Hagbong

2 0 0
                                    

.

May tatlong mahahalagang bagay na nag papaikot ng buhay ng isang tao at siyang nagtataglay ng iba't ibang aral na pwede nating matutunan sa buhay. Ang mga bagay na ito ay nagsisilbing sandata natin upang labanan ang anumang pagsubok na ating haharapin sa ating buhay.  Ang tatlong bagay na ito ay nagbibigay ng kulay sa ating pangaraw-araw na buhay ng bawat tao sa kadahilanang dito umiikot ang buhay ng isang tao. Dapat nating pahalagahan ang mga bagay na ito dahil kung wala ang mga ito ay wala rin tayo. Pamilya, pag-ibig, sarili - Ito ang mga bagay na pinakamahalaga sa buhay ng isang tao at karapatdapat nating pahalagahan ang mga ito dahil hindi ito pwedeng mawala sa atin

Lahat tayo ay may pinanggalingan at ang pinanggalingan natin ay ang siyang humubog sa atin sa kung ano man tayo ngayon. Isa ang pamilya sa pinakamahalaga sa buhay ng isang tao sa kadahilanang kahit talikuran ka ng buong mundo, ang mananatiling kaakibat mo sa mundong ito ay ang iyong pamilya. Ang pamilya  ay ang nagsisilbing inspirasyon ng bawat tao upang kumayod at magsumikap araw-araw para mabigyan ang ating pamilya ng maaliwalas na kinabukasan. Ang pagiging pamilya ay nananalaytay sa dugo ng isa't isa at hindi kailanman maiaalis sa isang tao ang pagiging parte ng isang pamilya. Mahalin dapat natin ng lubos ang ating pamilya sapagkat sa hirap o sa ginhawa sila ay ating makakasama.

Ang pangalawang mahalagang bagay ay ang pag-ibig dahil ang pag-ibig ang nagpapatakbo sa buhay ng tao. Walang taong kailanman ay hindi umibig sapagkat lahat tayo ay binigyan ng damdamin na nakakapaglahad ng nararamdaman. Ang pag-ibig ay napakamakapangyarihan sa kadahilanang kinakaya natin mag sakripisyo ng sobra para sa pag-ibig. Ito ay ang isa sa bumubuhay sa isang tao at iba't ibang klase ng pag-ibig ang nararanasan ng bawat isa, ito ay pag-ibig sa Diyos, pag-ibig sa kapwa, pag-ibig sa pamilya at iba pang klase ng pag-ibig. Kaakibat ng pag-ibig ang kabutihan dahil kapag mahal mo ang isang tao ay mabuti rin ang pagtrato mmo sakanya.

Ang pangatlong mahalagang bagay sa buhay ng tao ay ang pagmamahal sa sarili at para saakin ay ito ang pinakamahalagang bagay sa lahat. Ang pagmamahal sa sarili ay napakamahalaga dahil kung mahal natin ang ating mga sarili ay mamahalin din tayo ng ibang tao. Maraming nagagawa ang pagmamahal sa sarili at nagbibigay ito ng lubos na kasiyahan sa isang tao. Lahat tayo ay may pagkakaiba at ang pagkakaiba na ito ay dapat natin tanggapin sapagkat ito ang natatangi saatin. Ngunit, hindi lahat ng bagay na ginagawa natin ay dapat para lang rin sa sarili natin mas makabubuti kung ginagawa rin natin ito para sa ibang tao.

Pamilya,pag-ibig at sarili - magkakaiba man ang depinisyon ng bawat isa ngunit iisa lang naman ang nilalaman nila. Kapag pinagsama-sama mo ang tatlong ito ay magreresulta sa kasiyahan at kung nagtataglay ka ng tatlong ito ay tiyak na magiging masaya ka sa iyong buhay. Ang tatlong ito ay dapat nating ingatan at pahalagahan dahil ito ang nagsisilbing rason kung bakit tayo nabubuhay at kung bakit tayo lumalaban araw-araw. Lagi nating ipagdasal ang tatlong ito at hayaan natin na pumagitna ang panginoon sa pamilya, pag-ibig at sarili dahil kapag ang panginoon ang ating inuna, ang kasiyahan ay siguradong matatamo ng bawat isa.  Ang tatlong ito ang nagsisilbing sandata natin sa anumang laban na ating haharapin kaya nararapat na pahalagahan nating ang mga ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BcxWhere stories live. Discover now