"Very good, Lecandra! Maganda ang iyong sagot." Papuri ng guro ko sa kaklase ko. Bumagay sa kaniya ang off-shoulder na damit. Pinanood ko pa kung paanong masaya rin ang mga kaibigan niya sa tabi niya. Sabagay maganda ang kaniyang sagot ngunit alam kong mahihigitan ko iyon pero pinili kong manahimik. Ibibigay ko sa kaniya ang araw na ito.
"Ngayon, sino pa ang mayroong ideya diyan? Celistene, mayroon kabang maidadagdag na sagot?" Nakatitig lang ako kay sir Anthony ng tawagin niya ako, inaasahan ko na ang bagay na iyon."Wala po akong ideya-"
"Sir eto po isinulat niya. Maganda po ang kaniyang sagot. Basahin mo na Sileng." Gulat akong napatingin kay Darwin na ngayon ay iwinawagayway ang kuwadernong pinagsulatan ko ng sagot. Madalas ay isinusulat ko ang aking sagot sa kuwaderno bago sumagot sa oral recitation. Nakasanayan ko na iyon mula pa noon. Wala akong balak sumagot, kasi naman! Ngunit kailangan ko paring tumayo.
Tumayo ako at nag umpisang magsalita."Very good! Napakaganda ng iyong sagot, Celistene. Hindi mo talaga ako binibigo." Pumalakpak pa ang aming guro noon. Sinulyapan ko ang babaeng iyon at naabutan ko pa siyang masama ang tingin sa akin. Hindi ko nalang ito pinansin at umupo na lang ulit.
Awtomatiko akong napangiti ng pumalakpak rin ng mahina si Darwin. "Ang galing talaga ng frenny ko, walang halong kemikal, manang mana sakin." Napatawa naman ang ilang nakaririnig sa likuran namin.
Si Darwin ay ang nag iisang taong naging karamay ko noong tinalikuran ako ng lahat. Lagi niyang pinapagaan ang loob ko at pinapatawa rin ng madalas. Laking pasasalamat ko at nariyan siya.
Lunch break na namin at nandito kaming dalawa ngayon sa paboritong tambayan namin sa likod ng building namin. Mahangin kasi rito at hindi mainit dahil sa malalaking puno. Nakahiga ako sa damuhan habang nakatanaw sa maaliwalas na kalangitan. Si Darwin naman abala sa pagkalikot ng phone niya.
"Sileng, harap ka dito picturan kita." Narinig kong sabi nito ngunit hindi ako kumilos. Pakiramdam ko ay wala akong lakas ngayon at ayoko ng bumangon mula sa pagkakahiga.
"Sige na Sileng dali na. Maganda ka ngayong araw at hindi mo dapat palalagpasin ito. Minsanan lang ito." Natawa naman ako ngnunit ayoko talagang kumilos gusto kong manatili ng ganito."Pabayaan mo muna ako Dawing, pakiusap." Sabi ko ng hindi inaalis ang pagkakatingin sa kalangitan. Nararamdaman kong napaismid si Darwin dahil sa itinawag ko sa kaniya. Ayaw niya talaga ng palayaw ko sa kaniya ngunit wala siyang magagawa dahil siya ang nag umpisa nito. Hindi rin talaga ako natutuwa kapag tinatawag niya akong Sileng, nakakaimbyerna.
Ilang sandali pa ay may naririnig kaming mga tawanan. Papalakas ito at papalapit. Masyadong pamilyar sa sistema ko ang ingay na iyon ngunit nanatili ako sa puwesto ko. Ayokong bulabugin ako sa pagpapahinga kahit pa sila iyan, wala akong pakialam.
"Balik ulit tayo ngayong Sabado dun ah? Ang saya natin noon, eh." Matinis ang boses niyon, marahil siya si Alyssa.
"Oo nga! Tapos itutulak ulit namin si Lecandra dahil hindi siya marunong lumangoy." Tatawa-tawang sabi ng isang lalaki. Aaron.
"Balak niyo ba akong lunurin, ah? Grabe kayo." Lecandra.
"Basta ang hindi ko nalilimutan kapag napunta tayo doon ay ang paguubos ni Tania sa pagkain natin, tsk." Nagtawanan ulit sila pagkatapos sabihin iyon ni Ian.
"Huwag nalang kaya tayo dun? Out of place ako dun hindi rin ako marunong lumangoy." Cassie.
Nagtawanan ulit sila at nakakarindi iyon sa pandinig ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at nakikiramdam lang. Kabisado ko parin sila kahit boses lang ang naririnig ko. Masaya parin sila at masakit pa rin sa akin. Ni hindi man lang ako nabanggit sa anumang usapan nila.
YOU ARE READING
A Thought Of Future
RandomAng storyang ito ay random lang. Iba-ibang story kada entry pero kung nanaisin niyong sumulat uli ng karugtong ng isang entry ay pagbibigyan ko po kayo :>