Isa isang nagsidatingan ang mga participants ng Intramurals.
Nasa bleachers ang mga freshmen para magpractice ng kanilang Bleacher Gimmick to represent each of their corresponding Departments.
Nasa court naman ang mga participants ng cheering para irepresent din ang kanilang kani kaniyang departments.
Ang mga participants naman ng Mr. & Miss Intramurals ay nasa backstage para ipractice kung saan saan sila pupunta, kung saan sila lalakad at kung saan sila eexit.
"Business and Accounting Department, nandito na ba kayong dalawa?? de Guzman, Fernandez?"
"present. Pero wala pa yung partner ko" sagot ni Fernandez
"Engineering department, Montero, Venasquez. Are you in?" Muling tanong ng stage director
"Yes" sagot ng dalawa.
"Criminology department, Villaluz, Flores, nandito na ba kayo??"
"Present" sagot ng dalawa.
"College of Arts & Sciences? Chan. Rodriguez?"
"Present"
"So si de Guzman nalang ang hinihintay nati--"
"Sorry I'm late." Napatingin silang lahat kay Amber na patakbong umaakyat ng hagdan. Maging ang stage director ay nakatingin sakanya.
<Amber's POV>
"Tch, pa-VIP" bulong ng isang babae na sa tingin ko'y representative ng Arts & Science dept dahil sa suot nyang uniform. Nahuli ko rin ang pag-irap nya.
Alam kong may kasalanan naman ako kaya as much as possible, i tried to apologize and explained in my most humble tone and way.
"Sorry ha? Madami pa kasi akong inasikaso. Next time aaga--" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla syang sumabat.
"Dont use that as an excuse!!! As you can all of us are college students here but we managed to come on time, dont you know how long we have waited for you?? You're wasting our time!"
Ano bang problema ng babaeng to at napaka init ng ulo?? Nagsorry na nga eh! *inhale exhale* Chillax ka lang Amby...
Wag papaapekto sa impaktitang nasa harapan mo!
"Kaya nga ako nagsorry diba? Hindi ko naman intensyon magpahintay eh, tska 5 mins late palang naman ak--" pinutol nanaman nya ang sinasabi ko at umantrada nanaman ang bruha.
"Enough with your excuses! Ikaw pa tong mayabang ikaw na nga tong late??" Sigaw nanaman nito kaya diko na napigilang pumutok at sumabog but I still remained calm.
"Nagsorry na nga mayabang pa? I clearly told all of you that I'm so sorry for being late isn't that enough?? What? Do i still have to kneel para lang mapalampas mo to?"
Nginisian nya lang ako. Nakakakulo sya ng dugo! Kung pwede lang syang sabunutan st balatan ng buhay ginawa ko na!
"Bitch" rinig kong bulong nito. Sya palang ang kauna unahang taong tumawag sakin nun. This is getting out of grip!
"Bitch?? Who are you referring to? Your own self? Stop stating the obvious my dear!"
"Sam" Maya maya biglang lumapit saamin at hinigit sa kamay yung impaktitang bruha at tinago sya sa likod nito at pumagitna sya sa amin dalawa.
Sobrang sama ng tingin nya saakin. "Won't you stop?"
"Stop? Sakanya mo kaya sabihin yan at wag sakin! Sya tong di makaintindi!!"
"How dare you!!" Muling sigaw nung bruha at akmang lalapit nanaman sana sya saakin pero pinigilan sya nung lalaki at binalik sya sa likod nito.
Pumagitna naman na ang isang teacher at yung stage director para umawat.
Hinila na sya nung lalaki palayo saamin.
Pero hindi parin nya inaalis ang masamang tingin nya sakin. Ughhh!!!!
----
"Badtrip talaga yung yung impaktang umaway sayo kanina! Hindi naman sya kagandahan no! Maputi lang naman sya!"
Akalain mo! Nanunuod pala tong si Laurie saamin kanina sa backstage at nakita nya pala yung nangyari kanina.
"Girl!! Promise me tatalunin mo sya!! Promise me!!" Nagngingittngit talaga tong si Laurie. Kala mo sya ang inaway eh! Kanina pa nya gustong punitin yung hawak nyang panyo sa sobrang inis! Hahahahaha.
"Ano ka ba hayaan mo na yun! Tska wala naman akong balak seryosohin yung Intrams no!"
"Anong walang balak seryosohin ang pinagsasasabi mo!!!" Pasigaw nyang sabi saka ako tiningnan ng kanyang nanlilisik na mata! "...hoy kailangan mong manalo don! Hindi mo ba alam na isang panalo nalang mapupunta na tayo sa hall of fame?? At kapag napunta tayo dun, siskat ang department natin nang dahil sayo!!"
"Anong hall of fame?"
"Hindi ka ba aware don??" Umiling ako. Napakamot sya na ulo. "Taga sang planeta ka ba galing!!" Naasar na sabi nito.
"Eto makinig ka......."
"WHAAAAAAT!!!!?" sa sobrang lakas ng sigaw ko napagtinginan kami ng buong klase. Buti nalang at wala pa kaming teacher.
"Bakit ngayon ko lang ata nalaman yan!??" Napakamot sya uli ng ulo, may balakubak ba 'tong babaeng 'to at kanina pa nagkakamot ng ulo!? "Yan din ang gusto kong itanong sayo!" Iritang sabi nya.
Hala! Paano na yan??
---
A/N: Amber on the side
