Chapter 6

38 2 1
                                    

Chapter 6

Sa mga sumunod na araw ay wala rin naman masyadong nangyari. Ilang araw  narin ang lumipas pagkatapos ng party na iyon at sa mga araw nayon ay minsan nakakasama ko si Jeff ang saya nyang kasama. Ang kulit-kulit pero minsan na din ay napapansin ko marami ang humahanga sa kanya dito sa school.

Ngayon ay nakaupo lang ako sa isang benches dito sa garden ng civil building, tahimik na nagbabasa ng isang novel habang hinihintay si Janine na bumili na naman ng pagkain. Palagi kaming tumatambay dito, hinihintay si Jeff  na matapos ang kanyang klase. I leaned my back on the bench and stretch my arm. Haaay! Napabuga nalang ako ng hangin sa kakahintay.

"Celin!" napalingon ako sa tumawag pero wala naman akong na kitang kakilala ko sa mga estudyanting naglalakad. Binaliwala ko nalang iyon baka iba lang siguro na Celin ang tinawag.

"Hey, Celin."sabi ng boses napapalapit sa akin. Tiningnan ko ang tao na papalapit sa akin na napakalawak ng ngiti. Tinitigan ko siya, parang familiar siya sa akin ah? Saan ko nga siya nakita?

"Hey, remember me?"tanong nito sa akin at lumapit na ng tuloyan, doon ko lang din napagtanto na siya lang pala yon. Hindi ko siya nakilala kasi ibang hairstyle niya ngayon at nakauniporme pa. Mas lalo tuloy siyang ka hanga-hanga. Dito pala siya nag-aaral? Wow ang galing naman ah! Nakangiti siya at umupo sa tabi ko.

"Oh-h ikaw pala ...

...Reid." wika ko.

"Buti naman at naalala mo pa ako. Akala ko kasi nakalimutan mo na ako. Nakakunot noo ka kasing tiningnan ako na ware ay tila hindi ako kilala." sambit nito. Ito na naman siya sa mga matatalinhaga niyang salita.

"Haha sorry. Hindi kasi kita masyadong nakita eh." maslalo kang pomugi.

"Ah ganun ba? Ikaw nga hindi kita nakilala nung una akala ko kamukha mo lang pero nung lumapit ako napagtanto kong ikaw pala talaga. Hindi ko kasi aakalain na nandito ka."hindi makapaniwalang sambit nito. Nagtataka naman ako dito.

"I mean, Civil kasi dito at hindi ako makapaniwalang you took that course." napalaki ang mata ko sa inakala niya. Naman yun ba ang iniisip niya?.

"Huh?Hindi nagkakamali ka Im not takeng that course hindi ko kaya yun noh! tsaka isa pa may hinihintay ako kaya ako nandito. Bakit ba bawal bang tumambay dito?"i said. Tumango lang siya nun. 

"Oh sorry akala ko kasi. Sino pala ang hinihintay mo dito?"

"Bilisan mo nga! Alam mo namang naghihintay si Celin eh at ikaw ang bagal-bagal mo!" Umangat ang ulo ko at natanaw sina Jan na kinaladkad si Jeff sa kinaruruonan namin ngayon. Ang lakas talaga ng boses ng babaeng ito pati dito, rinig na rinig na namin kahit malayo pa. Napatingin din si Reid sa paparating at napa ahh-- nalang siya ng napagtantong sila pala ang hinihintay ko. Bigla nalang siyang tumayo at humarap sa akin.

"Celin, mauna na pala ako ah? May klase pa kasi ako eh." pagpapaalam nito. Napatingin naman ako sa kanya na parang hindi ito mapakali. Sumulyap siya kina Jan non at sakto naman na nakalapit na sila sa amin.

"Oh! Hi Reid nandito ka pala." masayang sambit nito. Napakalaki naman ng ngiti ng isang ito. Kulang nalang eh mapupunitna sa kakangiti.

 "Oo eh! pero papaalis na din ako may klase pa kasi ako."sagot nito.

"Cel nextime nalang ulit. Jan, dude ge una na ako." sumagot naman ng sure si Jan pero si Jeff tumango lang. Parang walang pinapakitang emosyon. Ano kaya ang nangyari dito at ganyan ang mukha niya ngayon?

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon