Naramdaman niyo na ba na mainlove sa isang lalaking di niyo naman akalaing siya yung magpapatibok ng puso mo? yung tipong kapag nakikita mo siya natataranta ka at di mo alam ang gagawin at sasabihin?
dito ko siya sa school nakilala.. siya yung tipo ng lalaki na tahimik, medyo matalino, di kagwapuhan. oo may barkada siya pero iba siya sa mga kabarkada niya. paano ba naman ang mga kabarkada niya puro babae na lang ang nasa isip kaya ayun hirap na hirap kapag academics na ang usapan. marunong naman siyang makisalamuha pero kapag siya naging seryoso iba na ang usapan dahil para sa kanya lahat ng bagay sineseryoso niya. paano kaya sa pag-ibig? di ko pa kasi siya nakitang manligaw ni hindi pa nga yata siya nagkakagirlfriend eh.
ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya... hay naku bakit ba siya nanaman ang nasa utak ko..
oo nga pala ako nga pala si Ria isang 2nd year college student. simple lang keri lang ang family at school life, pero walang LOVELIFE... masayahin, mahilig kumanta at sumayaw. hilig ko din gumawa ng mga poems at songs lalo na kung tungkol sa pag-ibig. ewan ko ba kung bakit pagdating sa pag-ibig feeling ko expert na ako. siguro nadadala lang ako ng mga teleseryeng napapanuod ko.
simple lang naman ang gusto ko eh.. ang makapagtapos ng pag-aaral, matulungan ang aking magulang at makilala ang lalaking mamahalin ako at may pangarap para sa aming dalawa. kung iisa-isahin ko ang mga qualities na gusto ko sa isang lalaki eh lahat ng mga ito ay na kay Rico...
si Rico pala ang 2 years crush ko. grabe iba talaga kapag inspired ka na pumasok sa school para lang maikta ang lalaking nagpapatibok ng puso mo. oo nga pala. nung high school pa ako schoolmate ko siya. pero kasi may boyfriend pa ako nun kaya di ko siya ganun kapansin. pero habang kami pa nung high school boyfriend ko nanliligaw na siya. tumigil lang siya nung nalaman niya na taken na ako. pero ngayong single nanaman ako at 2 taon na rin ang nakalipas siguro tama lang na buksan ko ulit ang puso ko.
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
WRITERS NOTE: ITUTULOY KO PA PO BA ANG ISTROYANG ITO?? :)))