Ang crush ay sinasabing paghanga lamang. Pero sa panahon ngayon, hindi na ako naniniwala doon. Ngayon ang pagkakaintindi natin sa crush ay pagkakaroon ng kagustuhan sa isang lalaki/babae. Automatic na ‘yun, tanungin lang sa’yo kung sino ang crush mo, kikiligin ka, ayaw mong sabihin at sa huli sasabihin mo, “huwag kang maingay na crush ko ‘yun ah?” Ang dating puppy love, crush na sa kapanahunan ngayon. Sinasabi din na kapag wala kang crush, ‘di ka tao, abnormal ka. Mga tao nga naman ngayon, grabe ha. Pero may point din naman kasi, lahat ng tao ay may nagugustuhan na lalaki/babae, sure ako duon. Sabihin man nilang wala, meron ‘yan sa kaloob-looban nila. Tampalin ko pa mga mukha nila e. Ikaw? ‘Di ba meron kang crush? Imposibleng wala. Uyyyyy :”>
Nakalimutan ko tuloy magpakilala. Ako pala si Mark Allen Carlos O. Yeah ngunit mas nasanay sila na tawagin ako sa pangalan na Macoy. Sa kasalukuyang panahon, ako ay isang mag-aaral sa Kolehiyo ng Ating Babae ng Awa at nasa ika-apat na taon na sa High School. Isang taon nalang gagraduate na ako. Syempre bawat araw ay hindi ko pinapalampas sa mga kaklase ko. Mabilis ngang talaga ang panahon, magugulat ka nalang na Pasko na, Prom na, Graduation na. Kung kaya ko lang i-pause ang oras ngayon, matagal ko nang ginawa. Gagawin ko ‘yun hanggang sa magsawa kami sa isa’t-isa. Walang tigil na harutan, kwentuhan at patayan pero syempre joke lang ‘yun kasi hindi namin ginagawa ‘yun.
Ngayong taon lang ako may napansin na naabubuong pagtingin sa aking kaklase. Siya si Clara. Isang dalagang may katamtaman ang tangkad, may mahabang buhok, may magandang mga mata at kilala ng karamihan. Kakaiba ito. Noon ay hindi kami ganoong close. ‘Yung parang magkaklase lang na normal, nag-uusap tungkol sa school works at wala nang iba. Nagkaroon pa nga kami ng matinding isuue na kagagawan ko last year pero ‘wag mo nang alamin ‘yun. Wala namang koneksyon ‘yun sa kwento ko ngayon. Umpisa ng unang buwang klase namin ng 4th year ay nagkaroon ng pagbabago, mga problema niya e ako ang sinasabihan maging ang mga malalalim na sikreto niya eh nalalaman ko. Tutal ganyan na rin naman, ako rin naging open sa kanya, give and take kami. Lagi rin kaming nagkakatext, araw-araw, gabi-gabi, may pasok man o wala, umaraw man o hindi. Maging pagdating sa school, walang sawa na kami ang nag-uusap ngunit hindi lagi magkasama, masyadong makikitid ang mga guro namin eh. Sumasakay lang ako sa kanya dati, sa mga text niya ganun.
Sa tingin ko ng mga panahon na ngayon e nahulog na kami ayaw lang magsi-amin sa isa’t-isa. Parang isang bata na may sakit ngunit ayaw sabihin sa kanyang mga magulang. Napapansin ko na, sa mga pagtetext palang namin. May UUMMPH. May something. Kakaiba eh. Saka madalas kaming dalawa na magtampo sa isa’t-isa, humihingi ng lambing, eto isa sa mga conversation namin:
M: Kumain ka na ba?
C: Dp.
M: Ang iksi magtext ah?
C: Naway mko e. Iniwan mo ko, di mo ko hinatid.
M: Aya, sorry na woh. Please? *puppy dog eyes*
C: Osige na nga, lab naman kita eh =))))))))
Dito palang nakaamoy na ako. Pero nuon talaga sinasakyan ko lang ang LAHAT-LAHAT hanggang sa maging katotohanan ang lahat ng mga nararamdaman ko sa kanya. Kaya simula noon, Masaya kami sa tuwing kasama namin ang bawat isa, free na free kami. Walang pumipigil.
Nakwento niya sa akin noon na may bago na siyang crush, ayaw niyang sabihin sa akin. Nakakapagtaka. Naintriga ako ng bongga. Kinukulit ko, tinatanong ko kung bakit, sagot lang niya e hihintayin nya ‘yung lalaki na siya unang magsabi. Edi sumasakay ako, sinasabi ko na “sasabihin din nya ‘yon sa’yo, ‘di naman torpe ‘yun.” Hahahaha. Which lead us to one day, luwas kami papuntang UST pero kasama si Bree and her mom. Nagtampo pa sa akin, akala niya kasi kaming dalawa lang ang magkasama (babawi ako sa kanya). Madami akong napapansin, I’ll put it in bullet form
