Chapter 1

126 2 0
                                    

Chapter 1

"Lets break up!" yan ang katagang tanging narinig ko sa kanya. Wala akong ibang masabi sa pagkatulala ko nakatingin lang ako sa kanya na para bang lahat ng sinabi niya ay biro lamang. Nandito kami sa isang coffeshop nakipag kita siya para lang sabihin ito akala ko pa naman may maganda siyang sasabihin pero ito pala ang gusto niyang mangyari ang magkahiwalay kami.

"Pero akala ko ba mahal mo ako? Bakit ka makikipaghiwalay sa akin wala naman tayong problema hindi ba? Nagkakaunawaan naman tayo diba?"

Mangiyak-ngiyak kong sabi pinipigilan ko lang ang paglabas ng luha ko. Ayaw kung maging mahina sa harapan nya baka kasi pag umiyak ako mas lalo lang niya akong hihindian. Baka masabi niyang napakahina kung tao.

" Hindi! Ang totoo ako ang may problema. At alam mo kung ano ang problema ko? Ikaw! Sawang-sawa na ako sa relasyong ito nakakapagod, nakasawa ka ng kasama.!" matigas nitong sabi. Sa sinabi niyang iyon ay kusang tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Ng nakita niya akong umiyak ay bigla nalang siyang umiwas ng tingin. Alam kong ito ang kahinaan nya.

"Wag mo nga akong iyakan hindi ako maaawa sa arte mo." Mahina nitong sabi.



"B-bakit b-ba?" Tanging salitang lumabas sa bibig ko. Napahikbi nalang ako ng palihim. Gusto kong itanong kung anong dahilan nya.

Gusto kong itanong kung nagbibiro lang ba sya kung goodtime lang niya ito, pero hindi ko nakikita sa kanya na nagbibiro lang siya kasi alam kung seryoso siya sa mga sinasabi nya.Pero hindi parin ako naniniwala baka maya-maya lang may lumabas sa likod niya na mga barkada nya at sabihing surprise its a joke pero lumipas ang ilang minuto wala eh. Bigla nalang siyang tumayo.



"Saan ka pupunta? Rey sandali lang please." Pinigilan ko sya. Hinawakan ko siya sa braso pero iwinaksi niya ito kaya napaatras ako ng bahagya.



"Wag mo akong hahawakan. Celine lets end this stupid relationship!" Tanging sagot nya.



Napaiyak nalang ako ng tuluyan. Bakit mo ako ginaganito Reymon? Hindi mo ba alam sa mga ginagawa mung ito nasasaktan ako? O kaya okey lang talaga sayo na nasasaktan ako ng tuluyan.



Atleast 5 years na itong relasyon natin pero i thought you we're never give up but ano ito? Hindi mo tinupad lahat ng pangako mo. Hindi ko namalayang nanghina ang tuhod ko napaupo ulit ako sa upuan, napaiyak nalang ako ng tuluyan.

Umalis na sya ng tuluyan iniwan na niya ako. Kaya pala nitong nakaraang araw napaka lamig mo na saakin. Wala nayong dating Reymon na nakilala ko. Napatakit nalang ang dalawang palad ko sa mukha ko. Ano na ang gagawin ko? Paano ko sisimulan ang araw ko kung nakasanayan kong nandito ka sa tabi ko?

Naalala ko na naman yung mga katagang huling binigkas mo. 'Celine Let's end this stupid relationship' so stupid lang pala ang relasyon na ito saiyo Reymon? Tsk all this time pala yan lang pala ang tingin mo sa relasyong ito? Reymon i thought you we're contented pero hindi eh. Gusto kung saktan ka, sampalin ka dahil sa mga ginagawa mo pero hindi ko magawa kasi wala ka na eh! Paano na ako nito? Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko magawang magalit sayo.



**

Sa mga sumunod na araw parang wala na talaga ako sa sarili ko. Mugto ang mga mata, sabug ang mukha. Hindi ko na alam kong ako pa ba ito. Malapit na naman ang pasukan hindi ko alam kong ipagpapatuloy ko pa ba ang pag-aaral ko.

*ding-dong*

Tinitigan ko lang ang pinto ng condo ko. Hindi yan si Reymon kung siya yan alam kung papasok lang siya agad alam niya ang code number nito.

*ding-dong*

Sa ikalawang tunog ay tumayo na ako, wala sa sariling naglakad patungo sa pinto pagbukas ko bumungad kaagad ang nakasalubong na kilay ni Janine. Tiningnan ko lang sya, hindi ko siya pinansin at bumalik kaagad sa upuan. Nakatutok sa tv pero wala namang naiintindihan.

"Celine , magbihis ka magpapa enroll tayo." wika nito. Hindi parin ako gumagalaw wala akong lakas na tumayo.

"Ano ba Celine tama na please! Ilang araw ka ng nagmumukmuk dito hindi ka pa ba nagsasawa? Tingnan mo ang sarili mo parang wala kang kain. Ang payat-payat mo." Tiningnan ko lang siya. Alam nya kung ano ang nangyari saamin.

Oo kaibigan ko sya pero hindi niya alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko. Umiling ako at tumulo na naman ang luha ko. Akala wala na akong luhang mailabas eh meron pa pala. Narinig kung napabuntong hininga nalang siya at umupo sa tabi ko.

"Look Celine I know that you've suffered hard but face the reality that You and Reymon are done kaya please lang fixed yourself." Bumuntong hininga ulit sya bago nagpatuloy.



" Okey kung gusto mo talagang magkabalikan kayo mag-ayos ka. Sa tingin mo ba sa ginagawa mo nayan babalikan ka niya? Diba hindi? Kaya ayos-ayusin mo sarili mo Celine. Alam mo kasi minsan kahit na masakit ay dapat tanggapin natin kong hindi naman talaga sila para sa atin. Celine sa buhay ngayon hindi na uso nagpapakamanhin dapat maging praktikal kana kaya please lang wag kanang magpakatanga na alam naman nating lahat na wala na talaga yang magagawa." Sa sinabi niyang iyon napagtanto kung tama sya hindi dapat ako magmomukmuk dito. Tumayo ako at naglakad patungong kwarto.



" 30 minutes, hintayin mo ako." Naligo na ako at nagbihis. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin nangangayat na talaga ako parang hindi pinapakain. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ako sa kwarto. Tiningnan lang ako ni Janine mula ulo hanggang paa at nakakunot agad ang kanyang noo.

"Whattah? Yan lang ang suot mo? naman ohh!" alanganin akong tumango. Napabuntong hininga nalang siya bago lumapit sa akin. Kinaladkad niya ako pa balik ng kwarto.

"Janine ano ba! Akala ko ba magpapa enroll tayo?"

"Oo nga kaya magbihis ka ng matino." Anong matinong pinagsasabi nito?

"Matino naman ito ahh! Problema mo?" aniya ko.

"Naka jeans ka lang at White shirt sa tingin mo okey lang yan? Kung gusto mo talagang magkabalikan kayo ng gagong Reymon na yon. Mag ayos-ayos ka naman para mapansin ka. Hay nako!" naghahalungkat lang siya sa closet ko itatapon kung hindi gusto. Wow hah siya lang naman kasi ang nagliligpit kaya masipag mag kalat (talk about sarcastic). Ng makapili na sya ay ibinigay na kaagad niya saakin.

"Yan suotin mo bilis." demanding nitong sabi. Tiningnan ko ang dress na ibinigay niya. Ito ang dress na iniregalo ni Reymon sa akin 'nong 19 birthday ko. Hindi ko pa ito na susuot, kulay red ito napaka elegant tingnan. Napangiti ako ng mapakla ng maalala ko ang tangpong iyon.

Isinuot ko na kaagad ito at inayos ng mabuti. Pagkatapos ay humarap ako kay Janine syempre sa cr ako nag bihis ahh. Napaka lawak ng ngiti ni Janine ng makita ako.

"Ang elegant mong tingnan Celine, ang ganda-ganda mo. Halika make-upan kita."Complement nito. Hinila niya ako at pina upo sa tapat ng salamin. Inayosan nya agad ako, nalagyan ng light make-up, pinacurl ang dulo ng buhok ko. Pagkatapos ay tiningnan nya ulit ako at ngumiti ng nakakaluka. Humarap ako sa salamin tinitigan kong mabuti ang repleksyon ko dito. Ang ganda ko parang hindi na ako yong iyakin at mahinang Celine. Hindi ko namalayang may maliit na ngiting gumuhit sa aking labi.

"Ayon ohh sa wakas ngumiti ka narin. Halika na at lumisan na tayo at baka mahuli pa tayo sa ating lalakarin." wika nito. Napatawa nalang ako sa kanyang napakalalim na tagalog. Nagsuot na agad ako ng 3inches na sandal at dinampot ang purse ko sumunod na kay Janine na excited pa sa isang bata kung maglakad.

This is it, the new beginning in our another year in College life but this is our last year in College. Yeah I am 4rth year college now taking BS Bussiness Add. same with Janine.

I walked with confidenced in my face kaya ko 'to ako kaya ito si Celine Rodriguez hindi nagpapa-apekto ng kahit ng ano ang Rodriguez pero ewan nalang sa Lovelife.

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon