Crush

12 1 0
                                    

CRUSH

"So class pano mo nga bang masasabing mahal mo ang isang tao?" Tanong ng prof namin kaya naman nag kagulo sa loob ng classroom.

"Basta ako sir mahal kita" sigaw ko kaya lalong nag si-kansyawan ang mga kaklase ko.

Ibang impression ang binigay niya sakin kaya biglang napawi yung ngiti ko ng lungkot.

"So-sorry sir" pag hingi ko ng tawad.

"Sir!" Nag taas ng kamay yung isa kong kaklaseng lalaki.

"Sige Mr. Delos Santos?" Sagot ni sir.

"Malalaman mo lang na mahal mo ang isang tao pag tanggap mo siya sa kung ano at sino siya, tanggap mo ang mga pag kakamali niya tanggap mo siya bilang siya, hindi mo masasabing mahal mo siya pero ito'y mararamdaman mo. Yun sir hehe tama ba?" Mahabang sambit ni Kenjie

"Very good Mr. Delos Santos, sino pa ang may opinion?"  Wika ni sir at nag si-taasan ang mga kamay ng mga kaklase ko.

"Ms. Reyes stand up" bigla akong napatingin kay sir at tumayo ng nangangatal.

"S-sir?" nauutal na wika ko.

"Pano mo malalamang mahal mo ang isang tao?" Ulit ni sir sa kanyang tanong.

"Ah.. Eh.. Sir.. Hindi ko po alam, basta naramdaman ko lang, tapos ang lakas ng kabog ng dibdib ko pag nakikita ko yung taong yun. Parang ganito; SIR! SIR! SIR! SIR!" sagot ko na nag kunwaring tumitibok ang puso sabay ngiti at kindat kay sir.

"Ayiiieeee!!"

"Woooaaaah!"

"Ahhh lakas ng loob mo siiis!"

Sigawan ng mga kaklase ko.

"Tahimik class!" Sigaw ni sir.

Kaya naman nag sitikom ang mga bibig nila.

"Ms. Reyes ganyan ba ang tinuturo ko?"
Seryosong tanong ni sir sakin.

"Hala sir sensya na, nagiging totoo lang ako sa nararamdaman ko. Sabi mo dati kunin namin ang gusto namin hangga't maaga pa kasi nasa huli ang pag sisisi, kaya sir pwede ba kitang ligawan?" Lakas loob kong tanong kay sir.

"Ms. Reyes! Anong pinag sasabi mo?"

"Sir! Will you marry me?" At itinaas ang singsing na hawak ko

"Ye---"

"Hoy! Zane! Gumising ka na dyan! Nandyan na si sir!" Bigla akong napabaligwas sa upuan ko at muntik pa akong mahulog.

"Photaena sis! Bakit?!" Galit na tanong ko.

"Anong bakit?" Gulong tanong niya

"Magiging kami na ni sir eh! Buset ka!"
Inis na saad ko kaya naman natawa siya.

BoSeT ka siS nakaKaiNis!!!

-bvrly-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon