Alamat ng Serina

7 2 0
                                    

Sa isang karaniwang bukid naninirahan ang mag-asawang Vilma at Pedro. Ang kanilang bahay ay malapit sa dagat. Si Pedro ay mangingisda. Ang pangingisda ang pinagkakakitaan ng pamumuhay ng mga taga roon.

Sa ikatlong taong pagsasama ng mag-asawa saka pa naglihi si Vilma. Sa kanyang paglilihi lagging gusting iulam sa pagkain ay isdang bangus. May mga araw na walang mahuling bangus si Pedro kaya si Vilmay nagtatampo at hindi na kakain, siya ay iiyak nang iiyak.

Isang araw si Pedro ay pumunta sa dagat. Siyay walang malamang gawin nang makarinig ng sigaw. Makatatlong ulit na narinig niya ang kanyangpangalan. tumingin ka sa ibaba! ang sabi ng tinig. Tumungo si Pedro at nakita ang isang malaking isang bangus, maganda at may korona.
“Akoy nagmula sa kailaliman ng dagat. Ako ang hari ng karagatan. Baka ikaw ay may kailangan. Akoy handing tumulong sa iyo.

Nagtapat si Pedro. Ang aking asawa ay nagdadalang-tao. Lagi siyang humuhingi sa aking ng isang bangus. Wala akong maibigay, wala akong mahuli sa dagat at wala ring mabili sa pamilihan.

Kitay tutulungan. Lingo-linggo o kahit araw-araw kitang bibigyan ng bagus sa isang kondisyon

Anong kondisyon?

Pagdating ng iyong anak sa gulang na pitong taon, siyay ibibigay mo sa akin!

Yamang walang ibang paraan sa pagkakroon ng isdang bangus para sa kanyang asawa kaya siyay pumayag.

Bukas magsisimula ang rasyon. Bibigyan kita ng isda. Silay naghiwalay nakuwa nasiyahan.

Nang sumunod na araw si Tirso ay nagpunta sa aplaya. Nakita niya ang mga isdang handa na  at nakahanay sa buhangin. Kinuha niya ang mga ito at inuwi. Niloto ni Vilma ang mga isda at ang mag-asaway nasalo. Ganito ang pangyayari kahit na si Vila ay nagsilang na ng sanggol. Pinangalanan ang sanggol na Maria. Napakaganda ng bata, mahal na mahal ng amat ina si Maria. Itoy maitim ang buhok, at mga matay kumikislap tulad ng manyika.

Ang tatlo ay naglalro sa looban ng kanilang bahay subalit tikis na hindi pinapasyal sa dalampasigan. Ang bata ay lumaki at sa kanyang paglaki ay lalong nag-ibayo ang pagmamahal ng amat ina. Dumating ang ikapitong taon ng bata. Ligalig na ligalig si Pedro. Hindi niya malaman kung paano niya ipagtatapat ang kanyang ipinangako sa Haring Bangus.

Vilma, may ipagtatapat ako sa iyo. Huwag kang magagalit. Sahalip ay akoy payuhan mo kung ano ang nararapat nating gawin, kung ano ang sulusyon sa ating problema!

Ano bang problema ang pinagsasabi mo?

Natatandaan mo bang ikaw ay naglilihi? Noong gusto mong kumain palagi ng isdang bangus? Sinasabihan mo ako palagi na manghuli ako sa dagat. Sa aking pag-uwi wala akong dla. Wala ring mabili sa pamilihan. Tinulungan ako ng Haring Bangus. Siya raw araw-araw ay magbibigay sa akin ng isdang rasyon. Dahil diyan kaya akoy pinapangakong pagdating n gating sanggol sa gulang na pitong taon, ibibigay ko sa kanya si Maria!

Hindi maari! sabay tulo ng luha. Siya ay tangi nating kayamanan. Hindi ko matitiis na siya ay mawalay! Mamatay man ako!, akoy tutol.

Isang umaga si Pedro ay nagpunta sa aplaya. Marangal na Hari ng isda, ayaw pumayag ng aking asawa! Ipinakikiusap na sa halip  na  kunin mo si Maria, ikaw ay bibigyan naming ng diamanteng singsing at anim na kalabaw!

Magpakalalaki ka! Pahalagahan mo ang iyong pangako at ang ating kasunduan!

Nag-isip si Pedro. Pumasok sa kanyang loob na ang kanyang kausap ay isada lamang kaya hindi nito kayang agawin o kunin si Maria kung itoy malayo sa dagat o sa dalampasigan. Ipinasya niya na hindi niya tutuparin ang kanyang pangako.

Siyay nagtatakbo na walang kaputok mang sinalita.

Galit na galit ang Haring Bangus. Oras na ang batang iyan ay pumarito sa aplya, siyay aking dudukutin!: naibulong sa sarili.

Mula noon ay hindi na nakita sina Pedro, Vilma at Maria sa bay-bay dagat.

Isang umaga, may dumating na batel sa dalampasigan. Ang mga tao sa baryo ay naghalimbumbungan at nag-ussyo. Ang ilan sa kanila ay namili ng kung aong-anong gamit sa bangkang nakadaong. Natanaw ni Maria ang mga taong umakyat-manaog sa sasakyan. Tumawag ng pansin ni Maria ang matingkad na kulay ng sasakyan. Siyay nagpunta roon. Iyon ang unang pagkakataon ng gayong uri ng Bangka daungan.

Nang dumating si Maria, nakapag-alisan na ang mga tao. Marahan siyang lumapit sa bangka. Sa isang iglap siya ay sinakmal ng dambuhalang alon. Siyay nagpagibik at hungi ng tulong ngunit nang dumating ang saklolo ay huli na. ang ina at ama, kasama ang mga taganayon ay naghanap at ginalugad ang karagatan subalit nawalan ng saysay.

Tuwing sasapit ang orasyon matapos magdasal sina Vilma at Pedro, silay pupunta sa talukan ng alon sa pagbabaka-sakaling Makita si Maria. Lumakad ang mga buwan at mga taon subalit kahit anino ay walang nakita ang mag-asawa.

Isang gabing maliwanag ang langit dahil sa kabilugan ng buwan, ang dalawang matanda ay naganyak na magdalampasigan. Silay may namataang isang magandang babaeng mahaba ang buhok. Itoy lumalangoy. Ang kalahati ng kanyang katawan paitaas ay tao subalit sa pababa ay walang paa. Ang pinakapaa ay  puno ng kaliskis. Sa dulo ay palikpi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alamat ng SirenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon