when I'm big na, she will find me and make his mine."

Nagulat ako dahil doon.

"A–anong sinabi mo."

"I said it because his my kuya issac, bridget is my friend."

"Nagalit po." Dagdag na saad nito at ngumuso, natapos na itong magbihis.

Natatawa na naupo ako sa kama at ganon din ang ginawa ni Avisha.

"Di ba po? Tama ako? His my kuya isaac."

"Yes baby."

Bumukas bigla yung pintuan at naabutan kami ni Jared na nakaupo sa kama."

"It's getting late. Dapat natutulog ka na." Saad niya kay Avisha.

Tumingin naman siya sa akin kaya umiwas ako.

"You too." Dagdag nito.

Humiga na si Avisha kaya sumunod ako, nasa gitna namin si Avisha. Nakatingin siya sa akin, kaya tinignan ko siya.

Nagulat ako ng hinaplos niya ang pisngi ko. "I miss you."

"I–I miss you too."

"M–matulog ka na." Saad ko ulit bago tumalikod sa kaniya.

Gusto ko yung paghaplos niya sa pisngi ko. Namiss ko siya ng sobra, ilan araw kami nagtatalo. Ngayon niya lang nasabi 'yon.

My Neighbor Husband ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon