Para kang isang bituin
Na nagniningning sa kalangitan
Gustong abutin
Ngunit mahirap gawinAko'y sana ay pagbigyan
Sa mga hiling na laging hinihiling
Ako sana ay mapansin
Lahat ay gagawin para sa isang bituinAko'y nakatingin sa malawak na kalangitan
Ikaw ay biglang dumating
Dala ay liwanag sa aking madilim na nakaraan
Ako'y isang taong gusto kang abutinMahirap man abutin
Ako'y nandito parin
Umaasang ako ay mapag bigyan
Ang hiling na ngayon ay dumatingIsa kang bituin, na mahirap abutin
Ako'y hangang tingin nalang
Sa katulad mong kay ganda
Natatakot na biglang mawala
YOU ARE READING
Bituin
PoetryThis is my New poetry that i made. Plss vote my works and thank you for supporting 💜