Lunes na naman. Kasalukuyan kong dinadama ang sariwang hangin namin dito sa probinsiya at ang sikat ng araw ay hindi ko iniinda. Alas otso pa ng umaga ngunit mahapdi na ito sa balat. Naiinggit tuloy ako kapag ikinukwento ng Lola ko yung panahon pa ng kabataan niya. Malaki na ang ipinagbago ng mundo at kung papipiliin ako mas gusto kong mabuhay sa sinaunang panahon, bakit? Secret, baka i-my day mo pa.
Mukhang hindi na naman namin naabutan ng kapatid ko ang flag ceremony, hays. Tinanaw ko muna ang pagpasok ng kapatid ko sa classroom nila saka tumuloy na sa paglalakad papunta sa 'di kalayuang building namin. Nasa firstfloor kami ng 3 storey building. Kinakabahan na naman ako. Madalas kasing nararamdaman ang paglindol dito sa amin sa Mindanao these past few weeks. Nauwi nga ng dalawang linggo ang sembreak namin kasi madalas kaming madatnan ng lindol dito sa paaralan at inaasahan pa ang aftershocks. Pero nung mga nakaraang araw wala naman ng nararamdam na pagyanig, minsan meron pero mahina lang kaya tuloy na ang pasukan ngayong Lunes.
"Shan, kamusta ang diksyunaryo natin?" Iyan agad ang pambungad na tanong ng ka groupmate kong si Joshua pagpasok ko palang ng room. Buti pa ang diksyunaryo kinamusta, paano naman ang gumawa tsk, ang kapal lang talaga.
"Okay lang naman ang diksyunaryo," sabay lapag ko ng bag ko sa katabi niyang upuan saka humarap sa kaniya, "Pero yung gumawa? Pwede ng bilhan ng kabaong para diretso higa nalang kapag namatay dahil sa puyat, leche."
Napakamot nalang siya sa ulo at guilty na napangiti. "Alam ko naman kasing kayang-kaya mo yun. Ikaw pa!" Pang-uuto niya pa.
Hindi ko nalang siya pinansin at inilabas ang libro namin sa Empowerment Technologies at nagbabasa, baka sakaling maka sagot ako sa recitation kung saka-sakali tsk. Delikado ang grades ko ngayong semester lechugas lang talaga. Hinilot ko tungki ng ilong ko at tumingala sa kisame, natigilan ako at napatitig dun. Andito na naman ang kaba sa dibdib ko- oo na wala pala akong dibdib shutanginerns lang. Pero di nga, what if lilindol- hays kung anong iniisip ko na masama.
"Magandang umaga, Shani!"
Napaigtad ako dahil sa gulat ng bigla-biglang sumulpot si Haiden. Isa pa itong gunggong na'to, ka groupmate ko sana kaya lang ayon groupwork na nauwi sa individual. Sarap lang pag-untugin. Sinalubong ko siya ng masamang tingin na ikinaatras niya. Ang ayaw na ayaw ko sa lahat eh ginugulat ako, leche.
Nilingon naman niya ang katabi ko na tahimik na nakatingin sa amin. "Bro, baka naman matunaw na si Shani niyan. Kanina ka pa ah." Nakangising pang-aasar ni Haiden, sinulyapan ko naman si Joshua na masama ang tingin sa kaniya.
"Woah, pareho kayong mainit ang ulo sh*t meant to be nga kayo!" Malakas na pagkakasabi nito kaya napalingon sa gawi namin ang ibang kaklase namin.
"Manahimik ka nga Haiden, masyado kang maingay." Naiinis na sabi ni Joshua.
"Two weeks rin tayong walang pasok, hindi moko na miss? Hug nga diyan tsaka kiss na rin." Akmang lalapitan na siya ni Haiden ng batukan niya ito ng malakas.
"Ulol!" Mura pa ni Joshua saka lumayo dito na ikinatawa naman namin. Ang gulo lang nila. Ito ang mahirap kapag magkaroon ka ng baliw at wierdong mga kaibigan. I sighed. Sakto namang pumasok na si sir Anthony, teacher namin sa Empowerment Technologies at crush ko hihi. Simula na naman ng bakbakan ngayong araw.
---
"Okay, class dismissed."I glanced at my wristwatch, 4:30 na pala. Tapos na ang panghuli naming subject ngayong araw.
"Hay salamat naman! Makakauwi narin." Sabi ni Haiden na humihikab pa.
"Ang sakit ng puwet ko ang boring pa ng subject tss." Dinig ko ring reklamo ni Joshua.
Walang imik na lumabas ako ng classroom at tinungo ang building ng kapatid ko ng may tumawag sakin at inakbayan ako. It's Haiden.
"Bakit hindi mo kami pinapansin ngayon? Malapit na kami mag tampo." Sabi niya pa habang patuloy kaming naglalakad. Muntik na akong matawa dahil nakanguso pa siya sa pagsasalita. Nanatili akong tahimik ngunit hindi ako nakaligtas sa pangugulit nila.
"Ang sungit akala mo talaga maganda. Aba at huy, hindi ka namin pinalaki ng ganiyan." Gulat akong napalingon kay Joshua na nasa tabi ko pala. Bukod sa ininsulto niya ako ay ngayon niya lang din ako kinausap, pambihirang kaibigan 'to. Natawa naman ako ng kunti ng mapagtantong naka pameywang pa siya at gusot ang mukha. Ang kukyut ng mga kaibigan ko.
