Ulan at Luha

60 24 10
                                    


Kasabay ng pag-buhos ng malakas na ulan,

Ay ang pag-pagtak ng aking mga luhang kanina pa pinipigilan.

Sumasabay ang malakas na bagyo,

Sa pag-hihinagpis ng aking puso.

Habang naglalakad sa madilim na daan,

Ay inaalala ang madilim na karanasan.

Mga pangakong iyong binitawan,

Ay tuluyan mo na nga nga'ng nalimutan.

Ating masasayang alaala,

Ay ibabaon na lamang sa aking memorya,

Dahil ito na nga ang wakas ng ating istorya.

Asahan mo na ako na'y lalayo,

At hinding-hindi na lalapit sa iyo.

Tandaan mo, Hindi lang ikaw ang taong mamahalin ko,

Kaya huwag kang pasisigurado na hindi kita malilimutan ng husto.

Maraming salamat sa lahat ng masasayang alaala,

At hanggang dito na lamang aking sinta.


———
“HUWAG KUHANIN
AT ANGKININ

©rishykyut

Tulang Mula Sa PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon