Game of Chance

316 9 4
                                    

Genres: Romance and Teen Fiction

© shyhaida

~•~


"May pag-asa ba, Jella?" Walang kakurap-kurap at seryosong-seryoso na tanong ni Elly sa akin.

Sa tuwing ipinapako niya ang tingin niya sa akin ay kaagad na kumakabog ang puso ko, hindi ako makapagsalita at natutulala na lang ako nang di oras.

Pakiramdam ko para bang nalunok ko ang dila ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya, hindi ko alam kung paano ko sisimulan, basta, hindi ko talaga alam. Para akong namemental block dahil sa sobrang kaba.

Nung hindi ako agad sumagot sa kanya ay bigla niyang sinabi ang mga salitang talagang tumakot sa akin. Pakiramdam ko katapusan na ng buhay ko.

"Kung gano'n ay walang pag-asa." Malungkot siyang tumungo sandali pero ibinalik din 'yung tingin sa akin. "Irerespeto ko kung ano man ang desisyon mo. Sige." Bakas ang lungkot sa mga mata niya. Pagkatapos ay bigla na lang niya akong nilampasan para umalis.

"Elly... s-sandali." Kinakabahan kong pagpigil sa kanya. Ayun, sa wakas nakapagsalita rin ako.

Lumingon siya sa 'kin at halata sa mga mata niya ang eagerness na marinig 'yung sunod na sasabihin ko.

Matagal ko nang pinapangarap ang pagkakataon na ito at hindi ko kayang palampasin nang gano'n-gano'n na lang ito.

"S-silence means yes." Bumuntong-hininga ako dahil sobrang lakas talaga ng tibok ng puso ko ngayon. "Yes... Y-yes ang sagot ko sa tanong mo." Bumuntong-hininga ako ulit dahil pakiramdam ko mahihimatay na ako anumang oras ngayon... dahil sa tuwa at kilig.

Biglang nagningning ang mga mata ni Elly pagkarinig nung sinabi ko. Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko na sa gwapo niyang ito, bakit niya ako nagustuhan, bakit ako pa?

"Ibig sabihin ba nito ay tayo na? Girlfriend na kita?" Nagagalak niyang tanong at hindi pa rin nawawala ang ningning sa mga mata niya.

Tumango ako at pinipilit kong itago ang saya at kilig na nararamdaman ko. Nagtatatalon nga ang puso ko sa sobrang tuwa eh. Ganito pala talaga 'pag naging kayo na ng taong gustong-gusto mo 'no? Para kang nakahiga sa ulap. Para kang nananaginip.

"Yes! YES!" Sigaw niya sa sobrang tuwa atsaka ako niyakap.

Sa araw na ito, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaboyfriend ako. Hindi ko alam kung ba't ko nasabi kaagad 'yung 'yes' na 'yun sa kanya. Ilang araw pa naman siyang nanliligaw sa akin pero sinagot ko na siya agad. Siguro dahil crush na crush at gustong-gusto ko na siya dati pa. Ganoon siguro 'yun. Sana ay hindi ako nagkamali sa 'yes' kong 'yon. At sana ay hindi ako saktan ng kauna-unahang boyfriend kong ito.

Alam kong sumugal ako sa isang bagay na hindi ako sigurado kung masasaktan ako o ano. Para akong tumalon nang nakapikit at hindi ko alam kung ano'ng babagsakan ko sa ibaba. Ganoon naman talaga ang pag-ibig, 'di ba? Walang kasiguraduhan. Basta-basta susugal ka lang.

~•~

Ngayon ay magkasama kami ni Elly, kaming dalawa lang dito sa rooftop ng isa sa mga building ng school. Normal naman siguro ito sa mga couples 'di ba, 'yung palaging silang dalawa lang 'yung magkasama. Wala kasi akong alam sa mga paganito- ganito eh. Ignorante talaga ako pagdating sa mga paboyfriend-boyfriend. NBSB nga ako noong isang araw eh pero ngayon, aba, boyfriend ko na ang lalaking ang tagal-tagal ko nang gusto! Sinong mag-aakala? Para lang talaga akong nananaginip, at kung sakaling panaginip nga ito, sana 'wag na akong magising.

Game Of Chance (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon