CHAPTER 40 [Final Goodbye]

32.2K 297 102
                                    

"

================Buhay ng Pangit==========

Wednesday

"Wala ka na ba talagang balak ipaalam sa mga kaibigan mo tungkol dito?"-mama

"Wala ma"-me

"Kahit paalam lang? Anak naman, kawawa naman sila kapag aalis ka na lang na parang bula at by next week, talagang wala ka na dito"-mama

"Ayoko sabihin sa kanila, baka mamaya di pa ako makaalis ng bansa"-me

"Haay... Ano pa nga ba ang magagawa ko. Basta HUWAG NA HUWAG MO AKO IKWEKWENTO DYAN SA PAPA MO AH"-MAMA

"Ma naman, naka-ilang beses ka na ba ng sabi niyan?"-me

Dear Diary, sorry kung di na ako masyado nakakapagsulat sayo o nakakapagkwento, kasi nasa kalagitnaan ako ng PAGIGING BUSY. Ang hirap kaya mag-asikaso ng visa, pero buti na lang tapos na.

Di ko pa siguro talaga nakwekwento sayo yung tungkol sa magulang ko, so eto yun.

Kwento ko nga ulit sayo, siguro mga 5 years old ako ng tuluyan ng iwan ni mama ang papa ko. Kasi umpisa pa lang talaga, akala ni mama, walang asawa si papa, pero meron pala, yun daw pala ang dahilan kung bakit ayaw pakasalan ni papa si mama at iyon, kahit di sila kasal, ako ang naging bunga ng pagmamahalan? Pagmamahalan nila, pero ng malaman iyon ni mama, hiniwalayan niya na kaagad si papa, si papa naman bumalik na ng taiwan at doon na nag-umpisa yung pag-aagawan nila sa akin at finally

after 8 years, napalitan na nga ang apelyedo ko, kaya ang pangalan ko ngayon ay Katerine Miles Tan na lang.

Medyo nalulungkot ako kasi parang wala na talaga akong tatay, pero okay lang, iyon ang gusto ni mama eh.

Ayy oo nga pala, diba napapayag ni mama si papa na ipapalit ang apelyedo ko? may kapalit yun actually, pumayag na si mama na tumira muna ako kay papa hanggang 16 y/o ko, kaya siguro pagkatapos ng bday ko this Dec 25, aalis na ako ng bansa.

Ay, december na pala.

Hindi ko man lang namalayan, siguro kasi sa dami ba naman na nangyari sa akin.

At thank God, nagising na din ako.

Sige, matutulog na ako. 3 araw na lang pasko na at birthday ko na pala.

Friday

Kanina nagkita-kita kami nila Daniel, Rica, Liliane, at Derek. Sa totoo lang, ngayon isa na si Derek sa mga bestfriends ko na lalaki kasi simula nung Halloween Ball, naging close na kami sa isa't-isa, at syempre di mawawala si Daniel, si Daniel na laging sumasalo sa akin at ang dalawang babaeng girlfriends ko na hindi ko malilimutan, Liliane at Rica.

Kumain lang kami dito kanina at yun nagkantahan and also exchange gifts. Buti na nga lang nakarating si Daniel, akala ko talaga hindi siya makakapunta, pero mas pinili niyang pumunta. Paano kaya kung sinabi ko sa kanila na aalis na ako? Siguro di nga talaga ako makakapunta ng Taiwan, hahaha, syempre mamimiss ko sila pero sa tuwing naiisip ko lang yung mga nangyari at yung taong

Buhay ng PangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon