Azzicza's POV
"WAAAAHHH!!" nagising ako sa masamang panaginip. Salamat na lang sa alarm clock ko at tumunog na ito.
Sa panaginip ko kasi may mamamatay daw na mahalaga sakin. Eh ang mahalaga lang naman sakin ay ang mama emerald ko at lola emily ko. Sila lang naman kasi yung kilala ko sa pamilya namin. Kahit pinsan nga eh wala akong kilala. Siya nga pala ang pangalan ko ay Azzicza Mylee Wrightson 16 years old. Pasensyahan nyo na at medyo madaldal ako. Medyo medyo lang naman. ^_^
Naalala ko sabado pala ngayon at malapit na ang pasukan namin sa lunes na. Nagtataka siguro kayo kung bakit may alarm clock ako eh sabado naman. Well ako rin nagtataka. Charoot. Nilagay kasi yan ni mama para masanay na raw akong gumising nh maaga. Hindi naman kami mahirap at hindi rin kami sobrang yaman. Kumbaga sakto lang.
Tumayo na ko sa kama ko at kinuha yung cellphone ko tinignan ko muna yung fb ko kung may mga notifications or whatsoever dun.
"woah 100 friend request, 151notifications at 103 messages" nasabi ko na lang dahil kakaopen ko lang ito kagabi. Well hindi naman sa nagmamayabang pero sabi ni mama maganda raw ako dahil may lahi kaming italian. Half half ako kumbaga. Half italian at half american. Sabi pa ni mama ay may curve na yung katawan ko kahit na 16 palang ako. Yun din yung mga sinasabi ng mga classmate ko last school year.
Itinabi ko muna yung cellphone ko at pumunta sa cr. Ginawa ko na yung morning rituals ko. Pagkatapos nun ay bumaba na ko at pumunta sa sala. Nakita ko dun si lola na nagbabasa ng hindi ko alam na libro. Matagal ko na yung nakikita kaso hindi ako nagtatanong dahil hindi naman ako masyadong mahilig sa mga libro. Pag tinitignan ko yun nababasa ko naman ang nakalagay dun. Yung title ng book na yun ay "Unbreakable Curse". Hindi ko na lang pinansin kasi libro lang naman yun. Libro na pag binabasa ko eh nagbabago - bago yung nababasa ko. Ewan ko ba dun sa libro na yun gulo nya.
Lumapit ako kay lola at tumabi sa kanya.
"La, tinitignan mo na naman yan" sabi ko sa kanya
"Apo ikaw pala. Tignan mo oh may nakasulat na naman" sabi nya sakin kaya tinignan ko yung libro.
"The curse has already choosen a person to be cursed" basa ko sa nakasulat sa libro. Nagulat si lola dahil sa binasa ko. Samantalang nagtataka naman ako kung ano ang ibig sabihin nun.
*end of chapter 1*
Azzicza(azisha po ang basa dito)
I hope you love it!
I'm just a beginner author hope you respect me as I respect all of you.
BINABASA MO ANG
UBREAKABLE CURSE
Mystery / ThrillerIsang mundong punong puno ng kapangyarihan at isang mundong tinatawag na mundo ng mga tao pano kaya kung ang isang babae ay mapunta sa mundo na punong puno ng kapangyarihan?