Ika-6 ng Nobyembre, 2019

20 0 0
                                    

Minsan, kailangan nating magdesisyon para sa sarili natin.

Kahit masakit.
Kahit mahirap.

Minsan, kailangang maging makasarili.

Hindi dahil sa gusto mong makasakit.
Hindi din totoong nagiging makasarili ka.

Madalas, hindi maiintindihan ng iba ang daang pinili mo.

Pero hindi ibig sabihin nito na nag-iisa ka.

Madalas, ang makikita lamang ng iba ang ay mga ngiti mo.

Pero hindi nila maaninag ang mga luhang naglalawa sa mga mata mo.

Sa isang saglit, ika'y pumikit...

Huminga nang malalim...

Hayaan ang iyong isip at puso na lumaya.

Kaya mong maging masaya.

Hindi man ngayon...

Pero alam ko...

Bukas, makakangiti ka nang muli.

Sa araw-arawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon