Hindi ko pa rin talaga lubos maisip na magiging kami nga talaga. Parang noon wala lang. Pero ngayon, iba na. Hindi na yung siya lang. Katuwang na niya ako sa lahat ng bagay, na tugon sa pangako namin na hindi kami maghihiwalay. Pero... Andito nga ako, andoon naman siya. Katulad ng pader ang pagitan, itong maliit na computer screen lamang ang nag- uugnay sa aming dalawa, sa aming pagmamahalan. Puso nga nami’y iisa, hindi nga kami magkasama. Pero... Kinakaya.
Ako nga pala si Karyl Madrigal, 19 na taong gulang. Heto ako, nakaupo lang sa harap ng computer. Naghihintay na bumerde andg buton sa tapat ng pangalan ni Marco Santos. Apat na taon na ang relasyon namin. Pero noong ika- 3 taon namin, pumunta siya ng Amerika at doon nag- aral.Nalagpasan nga namin ang isang taong hindi magkasama, pero sobrang miss ko na siya.
“Marco Santos is now Online.”
Inayos ko ang aking pagkakaupo, kinlick ang pangalan niya at saktong nagchat naman siya.
Marco: Hi bi!
Me: Hello bi, miss na kita. Kelan Ka ba uuwi?
Marco: Nako bi, alam mo namang ‘di ko sigurado ‘yan.
Pero bhe, miss na miss na kita.
Me: Hay anako, kung pwede ko lang mapasok ang sarili ko sa monitor na ‘to para yakapin ka! We’re stuck with this thing here.
Marco: Bi, relax. Haha, magkikita din tayo.
May paraan.
Me: Okay, sabi mo eh. I love you, bi.
Marco: I love you too, baby. Goodnight :*
Me: Goodnight din bi.
Hinalikan niya yung monitor. Tss... kung bakit humarang pa ‘yan! Pero hindi parin maalis ang ngiti sa labi ko... ng may luhang pumatak. Miss na miss ko na talaga siya.
Hay Karyl, itulog mo nalang ‘yan.
Ngayong umaga, paggising ko...
Marco: Good Morning sunshine. Ingat sa school. I love you!
Me: Thanks bi. Love you, too
Pagkatapos ng klase, inabangan ko ang muli niyang pag- Online. Habang inaantay ko siya, pinatugtog ko ang paborito naming kanta...
“Ikaw na ang may sabi na akoy mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo’y ‘di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo
Puso’y laging nasasaktan pag may kasama kang iba
‘Di ba nila alam tayo’y nagsumpaan
Na ako’y sa iyo at ika’y akin lamang.Kahit anong mangyari ang pag-ibig ko’y sa ‘yo pa rin
At kahit ano pa ang sabihin nila’y ikaw pa rin ang mahal
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako’y nasa langit na
At kung ‘di ka makita makikiusap ka’y Bathala
Na ika’y hanapin at sabihin, Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan
Na ako’y sa iyo at ika’y akin lamang.”Hindi ko napigilang hindi umiyak. Naaalala ko na naman siya. Kung bakit ko pa kasi pinatugtog. Utak kasi Karyl, tsk... Pinlay mo ba naman ‘yung themsong niyo.
Pagkatos ng kanta, na umulit na ng tatlong bese, hindi parin siya nag- Online. Hanggang pagkalipas ng dalawang oras...
3 araw...
4 na linggo...
1 bwan...
Wala pa rin. Madaming bagay ang gumulo sa aking isp. Bakit hindi na niya minemessage? Bakit hindi na siya tumatawag? Hindi na siya ngapaparamdam. Hindi na niya ba ako mahal? May nahanap ba siyang blonde doon mas maganda sa akin? May nangyari ba sa kaniyang masma? Oh Dios ko! Wag nama po sana. San wala doon sa lahat ng nabanggit ang nangyari.
2 bwan...
Hindi pa rin siya nagparamdam. Nakita kong kumulay berde ‘yung buton, pero kapag imemessage ko na siya, nwalala nalang. Ano ba Marco, pinaglalaruan mo ba ako? Please, maawa ka. ‘Wag kang ganyan.
Nang maalala ko... Sa susunod na linggo na pala ang fourth anniversary namin! Mangiyak- ngiyak ako habang iniisip ko ‘yon.
Dumating na ang araw na ‘yon. Sabi ko sa sarili ko na hindi ko na bubukas ang account ko. Pero may tumulak sa akin na gawin ito.
“Marco Santos is now Online”
Marco: Bi, Happy Anniversary! Nalagpasan natin, I LOVE YOU!
Me: Bi, Happy Anniversary din! I LOVE YOU AND MISS YOU! Bakit hindi ka nag-o-online? Miss na miss na miss na talaga kita!
Marco: Busy lang talaga Bi. Sige, out muna ako. Bye, loveyou.
“Marco Santos is now Offline.”
Ang saya ko nung makita kong minessage na niya ako matapos ng napakahabang panahon.. Hindi siya nakalimot. Naalala niya! Kaya lang mukhang nagmamadali siya. Hay, ano ba yan. Baka nga busy lang talaga siya. Atleast masaya kami at okey na kami.
Tatayo na sana ako upang matulog, nang may bumulong sa likuran ko, “Happy Anniversary ulit, Bi. Andito na ako, hindi na kita iiwan. I love you.”
Si Marco! Humarap ako at niyakap ko siya ng napakahigpit na ayaw ko na siyang bitawan. Sobrang saya ko na talaga at nandito na siya at kapiling ko na.
“Bi, pasensya na kung hindi ko ‘to ipinaalam sa’yo. Gusto ko kasi surprise. Saka hindi ako makareply sa’yo kasi busy talaga ako sa school at sa pagprocess ng papers ko pauwi dito. Kasi nga dito na ‘ko mag- aaral. Hindi na kita iiwan, diba?” Paliwanag ni Marco.
“Bi, salamat sa pagexplain. Pero hindi na kailangan kasi nandito kana. Buo naman ang tiwala ko sa’yo eh. Hindi na talaga tayo maghihiwalay. Nasira na natin ang harang sa pagitan nating dalawa,” sagot ko.
“Mahal kita Karyl Madrigal. Hindi na kita iiwan pa.”
“Mahal din kita Marco Santos. Ikaw lang at ikaw lang talaga.”
WAKAS