Gisingin ang Puso

1K 38 7
                                    

Gisingin ang Puso

“Ala-ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa aking puso
Pipiliti ko, limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito
Sana'y Gisingin ang aking puso”

        Heto nanaman ako… Bumabalik sa nakaraan. Kung saan tayo ay laging magkasama, Magkahawak ang mga kamay at tumatawa. Masayang nagkekwentuhan.

            Naaalala mo pa ba? Siguro, hindi na. Kasi simula nang magkahiwalay tayo parang hindi mo na ako kilala.

-----

 

“Bes, andiyan na siya.” Bulong sakin ni Yanna, ang best friend ko. Tinignan ko yung direksyon na tinuturo niya,

        Tama siya, at mukhang magkakasalubong pa kami. Parang huminto yung oras. Siya lang yung nakikita ko pero hindi ko alam kung ako lang ba ang nakikita niya. Sino ba naman ako diba? Isang estranghera na lang sa paningin niya.

“Alexa, okay ka lang ba?” Nabalik lang ako sa katinuan nang tanungin ako ni Yanna. Tumango ako sa kanya.

“Ano? Ah… Oo naman…” Sinungaling. Ni hindi ko nga alam kung kailan ko huling sinabi na okay talaga ako. Hindi ko nga alam kung masaya ba ako.

        Sumulyap ako sa likod at nakita ko siyang naglalakad na papalayo…. Papalayo sa akin.

 ----

           Masaya kaming nagkekwentuhan ng mga kaibigan ko. Kumakain kami dahil tapos na ang klase.

        Tawa ako ng tawa dahil sa sinabing joke ng isa kong kaibigan. Naramdaman ako ang pagsiko sa akin ni Yanna kaya napatingin ako sa kanya. May tinitignan siya kaya tinignan ko rin iyong tinitignan niya.

        Nawala ang mga ngiti sa labi ko. Si Chase iyon kasama ang bago niya atang nililigawan. Hindi ko alam dahil hindi rin naman ako nakikibalita sa kanya.

        Pinaghila niya ng upuan iyong babae. Nagpasalamat iyong babae at umupo naman siya sa tabi nito.

            Ganyan rin kami dati…

            

                Umuwi ako ng bahay. Hindi ko alam pero parang pagod na pagod ako.  Humiga ako sa kama ko at pumikit. 

"I love you, alam mo naman yun diba?" Masayang sabi niya. Tumango ako at niyakap siya.

"Hindi naman kita iiwan, eh. Pangako yun." Dagdag niya. 

                

        Dapat pala hindi ako naniwala sa mga sinabi niya dati. Na sana hindi ko na lang pinaniwalaan iyong mga pangako niya sa akin. Pero umasa kasi ako. Umasa ako na tutuparin niya lahat ng sinabi niya. Totoo nga yung sinasabi nila na, promises are meant to be broken.

        Kung sana kasi wala na lang mga taong nangangako. Kasi hindi nila alam yung feeling na umasa doon sa mga pangako na binitawan nila. Pero yung mga pangako na yun, mababali lang rin pala. Masakit kasi eh. Masakit, sobra. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon