Prologue

28 2 0
                                    

"Run! Lana Run!"

Sigaw niya sa'kin pero hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Nakatulala lang ako habang tuluy-tuloy na naglalandas ang mga luha ko.

"I-Im sorry t-this is all my f-fault"

Ulit ulit kong bulong sa aking sarili. Kasalanan ko ito! dinamay ko silang lahat. Bumalik lang ako sa realidad nang may humatak sa akin.

Nagpadala lang ako sakanya, nakikita ko na ang labasan dito sa mala-impyernong lugar na ito, sa wakas, pero hindi ko magawang maging masaya.

"W-We are almost there Lana!"

"N-No! this is wrong! K-Kailangan natin silang balikan"

Huminto sya sa pagtakbo, kaya napahinto na rin ako, she's staring at me blankly.

"Sa tingin mo ba may magagawa pa tayo? Remember this is all your fault! Ikaw! Ikaw ang may gawa nito sa'tin! sa-"

Lumandas ang palad ko sa mukha nya, na syang ikinagulat nya

"Yes! Kasalanan ko lahat ito! Pero pinagbabayaran ko na nga 'di ba!? Kung gusto mong umalis, umalis kana! Babalikan ko sila, kailangan nila ako! I'm not selfish as you are" siguro ay natauhan sya sa sinabi ko

"Well wala na akong pake sayo! Bahala ka! Mamamatay ka kasama nila"

Once is enough, hindi ko na uulitin pa ang mga mali ko noon. Tinulak nya ako, atsaka sya tumakbo palabas. Oh God, please help me, help us.

ESCAPEWhere stories live. Discover now