Ako si Axile Red Xyaline, you can call me Red for short. 15 years old ako mga readers! Porket sa nagdidisguise ako ay hindi rin naman talaga ako mawawalan ng mga kaibigan na nakakaalam ang tungkol sa totoong ako.
Ang mga pinagkakatiwalaan kong tao lamang ay:
Sila Mama Bear at Papa Dear. Endearment ang tawag ko sakanila..
Syempre si Ate Ytterium Quenn Xyaline at si Kuya Axeil Krystopher Xyaline. Tawag ko kay ate ay Ate Y at si kuya naman ay Kuya Axe.Si Dreaming Buzz. Hindi, joke lang.. Si Ideal Kreyn Dream. Siya ang 3rd year na Student Disciplinary President.
Yesss... Tama ang pagkakabasa ninyo, Student Disciplinary President siya, habang ako'y Student Disciplinary Vice-President.
Sobrang dami kong haters. Hahahahaha. Taba-taba ko daw, at hindi makakilos ng maayos dahil sobrang bigat ng mga dinadala ko. Makapagsalita ay akala'y wala silang taba. Kapal ng muks. Hahaha
Sa dati kong school ay nabunyag ang tunay na ako. Isang babaeng Gangster ang nakabangga ko nun at sa isang pikit lang ay, BOOM. Lumuhod sila sa harapan ko dahil sa mala anghel na mukha ko. Naasar na rin ako kasi araw-araw ay kinukulit nila ako na maging leader ng grupo nila. Nakalaban ko na rin yung leader ng gang nila, nahulog disguise ko at nalaman, kaya ganun. Lumipat ako ng school kasi ayokong maging center of attention. Mas gugustuhin ko pang mawala na parang bula.
Hindi ko kayang mamuhay na walang selfie. Yes.. Hindi ako mawawalan ng picture sa iPad ko.
Punong-puno ng selfie yung iPad ko. Halos full na siya at kailangang magdelete ng application o kaya picture. Well, dahil rich kid naman ako. Bumili ako ng bagong iPad. Hahaha, joke. May kaya lang kami, or malaki nga bahay namin pero hindi sobrang hirap at sobrang yaman. Katamtaman lang. Joke lang, mayaman talaga kami pero kahit keylan hindi ako umaasa sa mga magulang ko..
Spoiled ako, salamat sa aking kuya at ate. Ang mga magulang ko ay nagtatrabaho sa show business. Sila yung mga tiga hugas ng pinggan at tiga laba ng mga damit.
Hehehe, syempre joke ulit. Isa silang sikat na artista. Si Mama Bear ay isang magaling na actress, habang si Papa Dear naman ay isa sa mga nagmamayari ng Xyaline Production. Masyado silang busy sa work nila kaya naiiwan kaming tatlo sa bahay lamang. Gusto mag apartment ni Kuya Axe kaya dalawa lang kami ni ate ang nasa bahay. Syempre kinupit namin ni Ate Y yung dalawang duplicate na susi sa apartment ni Kuya Axe.
Gusto rin naming pumuslit doon sa kwarto ni Kuya. Alam naman ni Kuya Axe ang mga pinaggagawa namin, at syempre pumayag naman siya. Basta wag lang daw sila Mama at Papa? Ewan ko dun.
Basta yun. Tuwing may group project kami, ang lagi kong kagrupo ay yung mga kaibigan ko.Hindi sila plastic, kahon lahat sila.
Sila:
Joshua Alfred Dozen, ang aking napakatahimik na kaibigan. Pero pag nasa mood, todo ang ingay niya.Jelly Wilson Kreilly, ang kaibigan kong patay na patay kay Joshua.
Christian Mark Bewelrime, ang aking mayabang na kaibigan. In relationship kay Krystal.
Krystal Trono Klenth, ang aking pessimist na kaibigan. In relationship kay Christian.
Silang apat ang aking tropapits.
Pinagtatanggol nila ako sa mga nang-bubully saakin. Iniisip ko rin na paano kaya kung nalaman nila yung sikreto ko.. Edi parang iisipin nila na pinaglalaruan ko lang sila. Kaya naman ay sinabi ko na sakanila. At mga siyam na tao na ang nakakaala ng sikreto ko.
Buti na lang hindi sila nainis saakin. Ang c-corny pa nga nung mga binalaan nila sa mga bullies. Kasi bully rin sila. Your trip, my trip.May crush ako. Kung wala akong crush edi abnormal na ako niyan?
Siya si John Michael Javier. Isa siyang basketball player. Ang paborito niyang salita ay,
"Ball is Life." Kaso, mahilig siya sa mga sexy, at hot na hot na chicks.. Hindi yung sisiw. Yung mga babae dyan. Crush lang naman, kaya wala akong ie-emote.Kung tutuusin, walang tumatanggap sakanya. Lahat ng babae sa classroom namin ay ayaw sakanya. Hindi lang dahil sa mahilig siya sa mga sexy kundi pati na rin ay pabaya siya sa sarili. Hindi niya nililinisan yung tenga niya, hindi nagsisipilyo ng ngipin, madaming dandruff na lumalaglag sa balikat niya. Yung mga may gusto sakanya ay hindi tumatagal ng mga 1 month.
Keylan ko pa siya nagustuhan? Hmmpfff! Simula January pa! Well.. 9 months na akong may gusto sakanya. Umaasa nalang ako...
Wait... Noooooooo! Walang umaasa na parte sakin. Dahil hindi rin naman niya ako tatanggapin.. Well, sad story kasi ang panget at mataba (disguise) ako!
Anong saysay na magiging kami. Malay mo, magsawa siya sakin at pumunta siya dun sa malawak na kalibugan. Alam mo naman iyon, libog na libog.Ito ang storya ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
A Fat Disguise
RomanceAko si Axile Red Xyaline, 15 years old na dalaga. Ako ang anak ng may-ari ng Xyaline Production at anak ng magandang sikat na actress. Ang pangalan ni Papa Dear ay, Syril Leon Xyaline at si Mama Bear naman ay, Leonnel Zen Xyaline. Kaya naman ako nag...