Naaalala mo pa ba?
Ang mga panahong masaya ka pa?
Naaalala mo pa ba?
Ng unang mapangiti ka?
Naaalala mo pa ba?
Kung para kanino ka gumigising?
Naaalala mo pa ba?
Kung bakit ka gumigising?
Naaalala mo pa ba?
Ang masasayang alaala?
Naaalala mo pa ba?
Kung sino ang mga taong kasama sa bawat alaala?
Nabulag ang mga mata
Sarado ang pag- iisip
Puno ng paghihinagpis
Ang sa isip ay nakaukit
Ano ang nakikita?
Pasakit ng mundo at tanikala
Ano ang nakikita?
Mga hirap na nahihinata
Ano ang nararamdaman?
Higpit ng piit ng pusong masakit
ano ang nararamdaman?
Ang pagtusok ng talim sa iyong kinintal.
Hindi solusyon ang pagtigil
Ng hiningang iningatan ng ina
hindi solusyon ang paghinto
Ng puso na nanindigang mabuhay para sa'yo
dedicated for depressed young adults..