"Oo nga. Mukhang iniiwasan mo kami at ayaw namin ng ganun. Magsalita ka babae kung hindi babatukan na talaga kita." Inis na sambit ni Haiden. Eh pano, nanatili lang akong tahimik. Namiss ko rin silang kulitin at nakonsensiya naman ako sa hindi pagpansin sa kanila. Marami akong iniisip at wala akong ganang makipag usap kaninuman.
Ibinaba ko ang kamay ni Haiden at inangkla ko ang kaliwang braso ko sa kanya since nasa kaliwa ko siya. Ganun rin ang ginawa ko kay Joshua na nasa kanan ko. Mukha akong bridesmaid na dalawa ang escort, goodness!
"Wala lang ako sa mood makipag usap. Sorry na, okay? Ang swerte ko talaga sa dalawang to" I said and pinched their cheeks na sabay nilang ikinaangal.
"Ayoko sa mood mong ganiyan, tsk." Kontra pa ni Haiden.
"Mukhang bumalik ata sakit niya noong grade 9 pa kami. Malala mood swing niyan dati." Kwento pa ni Joshua.
"Talaga? So hindi ka rin niya pinapansin?" Interesadong tanong ng kausap.
"Oo. Feeling maganda kasi, naku." Iiling-iling na sabi ni Joshua tapos sabay tumawa saka may paapir-apir pang nalalaman. Napairap nalang ako sa hangin. Akala mo talaga wala ako sa tabi nila kung pag usapan ako.
Kaibigan ko na si Joshua Marcial simula grade 7 kami. Hindi kasi ako mahilig makipagkaibigan sa mga babae. Dalang-dala na ako. I have lots of girl friends before but they are all fake. Mga plastik masiyado. Gulat nga ako noon, akala ko lumulutang lang ang mga plastics, it turns out na ang iba kaibigan mo pala. Nasa tabi mo lang pala. Ilang beses pa ngang napagkamalan si Joshua bilang kasintahan ko dati kasi lagi kaming magkasama.
Si Haiden Mendes naman ay transferee sa school namin noong grade 10 kami. Naging magkaklase kami. Kinukulit kasi siya lagi ni Joshua kaya lagi narin siyang sumasama sa amin. Simula noon sila lang ang naging mga matalik na kaibigan ko sa school. Bukod sa mga gwapo itong mga kaibigan ko ay masyado rin akong maswerte sa kanila.
Grade 12 na kami ngayon at ilang buwan nalang ay maghihiwalay na kami. Nakakalungkot masyado kasi ayokong mawalay sa kanila.
"Oh natahimik ka na naman. Ayun na ang kapatid mo, oh." Napatingin naman ako sa kapatid ko. Tumatakbo siya palapit sa amin. Now it will going to be worst. Tatlong mga sira-ulo ang mag cocollab, goodness!
"Mas naging gwapo ata kayo mga kuya!"
"Aba syempre kapatid, kami pa."
"Mas gwapo nga lang ako kay Joshua, kapatid. Nakalimutan niyo bang ako ang pinakagwapo sa ating tatlo?"
Sabay naman siyang binatukan ng dalawa. Aww, kawawang Haiden, masyado kasing mahangin.
"Aray! Problema niyo? Tanggapin niyo nalang kasi ang katotohanan mga bro!" Napairap nalang ako sa hangin. Wala ng pag-asa itong isang 'to.
"Pabayaan mo siya kapatid, nakalunok ata ng electric fan. By the way, gumwapo ka rin masyado. Itong ate mo nalang ang walang improvement sa atin."
Nagpanting ang tenga ko nung narinig ko 'yun, aba! "Namumuro kana Joshua, ah. Kanina mo pa ako pinipintasan eh kung bangasan kita diyan?"
"Kita niyo na? Mas lalaki pa ata to satin. Huwag mo nga kaming pinapahiya, Shani. Paano ka mag kaka jowa niyan?"
"Ay naku kuya Haiden hindi pa pwedeng mag jowa iyan. Alam niyo namang tamad gumising ng maaga iyan- aray!"
Piningot ko ang tenga ng kapatid ko saka hinila patungo sa motorsiklo niya para umuwi na. Kawawa talaga ako palagi kapag magsama-sama silang tatlo, lugi ako.
"Bye Shani, ingat kayo."
"Uy Kapatid iuwi mong walang gasgas iyang ate mo ah!"
"Oo nga saka hindi pa iyan pwedeng mamatay kasi hindi pa nagkajowa yan."
Kung pwede ko lang silang ihambalos sa pader. Nakakainis 'tong mga ito, mga gunggong!
Ngayon ko lang rin napansin na kanina pa kami pinapanood ng ibang mga estudyante. Maraming nakakakilala sa dalawang kaibigan ko at kapatid ko. Pinagpala kasi sila ng guwapong mukha at katalinuhan.
Kahit napaka kulit at pilyu masyado itong tatlong ito pero mahal na mahal ko sila. Sila lang ang nanatiling tapat na kaibigan sa akin. I wouldn't wish for more, I have enough.
YOU ARE READING
A Thought Of Future
RandomAng storyang ito ay random lang. Iba-ibang story kada entry pero kung nanaisin niyong sumulat uli ng karugtong ng isang entry ay pagbibigyan ko po kayo :>